MALOLOS—Hati
pa rin ang pananaw ng mga halal na opisyal sa Bulacan hinggil sa panukalang
paglikha ng bagong distrito sa lalawigan.
Kaugnay
nito, tiniyak ang mga muling nahalal na Kongresista na sina Kint. Joselito
Mendoza at Kint. Linabelle Villarica na muli nilang ihahain sa ika-16 na
Kongreso ang panukalang batas na naglalayong malikha ang ika-limang distrito sa
lalawigan.
Ang
nasabing panukala sy tinutulan nina Gob. Wlhelmino Alvarado at Kint. Pedro
pancho, ngunit sa huling panayam sa gobernador, nilinaw niya na kailangang
pagplanuhan ang paglikha mga bagoing distrito sa lalawigan.
Binigyang
diin pa niya na sa kabuuan, hindi siya tutol sa paglikha ng bagong distrito,
ngunit binigyang diin niya na na tutol siya rito lalo na kung ang layunin sa
paglikha ay personal.
Sa
panayam ng Mabuhay kay Mendoza,binigyang diin ng Kinatawan na ang populasyon ng
Bulacan ay umaabot na sa 3-Milyon.
“Halos
tatlong milyon na ang populasyon natin at kung tutuusin ay pwede na taying
magkaroon ng pito hanggang wa,long distrito, pero sa kasalukuyan ay apat lang
ang congressional district natin,” ani Mendoza.
Sa
pahayag ni Mendoza,ang kanyang tinutukoy ay ang Unang Distrito na binubuo ng
mga bayang ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, Pulilan,Bulacan, at Lungsod ng
Malolos; ikalawang distrito na binubuo ng mga bayan ng Bocaue, Balagtas,
Guiguinto,Plaridel, Baliwag, Bustos at Pandi.
Ikatlong
distrito na kinabibilangan ng mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San
Rafael, Angat, Norzagaray, at Donya Remedios Trinidad; at ika-apat na distrito
na kinabibilangan ng lungsod ng Meycauayan, at mga bayan ng Sta.Maria, Marilao
at Obando.
Ang
Lungsod ng San Jose Del Monte ay dating bahagi ng ika-apat na distrito ngunit
inihiwalay namatapos mapagtibay ang paglikha sa Lone District ng nasabing
Lungsod.
Iginiit
pa ni Mendoza ang ilan sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng dagdag na distrito sa
Bulacan.
Kabilang
dito ay ay ang pagkakaroon ng dagdag na kinatawang Bulakenyo sa kongreso na
nangangahulugan ng dagdag na tinig ng Bulakenyo, at dagdag na pondo mula sa
priority development assistance fund (PDAF).
Sa
pagsisimula ng ika-15 Kongreso noong 2010,magkasamang inihain nina Mendoza at
Villarica sa Kongreso ang paglikha ng ikalimang distrito sa Bulacan.
Ang
ikalimang distrito ay bubuuin ng mga mga bayan ng Norzagaray mula sa ikatlong
distrito at bayan ng Sta. Maria mula sa ika-apat na distrito.
Ito
ay nangangahulugan na ang panukalang ikalimang distrito ay uukitin mula sa
ikatlo at ika-apat na distrito.
Ngunit
ayon kina Mendoza at Villarica,ang kanilang panukala ay tinutulan ni Gob.
Alvarado at kina Kinatawan Marivic Alvarado at Kint. Pedro Pancho.
“I
don’t know his reasons, but as far as I’m concerned, it met all the
requirements,” sabi ni Mendoza.
Inayunan
din ito ni Villarica na nagsabing, “basta inoppose lang, pero hindi nilinaw ni
Governor kung ano ang specific objections niya.”
Bilang
kinatawan ng ikatlong distrito,sinabi ni Mendoza na ang kabuuang lupaing
nasasakopng kanyang distrito ay halos kasing laki ng kalahati ng Bulacan.
“Napakalaki
ng land area ng distrito ko kaya kinakapos ako ng project na inimplememnt, pero
kung mas maliit ang distrito, mas maraming projects,”ayon kay Mendoza.
Kinatigan
din ito ni Villarica maging ang pahayag ni Mendoza na nakatupad sa pamanatayan
ang paglikha sa isang distrito ang kanilang panukala.
Ayon
kay Villarica, “isa lang naman ang requirement, kailangan lang ay may
population na at least 250,000.”
Sa
panayam kay Alvarado, nilinaw ng punong lalawigan na ang reapportionment o
pagdadagdag ng congressional district saBulacan at dapat pagplanuhang mabuti.
Binigyang
diin niya na hindi siya tutol sa paglikha ng mga bagong distrito dahil ito ay
maghahatid ng dagdag na pondo sa Bulacan.
Ngunit
binigyang diin niya na tutol siya sa
pagdadagdag ng isang distrito na ang maguusap ay dalawang lider lang.
Kailangang
upuannaming lahat yan at pag-usapan,kasi pang dalawa lang ang mag-usap ay baka
pumasok na ang personal interest, eh ilegal na yan, gerrymandering na yan,”
sabi ng gobernador.
Ipinaliwanag
niya na bukod samga kongresista, at gobernandor, kailangan ding konsultahin sa
pagbuo ng plano ang bawat alkalde sa lalawigan.
Inihalimbawa
niya ang panukalang ikalimang distrito ng Bulacan na bubuuin ng Norzagaray at
Sta. Maria.
“Kailangan
ay long range planning, paano kung ihihiwalay ang Sta. Maria sa District 4 ano
matitira sa sa ditrito, eh alam nating ang Meycauayan ay isang city na
sa mga susunod na taon at maaring magkaroon ng Lone district tulad sa San Jose
Del Monte,” sabi Alvarado.
Idinadag
din niya na patuloy angpag-unlad ng Marilao at maaaring maging isang city na
posibleng magkaroon din ng lone district.
Dahil
dito, iginit niya na” ano ang mgayayari sa Obando, magihing lone distrito ba
ang Obando? So,ang kailangan diyan ay pagplanuhan nating lahat. Tama na 250,000 lang population requirement,
pero ano ang magiging epekto nito sa pangkalahatang kaunlaran ng Bulacan,” sabi
ng punong lalawifgan.
Kaugnay
nito, sinabi ng baging halal na Kinatawan ng Ikalawang Distrito na Gavini
Pancho na pag-aaralan niya ang nasabing panukala nina Mendoza at Villarica.
Bilang
dating chief of staff ng kanyang ama na si Kint. Pedro Pancho na nagsilbing
kongresista ng ikalawang distrito sa loob ng 18 taon, hindi lingid sa batang
Pancho ang panukala.
Sinabi
niya na tinutulan ito ng kanyang ama dahil sa “bubulabugin nito ang mga
distrito” dahil sa “dampot-dampot ang kanilang ginawa.”
Bukod
doon, sinabi nhg batang Pancho na hindi nakonsulta nina Mendoza at Villarica
ang mga alkalde sa apektadong mga bayan at distrito. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment