MALOLOS—Lalong lumalaki ang hamon sa mga kandidatong tinaguriang
“Team Patay” dahil hindi sila iboboto ng mga layko ng simbahan.
Ito ay dahil sa kanilang pagboto ng pabor sa Reproductive Health
Law na ngayon ay nasa ilalim ng temporary restraining order (TRO) na inilabas
ng Korte Suprema.
Kaugnay nito, ibinulgar ng mataas na opisyal ng Diyosesis ng
Malolos na lahat ng kongresistang Bulakenyo ay nangako kay Obispo Jose
Francisco Oliveros na hindi susuportahan ang RH Bill,ngunit iisa lamang sa
kanila ang tumupad sa pangako.
Ang paninindigan ng mga layko sa Diyosesis ng Malolos ay taliwas
sa pananaw ng ilang puluitiko at opisyal ng Simbahang Katoliko na walang
matatag na Catholic vote sa bansa.
Ang desisyon ng mga layko ay nananatiling indipendiente sa
simbahan dahil hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag si Obispo Oliveros.
Gayunpaman, inaasahang sa mga susunod na araw ay maglalabas ng
opisyal na pahayag ang Obispo, at ayon sa mataas na opisyal ng simbahan, malaki
ang impluwensiya ng kinahinatnan ng pagpapatibay sa RH Law sa desisyon ng
Obispo.
Ayon kay Father Dars Cabral, tagapamuno ng Commission on Social
Communications ng Diyosesis, walang matatag na Catholic vote sa bansa.
Ito ay dahil sa ang mas nakararaming Pilipino ay nabibilang sa
pananampalatayang Katoliko.
“Hindi pinag-uusapan ang Catholic vote dahil majority sa atin ay
Katoliko,” sabi ni Cabral sa panayam.
Ngunit nagbabala siya na maaaring magbago ang nasabing pananaw
habang nalalapit ang halalan,partikular na sa lalawigan ng Bulacana may
populasyong halos 3-milyon at may rehistradong botante na umaabot sa mahigit
1.4 milyon.
Ang mga nasabing bilang ay karaniwang mga kasapi ng Simbahang
Katoliko.
Ayon kay Cabral kahit hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag
hinggil sa halalan ang obispo, nagbigay na ng paninindigan ang mga layko ng
simbahan na hindi nila iboboto ang mga kasapi ng Team Patay o mga kandidatong
pumabor sa pagpapatibay ng RH Law.
Bukod dito, inihayag ni Cabral na mula pa noong Pebrero ay
nagsimula na ang voter’s education program ng Simbahan sa pamamagitan ng Parish
Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Ayon pa kay Cabral,ang mga kasapi ng PPCRV sa bawat parokya sa
lalawigan ay aktibo;at ang PPCRV ng Bulacan ang nanguna sa pagsasalin sa wikang
tagalong ang mga impormasyon at polyetong ipinamamahagi para sa voters
education.
Inaasahang higit na darami ang susuporta sa paninindigan ng
layko ng Simbahan kapag naglabas na ng opisyal na pahayag si Oliveros.
Ayon kay Cabral, kahit hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Obispo
kung sino ang iboboto at hindi,malaki ang posibilidad na ang magiging mensahe
ng Obispo ay may kaugnayan sa RH Law.
“There will be modification because of the influence of the RH
Law, yung mga di pumanig sa paninindigan ng simbahan laban sa RH ay
pinaninindigan din ng mga layko na hindi nila iboboto,” ani Cabral.
Kaugnay nito, ibinulgar din ng pari na lahat ng kongresista sa
lalawigan ay nakipag-usap sa Obispo bago pagtibayin ng Kongreso ang RH Law.
Sa nasabing pag- uusap, lahat ng kongresistang Bulakenyo ay
nangako sa Obispo na hindi nila susuporthan ang RH Bill.
Ngunit ayon kay Cabral tanging si Kinatawan Arthur Robes lamang
ng Lone District ng San Jose Del Monte ang nanatilin tapat sa pangako sa
Obispo.
Ito ay dahil sa ang iba pang kongresista sa lalawigan ay
tuwirang sumuporta sa RH Law, samantalang ang iba ay umalis ng bansa bago pa
magbotohan sa kongreso. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment