MALOLOS—Maghanda
po tayo, may nagbabadyang bagyo, ito ay ang dengue storm.
Ito
ang babalang iniwan ni Health Assistant Secretary Eric Tayag kaugnay ng pagsasagawa ng ikatlong Regional
Asean Dengue Day sa Bulacan noong Lunes, Hunyo 24.
Ayon
kay Tayag, mapanganib ang nagbabadyang
dengue storm dahil maaari9ng mapagsak nito ang ekomoniya partikular na ang Philippine
Health Insurance Corporation (PhilHealth)
Ito
ay dahil sa apat na uri ang dengue, kung saan ang type 1 ay nanalasa na sa
Luzon partikular na sa Bulacan, ata ng type 2 ay nasa Visayas ang Mindanao.
Ayon
kay Tayag, “its just a matter of time bagomakarating Luzon ang type 2 ng
dengue.”
Ipinaliwanag
ninya na ang isang tao na dinapuan na ng dengue type 1ay maari pang dapuan ng
isa type nito
Ito
ay nangangahulugan na kahit nagkadengue naang isang tao, maaari pa rin siyang
magsakit hatid ng dengue type 2.
Dahil
dito, iginiit ni Tayag ang paghahanda laban sa dengue dahil batay sa kanilang
projection ay tataas pa ang mga dengue cases sa susunod na dalawang buwan.
Ito
ay matapos ang pagdating mga mga bagyo na maaaring magbukas ng panibagong
breeding ground sa mga lamok.
Ayon
pa kay Tayag, umabot na sa 193 na ang namatay sa dengue sa bansa hanggang nitong Hunyo 8.
Noong
nakaraang taon,naitalaang pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue sa Luzon,
ngunit sa taiong ito, ang mataas na bilang ay naitala sa Visayas at Mindanao.
Ito
ay dahil sa paglitaw ng dengue type 2 sa Visasyas at Mindanao.
Bilang
paghahanda sa paglaban sa dengue,ipinayo niya ang pagsasagawa ng 4 o’clock
habit o ang paglilinis sa kapaligiran, partikular nasa mga pinamumugaran ng mga
lamok.
“Kailang
puksain natin ang mga lamok lalona ang kiti-kiti upang hindi tayo ang mapinsala,” sabi ni Tayag.
Ang
4 o’clock habit ay kasunod ng religious 3 o’clock habit na tinatampukan ng
pagdadasal.
Sabi
ni Tayag, “[pagtapos nating magdasal n asana ay huwag tayong magkasakit ng
dengue, sundan agad natin ito ng aksyon.”
Hinggil
naman sa epekto ng dengue storm, ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon ay
umabot sa 175,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa.
“Halimbawang
100,000 na lang ang magkasakit at sila ay kasapi ng Philhelath na nagbibigay ng
P8,000 sa bawat kasaping nagkasakit ng dengue, aabot sa P800-Milyon iyon,” sabi
niya.
Kung
grabe naman ang sakit tulad ng severe dengue, umaabot sa P15,000 ang ibinibigay
ng PhilHealth, at ayon kay Tayag kung aabot sa 100,000 ang may severe dengue,
aabot sa P1.5-B an gang magaastos.
No comments:
Post a Comment