LUNGSOD NG PASIG—Humanga ang International Women’s Media Foundation (IWMF) sa siyam na Pilipinong mamamahayag na sumailalim sa Environmental Investigative Reporting Fellowship na natapos noong Sabado, Abril 6.
Kaugnay
nito, ikinagalak ng beteranang investigative journalist na si Marites Vitug ang
pagbubukas ng programa ng IWMF sa bansa upang mapataas ang antas ng kasanayan
ng mga mas batang mamamahayag.
“Nagulat
si Nadine sa quality ng mga report ninyo, hindi niya inaasahang ganoon kabigat
at kaganda ang magiging produkto ninyo,” sabi ni Imelda Abano, ang program
manager ng IWMF sa bansa at pangulo ng Philippine Network of Environmental
Journalists (PNEJ).
Ang
tinutukoy ni Abano ay Nadine Hoffman-De Cicco, ang director of programs ng IWMF
na nakabase sa Washington DC, sa Estados Unidos.
Sina
Abano at Hoffman-De Cicco ay nagkausap sa telepono noong gabi ng Biyernes,
Abril 5 o ilang oras bago isagawa ang huling sesyon at pagtatapos ng fellowship
na nagsimula noong Hunyo 2012.
Idinagdag
pa ni Abano na ikinumpara ni Hoffman-DeCicco ang kakayahan ng mga Pilipinong
mamamahayag sa ibang mamamahayag na lumahok sa ibang programa ng IWMF sa ibang
bansa.
Ang
siyam na piling mamamahayag sa bansa na nakasama sa walong buwang pagsasanay at
fellowship ay sina Purple Romero ng Rappler.com, Riziel Cabreros ng ANC,
Rouchele Dinglasan ng GMA Network, Anna Valmero ng Loqal.ph, Malou Guieb ng
Business Mirror, Rhodina Villanueva ng Philippine Star, Bong Sarmiento ng
BusinessWorld at MindaNews, Lira Fernandez ng Interaksyon.com, at Dino Balabo
ng Radyo Bulacan, Mabuhay, Punto Central Luzon at Philippine Star.
Hindi
nakasama sa mga nagsipagtapos ng fellowship si Kate Alave ng Philippine Daily
Inquirer at GMA Network dahil sa tawag ng tungkulin sa ibayong dagat.
Ang
bawat isa sa siyam na IWMF fellow ay sumailalim sa mga serye ng pagsasanay sa
loob ng walong buwan at nakapaglathala at nakapagsahimpapawid ng tatlo hanggang
apat na special report.
Ang
mga special report ay karaniwang tumalakay sa mga usaping may kaugnayan sa
kalikasan tulad ng pagmimina, pagsisinop ng basura, pagbaha, pagkakalbo ng
kabundukan, biodiversity, pagsasaka at produksyon ng isda.
Bawat
isa sa siyam na IWMF fellows ay ginabayan ng mga beteranong mamamahayag na
tulad nina Marites Vitug, Howie Severino, Miriam Grace Go, Robert Jaworksi
Abano, Abner Mercado, Red Batario, Nonoy Espina, Malou Mangahas at Tonette
Orejas.
Ayon
sa IWMF, layunin ng walong buwang fellowship na maihanda ang mga kalahok sa
pagbuo ng mga “innovative, in-depth reporting on environmental issues in the
Philippines, highlighting the voices of women.
Ang
bawat isa siyam na fellows ay tumanggap ng sertipiko ng pagkilala at
tig-P80,000 suporta sa panahon ng pagsasanay at pagbuo ng mga special report.
Kaugnay
nito, magpahayag ng kagalakan si Vitug sa pagbubukas ng IWMF ng programa sa
bansa
“I
am glad IWMF started a program in the Philippines, which our young journalists
deserve,” ani Vitug.
Bilang
isa sa mga mentor na gumabay sa mga kalahok sa fellowship, idinagdag pa niya
na, “I really feel helping the successor generation, it was good chance to
mentor you all. We don’t like to end up in the field with only the gray hair
dominant.”
Ayon
pa kay Vitug, nararapat sa larangan ng pamamahayag ngayon ang batang
mamamahayag na may “fresh mind, innovative spirit and lots of imagination.” Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment