LUNGSOD
NG MAKATI—Dalawang parangalang muling tunaggap ng pahayagang Mabuhay sa
katatapos na taunang Community Press Awards (CPI) ng Philippines Press
Institute (PPI).
Kaugnay
nito, anim pang pahayagan ang tumanggaprin ng parangal mula sa PPI kaugnay ng
isinagawang ika-17 National Press Forum sa New World Hotel na matatagpuan sa
Lungsod na ito noong Hunyo 13 hangang 14.
Ang
iba pang tumanggap ng parangal ay ang mga lingguhang pahaygang Baguio Midland
Courier, The Bohol Chronicle, The Mindanao Cross.
Sa
hanay ng mga pahayagang inilalathala araw, ang mga nagwagi sa PPI-CPA ay ang
Sun.Star.Cebu,
Sun.Star Davao, at Edge Davao.
Ang
parangal ay ipinagkaloob ng PPI kaugnay
ng ika-49 na taong pagkakatatag nito.
Ang PPI ay itinatag noong 1964.
Ang
mga parangal na tinanggap ng Mabuhay ay ang Best in Science and Environment
Reporting na tinaggapsa kauna-unahang pagkakataon ng pahayagang ito; at
Best
in Photojournalism na tinaggap ng Mabuhay saikatlong sunod na taon .
Ang
mga nabanggit na parangal ay ang ikalkima at ikaanim na parangal na tinanggap ng
Mabuhay mula sa PPI sa nagdaang tatlong taon.
Ito
rin ang ika-10 at ika-11 parangal na tinaggap ng Mabuhay mula sa PPI mula ng
simula ang pagbibigay ng CPA sa mga lingguhang pahayagan noong 1997.
Una
rito,tumanggap ng parangal na Best Edited Weekly Newspaper ang Mabuhay noong
2003, 2007, 2010, at 2011; at Best in Photojournalism noong 1998, 2005,2008,
2010, at 2011.
Para
sa 2012 PPI-CPA,ang Sun.Star Cebu ang tinanghal na pinakamatagumpay matapos
tumanggap ng apat na parangal.
Ang
pag-araw-araw na pahayagang ay tumanggap ng mga parangalna Best in Climate
Change and Biodiversity Reporting, Best in Culture and Arts Reporting, Best in
Photojournalism, and Best Editorial Page.
Kasunod
nila ang lingguhang Baguio Midland Courier na tumanggap ng tatlong parangal na
kinabibilangan ng Best in Climate Change and Biodiversity, Best in Culture and
Arts reporting at Best in Business and Economic Reporting.
Ang mga tao sa likod ng Mabuhay. |
Dalawa
naman ang tinanggapng ng pang-paraw-araw na pahayagang Sun.Star Davao. Ito ay
ang Best in Business and Economic Reporting at Best Edited Paper
Iniuwi
naman ng Edge Davao na inilalathala araw-araw ang parangal na Best in
Environment and Economic Reporting, samantalang nagwagi ang mga lingguhang The
Bohol Chronicle at The Mindanao Cross ng mga parangal na Best Editorial Page at
Best Edited Paper, ayon sa pagkakasunod.
Ayon
kay Abogado Jesus Dureza,ang bagong halal na tagapangulo ng PPI, ang taunang
parangal ay isang simplengpagkilalala sa mataas na antas na pamamahayag na
isinasagawa ng mga nagsipagwagi.
Bilang
bagong tagapangulo ng pambansang samahan ng mga pahayagan, tiniyak ni Dureza na
magpapatuloang PPI sa pagbibigay ng parangal sa mga pahayagan sa mga lalawigan.
Ang
taunang parangalna sinimulan noong 1996 ay sinusuportahan ng mga higanteng
pahayagan nakabase sa Maynila tulad ng The Philippine Star, Philippine Daily
Inquirer, BusinessWorld, Manila Standard Today, Malaya Business Insight at ng
Philippine Journalist Incorporated ng Journal Grouop of Publications.
Ang
mga nasabing pahayagan ay aysisilbing “brothers keepers” ng mas maliliit na
pahayagan sa mga lalawigan.
Kaugnay
nito, sinabi ni Abogado Adel Tamano,ang direkto ng Public Affairs and Communications
ng The Coca-cola export Corporation (TCCEC) na ang PPI ang isa sa kanilang
pinakamahalagang ka-partner.
Itio
ay partikular na sa layunin ng TCCEC na magsulongng higit na kaunlaran sa mga
pamayaanan.
Ang
TCCEC ay nagsusulong ng mga programang katulad ng Little Red school house. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment