Chairman Brillantes with Mac Reyes. |
MAYNILA—Ikinagulat
ni Chairman Sixto Brillantes ng Commission on Elections(Comelec) ang dami ng perang inihain bilang ebidensya
sa kaso ng vote buying sa bayan ng Norzagaray, Bulacan sa katatapos na halalan.
“Ngayon
lang ako nakakita ng ganoong karaming pera na cash,” ani Brillantes sa isang
ambush interview bago siya pumasok sa kanyang tanggapan noong Miyerkoles, Hulyo
10.
Sinabi
pa niya na nakakita siya ng malaking halaga ng pera sa nagdaang panahon ngunit
iyon ay nakasulat sa tseke.
Gayunpaman,
iginiit ni Brillantes, na ang kanyang nakita ay ang mga larawan ng pera na
bahagi ng iprinisintang ebidensiya.
Ang
mga nasabing larawan at minarkahan bilang ebidensiya ng Comelec First Division
noong Miyerkoles.
Sa
kabuuan, umabot sa 1,385 na piraso ng P500 papel na nagkakahalaga ng P692,500
ang iprinisinta ng mga abogado ni dating Mayor Feliciano Legazpi sa Comelec
bilang ebidensya sa kasong diskwalipikasyon na isinampa laban kay Mayor Alfredo
Germar ng Norzagaray.
Ang
kaso ay nag-ugat sa naidokomentong malawakang pamimili ng boto sa North Hills
Village sa Barangay Tigbe, Norzagaray noong Mayo 12 o isang araw bago
maghalalan.
Ayon
kay Legazpi, nagsagawang isang mini-people power ang mga residente matapos
matuklasan na may malawakang bilihan ng boto sa tanggapan ng Home Owners
Association sa North Hills Village.
Dahil
dito,napilitang umalis ang mga coordinator ng Liberal Party at iniwan ang mga
kahon ng maliit na sobreng may lamang mga pera.
Agad
na ikinandado iyon ng mga residente, ngunit bago maghating gabi ay dumating ang
hepe ng pulisya ng Norzagaray na si Supt. Dale Soliba at minaso ang kandado
upang makuha ang pera.
Ngunit
hindi agad siya nakalabas ng North Hills Village at hinarang siya ng mga
residente, at inihatid sa munisipyo.
Ayon
kay Legazpi, iprinisinta ni Soliba ang mga perang ebidensya kay Municipal
Administrator Matilde Legazpi.
Ngunit
tinangka pa raw ni Soliba na kumbinsihin ang municipal administrator huwag
ipakita lahat ang ebidensiya at ang iba at paghatian nila.
Hindi pumayag ang municipal administrator na minsan ay nagsilbing alkalde ng
Norzagaray.
Bukod
sa mga ebidensya, nagpahayag si Legazpi na malakas ang kanilang kaso dahil na
rin sa testimonya ng mga testigo.
Sa
kasalukuyan, sinabi niyang may halos 300 residente ang nagbigay ng opisyal na
salaysay na nagdetalye sa ibat-ibang insidente ng pamimili ng boto sanasahing
bayan.
Ayon
sa dating alkalde,kakaiba ang kasong kanilang inihain sa Comelec dahil walang
kaso ng vote buying sa bansa ang nakapag-ipon ng kasing dami ng ebidensya at
testimonya. (Dino Balabo)
Ang pagmamarka sa mga ebidensya laban kay Mayor Germar. |
this really happened.. sad but true.. hindi kaya ito ung nawawalang pork barrel? tsk.. tsk.. tuwid na landas, pagbabago? nasaan na kayo?
ReplyDeleteJizz just a humor. Ang mga tao talaga ang diretso binabaluktot at ang baluktot dinidiretso
ReplyDelete