Ito
ay isa lamang sa mga katanungang bibigyang kasagutan sa ika-17 National Press
Forum na pangungunahan ng Philippine Press Institute (PPI) sa ika-49 na taong
pagkakatatag nito bilang pambansang samahan ng mga pahayag.
Ang
NPF na may temang “"Watching
the Watchdog: Re-examining Ourselves" ay isasagawa sa New World Hotel sa Lungsod ng Makati sa Hunyo
13 hanggang 14.
Ito
ay tatampukan ng taunang Community Press Awards kung saan ay bibigyang parangal
ang mga natatanging pahayag sa bansa.
Ayon
kay Ariel Sebillino, executive director ng PPI, ang ika-17NPF ay magtatangkang
suriin ang pamamahayag sa bansa, maging ang mga posibleng kapalaran ng mga
lokal na pahayagan.
Ito
ay binigyang diin pa ni Amadomacasaet sa huling pulong ng PPI Board of Directors.
"We
need to be critical of ourselves too," ani macasaet, ang tagapaglathala
ngpahayang Malaya at tagapangulo ng PPI.
Hindi rin inilihim ni Macasaet ang kasalukuyang
kalagayan ng mga mamamahayag sa bansa.
Sinabi niya na “there are those who corrupt and
those who are being corrupted."
Sa kalagayang ito,higit na nagkakaroon ng
kahulugan ang tema ng NPF sa taong ito dahil hindi lamang ang journalism ethics
ang sinasakop nito kungdi maging ang posibleng kalagayan ng mga pahayagan sa
harap ng onlinemedia at iba pang kumpetisyon.
Ang taunang NPF ay lalahukan ng mga patnugot ng
may 70 kasaping pahayag ng PPI,mga kinatawan ng ibat-ibang embahada, mga guro
at mag-aaral ng pamamahayag, opisyal ng gobyerno at non-government
organizations, at mga negosyante.
Kabilang naman samga panaunhing tagapagsalita
ay sina Vergel Santos, pangalwang tagapangulo ng PPI, Dean Rolando Tolentino ng
University of the Philippines' College of Mass Communication (UPCMC), Ramon
Tuazon ng Asian Institute of Journalism
and Communication (AIJC), Raissa Robles,
isang foreign correspondent at popular na journalist-blogger; Rowena Paraan ng
National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Malou Mangahas ng
Philippine Center on Investigative Journalism (PCIJ), at Marites Vitug ng
Rappler. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment