MALOLOS—Dalawang
araw na walang klase sa City of Malolos Integrated School (CMIS) sa Barangay
Sto. Rosario matapos matupok ng apoy ang 14 na silid aralan nito noong Lunes ng
madaling araw, Hunyo 24.
Nagbalik
ang klase noong Miyerkoles matapos simulan ng pamunuan ang pagsasagawa ng
shifting ng klase para sa mga apektadong magpaaral.
Batay
sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa mahigit 3.2-Milyon ang
napinsalang aro-arian at pasilidad ng paaralan sa dalawang oras na sunog na
nagsimula bandang alas-4:20 madaling araw.
Ang
sunog ay umabot ng ikalawang alarma at naideklarang fire out makalipas ang
dalawang oras.
Batay
sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay nagsimula sa faculty room at mabilis
na kumalat sa sa kantina at mga silid aralan ng mag-aaral sa elementarya at
sekundarya.
Maging
ang dalawang silid aralan ng para sa mga special education (SPED) na gamit ng
mga mag-aaral na may kapansanan ay nadamay.
Ayon
kay Mayor Christian Natividad, isang malaking dagok ito sa kanilang programang
pang-edukasyon.
Ito
ay dahil sa kasalukuyang pa lamang nilang dinadagdagan ang mga silid aralan sa
mga paaralan sa lungsod na ito na sinimulan nila noong 2011.
Nasunog
din ang mga kagamitan tulad ng mga computers.
Ikunuwento
niya sa Mabuhay na unang napansin ng dalawang security guard ang pagkundap-kundap
ng ilaw sa paaralan bandang alas-4 ng madaling araw noong Lunes.
Ito
ay sinundan ng pag-usok sa silid aralang itinuturing na faculty room, kaya’t
agad silang tumawag ng bumbero.
Agad
namang tumugon ang BFP ngunit dahil sa yari sa mga kahoy ang mga silid aralan
ay umabot sa 14 na silid aralan ang natupok.
Ayon
kay Diaz, nagbalik na ang mga magpaaralnoong Miyerkoles matapos ang pulong ng
mga guro kung saan ay pinagplanuhan ang pagsasagawa ng klase.
Iginiit
pa niya humiling na rin sila sa Department of Education (DepEd) na
makapagsagawa ng klase kung Sabado.
Ito
ay dahil sa 14 na silid aralan ang nabawas sa kanila ay hindi maaaring
pagsabayin ang lahat ng klase, kasama na ang sa sekundarya.
Ayon
kay Diaz, walang magiging pagbabago sa klase ng mga mag-aaral na nasa
kindergarden at unang baitang.
Ang
CMIS ay dating kilala bilang Malolos CentralElementary School kung saan ay isa
sa mga pangunahing nagtapos sa nasabing paaralan ay si dating Embahador
Bienvenido Tantoco.
Si
Tantoco ay nagdonasyon pa ng mga kagamitan sa paaralang noong nakaraang taon
kaugnay ng kanyang ika-91 kaarawan.
Bukod
dito,may mga iskolar din sa nasabing paaralan ang dating embahador.
Noong
2011, binago ang pangalan ng paaralan at tinawag na CMIS dahil sapagbubukay ng
klase para sa sekundarya.
Upang
matugunan ang pangangailangan ng mga magpaaral sa sekundarya, nagpatayo ng apat
na silid aralan para sa mga ito si Natividad, sa bandang dulo ng bakuran ng
paaralan.
Dahil
naman sa mataas na bilang ng mgamagpaaral, ilang silid aralan para sa
elementarya ang ipinagamit sa mga nasa sekundarya. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment