Monday, June 10, 2013

Mabuhay, 15 pang pahayagan finalist sa taunang parangal ng PPI






MALOLOS—Sa ika-10 sunod na taon, muling napabilang ang Mabuhay  sa hanay ng prestisyosong pahayagan sa bansa.

Ito ay dahil sa ang pahayagang Mabuhay ay isa sa 16 na pahayagang finalist sa taunang Community Press Awards (CPA) ng Philippine Press Institute (PPI), ang pambansang samahan ng mga pahayagan.

Ang CPA ay ang tampok na gawain sa dalawang araw na ika-17 National Press Forum (NPF) na pangunguhan ng PPI sa New World Hotel sa Lungsod ng Makati sa Hunyo 13 hanggang 14.

Ang iba pang finalists ay ang Metropost na nakabase sa Lungsod ng
Dumaguete, The Mindanao Cross (Cotabato City), Baguio Midland Courier (Baguio City), Bohol Chronicle (Tagbiliran City), The Mindanao Observer (Dipolog City), Sun.Star-Baguio, Panay News (Iloilo City), Sun.Star-Davao, Sun.Star-Cebu, Sun.Star-Cagayan De Oro City,The Visayan Daily Star (Bacolod City), Edge Davao (Davao City), Mindanao Goldstar Daily (Cagayan de Oro City), Sun.Star-Pampanga (City of San Fernando) , at Mindanao Times (Davao City).

Ang mga magwawagi ay tatanggap ng premyong salapi at tropeo.

Mula sa mga nabanggit na finalists ay pipili ng magwawagi samga kategoryang Best
 Edited Paper, Best in Photojournalism, Best EditorialPage,  Best in business and economic reporting, Best in science and environment reporting, Best in culture and arts reporting, at Best in climate change and biodiversity reporting.

Ang huling dalawang kategorya ay ipagkakaloob sa kauna-unahangpagkakataon matapos iting ilunsad noong nakaraang taon.

Sa bawat kategorya, dalawa ang magwawaging pahayagan. Isa ay pata sa lingguhan, at isa ay para sa pahayagang inilalathala araw-araw.

Ang ika-17 National Press Forum ay sinusuportahan ng The Coca-Cola Export Corporation (TCCEC), Nickel Asia Corporation, New World Hotel, PhilHealth, First Philippine Holdings Corporation, Petron Corporation, SM Retail, Inc., SM Investments Corporation, at Land Bank of the Philippines. 

Ang National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at ang ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) naman ang magkakaloob ng premyo para samga magwawagi sa Best in culture and arts reporting, at Best in climate change and biodiversity reporting.  
Matatandaan na sa nagdaang dalawang taon ay apat na parangalang nakamit ng Mabuhay sa PPI-CPA.

Ito ay ang Best Edited Paper at Best in Photojournalism para sa mga taong 2010 at 2011 na ipinagkaloob noong 2011 at 2012.

Ang parangal para sa taong 2012 ay ipagkakaloob sa Hunyo. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment