MALOLOS—Hiniling
ni Gob. Wilhelmino Alvarado sa mga ahensiya ng pamahalaan na makipag-ugnayan
muna sa mga lokal na pamahalaan bago simulan ang relokasyon ng mga iskwater
mula sa kalakhang Maynila,
Ito
ay kaugnay ngh planong mga ahensiya ng pamahalang pambansa na ilipat sa Bulakan
ang mga ikwater na nakatira sa mga gilid ng ilog at estero mula sa ibat-ibang
lungsod ng kalakhang Maynila sa layuning matuldukan ang pagbaha doon tuwing
tag-ulan.
Kaugnay
nito, malapit ng simulan ang paglilipat ng mga iskwater na nakatira sa gilid ng
Ilog Angat sa lalawigan sa itinatayong pabahay sa bayan ng Bustos, samantalang
nagsimula na ang paglilipat ng mga biktima ng mga bagyong Ondoy at Pedring sa lalawigan
sa ipinatayongpabahay ng Diyosesis ng Malolos sa bayang ng Plaridel.
Sa
kanyang pahayag sa kanyang lingguhang palatuntunan sa Radyo Bulacan noong
Sabado, Hunyo 22, iginiit na Alvarado ang tamang koordinasyon sa relokasyon.
“Sa
pagresolba ng isang problema,kailangan ay holistic,hindi yung ililipat mo lang
yung problema sa ibang lugar,” sabi niya.
Iginiit
niya ang masusuing pagpaaral sa lokasyon ng paglilipatan at posibleng maging
pangmatagalang epekto nito sa paglilipatan.
Binanggit
niya ang karanasan ng mga mga inilipat na iskwater mula sa riles sa North Ville
3 resettlement site sa Barangay Lambakin, Marilao noong 2009 kung kailan
nanalasa ang bigalang pagbahang hatid ng bagyong Ondoy.
Ang
nasabing pabahay ay matatagpuan sa gilid ng Ilog ng Marilao, kaya’t ng rumagasa
ang biglang pagbahang hatid ng ulang bumuhos sa sa mga Lungsod ng Quezon,
Caloocan, at San Jose Del Monte sa Bulacan ay nasagsaan ng tubig ang bahag9i ng
pabahay na ikinasawi ng ilang residente.
Bukod
sa pagkasawi ng buhay, binigyang diin ng punong lalawigan ang matagalang epekto
sa kalikasan at kapaligiran ng mga proyektong pabahay.
“Hindi
naman sa inaalis natin an gating hospitality, pero kailangan ng tamang
pagpaplano at koordinasyon sa pamahalaang loka,”sabi ng Punong Lalawigan.
Binigyang
diin niya na ang mga pabahay na karaniwang pinaglilipatan ng mga iskwater ay
ang matataas at bulubunduking lugar tulad ng Lungsod ng San Jose Del Monte.
Ito
ay nangangahuluganng pagputol ng mga punong kahoy, at pagkokongreto sa mga
kalsada at mga bakuran.
“Isa
yan sa mga dahilan ng mga flash flood, dahil yung tubig ulan ay hindi na
nasisipsip ng lupa at wala na ring punong kahoy na pumipigil, kaya yung tubig
ulan ay dire-diretso sa sapa at mga ilog at ang bunga ay flashflood,” sabi ni
Alvarado.
Bukod
dito, dapat ding ikunsidera ang mga nakahandang planong pangkaunlaran ng isang
pamahalaang lokjal, tulad ng Program for Rapid Industrial Development (PRIDE)
na inilunsad ng lalawigan noong Marso.
Sa
nasabing lugar, tinukoy na ng mga namumuno sa lalawigan ang mga lugar sa
lalawigan na gagawing technology hub, center business district, agro-industrial
area at pangturismo.
Ayon
kay Alvarado, malaki ang posibilidad na hindi umakma sa mga nasabhing plano ang
relokasyon ng mga iskwater,kaya’t kailangang pagplanuhang mabuti ito.
Bukod
pa rito ay ang mabilis na pagkaubos ng pondo ng isang pamahalaang lokal na
paglilipatan dahil sa biglang dami ng mangangailangan ng social services.
Ayon
sa mga unang bayang pinalipatan ng iskwater sa lalawigan tulad ng Lungsod ng
Jose Del Monte at Norzagaray, hindi biro ang mapaglipatan ng daan daang bagong
residente.
Ito
ay sa kadahilanang ang mga bagong lipat ay hindi kasama sakanilang nakahandang
pondo para sa kasalukuyang taon, at ang pinagmulang pamahalaang lokal ay wala
namang ipinagkakaloob na ayuda sa mga dating nasasakupan na inilipat.
Kaugnay
nito, sinabi ni Mayor Arnel Mendoza ng Bustos na malapit ng ilipat ang unang
pangkat ng mga nakatira sa gilid ng Ilog Angat sa pabahay na itinayo ng National
Housing Authority sa Barangay Catacte ng nasabing bayan.
Ang
may pitong ektaryang pabahay ay inaasahang mapaglilipatan ng may 3,000
pamilyang nakatira sagilid ng Ilog Angat na tinukoy bilang geo-hazard area o
palaging lumulubog kapag tumaas ang tubig sa ilog sanhi ng pagpapatapon ng
tubig mula sa mga dam.
Bukod
sa pabahay sa barangay Catacte ay may isa pang pabahay ang pinaplano sa bayan
ng Pandi ang NHA para sa iba pang nakatira sa gilid ng ilog sa lalawigan.
Sa
bayan ng Plaridel, nasimula na noong nakaraang taon ang paglipat ng unang
pangkat ng mga nabiktima ng mga bagong Ondoy at Pedring sa lalawigan.
Ito
ay ang pabahay na tinawag na Jubilee Homes na pinangunahang itayo ng Diyosesis
ng Malolos kaugnay ng pagdiirwang nga kanilang ika-50 Jubileo nong nakaraang
taon,
Ayon
kay Father Dennis Espejo, tagapangulo ng Commission on Service ng Diyosesis,
ang Jubilee Homes nakaplano bilang isang self-sustaining community kung saan ay
may magkakaroon ng trabaho ang mga maninirahan. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment