MALOLOS—Ipinagtanggol
ni Gob. Wilhelmino Alvarado at iba pang opisyal ang pagkakaroon ng maraming
consultant o tagapayo sa kapitolyo sa pagsasabing wala silang nilalabag na
batas.
Ito
ay matapos kumpirmahin nina Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando na umaabot sa
72 ang consultant sa kapitolyo na sumusuweldo ng P10,000 hanggang P35,000 bawat
buwan.
Kaugnay
nito,kinumpirma din nina Alvarado at Fernando na walang paring katoliko na
nagsisilbing consultant sakapitolyo katulad ng pahayag ng Diyosesis ng Malolos.
Ang
usapin hinggil samaraming consultant na pinasusuweldo ng kapitolyo ay nag-ugat
sa mga ulat na lumabas sa mga pang-araw-araw na pahayagan noong Miyerkoles, Hulyo
10 na may titulong “In Bulacan, bishops and priests paid honoraria as
consultants.”
Ang
nasabing ulat ay mula sa opisyal na ulat na inilabas ng Commission on Audit
(COA) na ang sipi ay mababasa sa website ng nasabing ahensiya.
“Walang
ilegal sa pagha-hire ng mga consultant, wala kaming nilalabag na batas,”ani
Alvarado sa panayam sa telepono noong umaga ng Biyernes, Hulyo 12.
Nilinaw
niya na walang batas ang nagbabawal sa pagkakaroon ng mga consultant, sa halip
ay nakasaad ito ng LocalGovernment Code.
Sa
pahayag ng goberndor, kinumpirma niya na 72 ang consultant ng kapitolyo,katulad
ng iniulat ng COA.
Inamin
din niya na 52 sa mga ito ay nagsisilbing consultant niya at ang 20 ay kay Bise
Gob. Fernando at Sangguniang Panglalawigan.
Ayon
sa punong lalawigan, 27 sa kanyang consultant ay kanyang pinili dahil sa
technical nakakayahan, samantalang ang 25 ay dahil sa kanilang propesyunal na
kakayahan at karanasan.
Iginiit
niya na walang batas na nagbabawal sa bilang ng kukuning consultant.
Ngunit
ipinahayag niya na ang bilang ay dapat akma sa pondong nakahanda.
Inayunan
din ito ni Fernando at nina Bokal
Michale Fermin at Enrique Dela Cruz.
Ayon
kay Fernando, mahalaga ang pagkakaroon ng mga tagapayo sa pananaw na “two heads
are better than one.”
Isa
sa kanyang tinukoy na consultant ng Sangguniang Panglalawigan ay si dating Bise
Gob. Aurelio Plamenco na tumatanggap ng sweldong P30,000 bawat buwan.
Batay
naman sa pahayag nina Fermin at Dela Cruz, ipinaliwanag nila n ang mga
consultant ay mga kontraktuwal at hindi nabibilang sa mjga empleyado ng
kapitolyo.
Dahil
dito,hindi raw nasasakop ng civil service regulations ang mga consultant.
Ayon
pa kay Fermin,angmga consultant ay maaari lamang maglingkod hangga’t kailangan
ang kanilang serbisyo.
Hinggil
kay Obispo Ephraim Perez ng Christian Catholic Church, sinabi ni Alvarado na
ito ay kanyang kinuha hindi dahil sa relihiyon, sa halip ay dahil sa iba pang
kakayahan.
Nilanaw
naman ni Dela Cruz na hindi lumabag ang kapitolyo sa separation of church and
state clause ng Saligang Batas sa pagkuha kay Perez.
Ayon
kay Dela Cruz, ang mga tao sa simbahan magingmga pari ay maaaring maglingkod
sapamahalaan,katula dni dating Pampanga Governor Ed Panlilio na isang pari.
Iginiit
paniya na ang ipinagbabawal ng separation of church and state clause sa
Konstitusyon ay ang pagpabor ng isang gobyerno saisang relihyon.
Samantala,
sinabi ni Father Dario Cabral na ang balita hinggil sa mga consultant ay may
posibilidad na pinalaki o ginawang “sensationalized.”
Bilang
tagapamuno ng Commission on Social Communications ng Diyosesis ng Malolos,
sinabi ni Cabral na sindayang palakihin ang istorya sa paggmit ng mga
titulong “bishop” at “priest” sa titulo
ng istorya.
Inayunan
din ito ni Alvarado na nagpahiwatig na ang mga naunang lumabas na ulat ay
“politically motivated.”
Iginiit
niya na sa mga nagdaang administrasyon sa kapitolyo, maraming mga consultant
ang kinuha ng mga dating gobernador at mas matataas pa ang pasuweldo.
“Mas
mataas ang ibinibigay nilang pasuweldo sa mga consultants noon,pero mas marami
kami ngayon, tapos kami ang binabatikos ngayon,” sabi ng gobernador.
Inihaqyad
din niya na apat na sa mga consultant
niya ang tinanggal noong Hulyo 1 kabilang dito ang isang Gerardo Borlongan. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment