Tito Inoncillo, managwr Diamon Gaming & Research Center |
GUIGUINTO,
Bulacan—Tuloy pa rin ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Bulacan mahigit ang isang linggo
matapos lumipas ang panukalang taning ng Philippine Charity Sweepstakes Office
(PCSO) upang bigyang daan ang Pambansang Loterya ng Bayan (PLB).
Ito
ay dahil sa hanggang sa sinusulat ang balitang ito noong Hulyo 11 ay hindi pa
rin napagtitibay ng Internal Rules and Regulations (IRR) ga gagamiting batayan
sa para sa operasyon ng PLB.
Ang
nasabing IRR ay kasalukuyang pang nirerebisa ng Malakanyang.
Gayunpaman,
ang patuloy na operasyon ng STL ay posibleng maputol anumang araw kapag
napagtibay na ang IRR ng PLB.
Kaugnay
nito, binigyan ng pagkakataon ng PCSO ang mga kumpanyang kasalukuyang
namamahala sa STL sa lalawigan na magsumite ng aplikasyon para sa napipintong
operasyon ng PLB.
Ayon
kay Tito Inoncillo, ang tagapamahala ng Diamond Gaming and Research Center
(DGRC), ang unang taning na itinakda ng PCSO para sa operasyon ng STL ay Hunyo
30.
Ang
DGRC ang operator ng STL sa 21 bayan at talong lungsod sa lalawigan. Tanging
ang bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad ang walang operasyon ng STL
sa Bulacan.
“Our
operation is given indefinite extension, but we know that is only good until
the IRR for PLB is completed,” sabi ni Inoncillo.
Nilinaw
niya na ang pansamantalang [pagpapalawigan sa operasyon ng STL ay bahagi ng
plano ng gobyerno na mapanatili ang kinikitang pera sa STL.
Sa
huling taya ng PCSO, umaabot sa P4-Bilyong ang kinikita ng gobyerno sa
operasyon ng STL sa bansa.
“Kung
pinatigil nila kami noong June 30, mula noon hanggang ngayon ay wala silang
kikitain,” aniya.
Bilang
operator ng STL sa Bulacan sa nagdaang pitong taon, sinabi ni Inoncillo na
maraming problema ang pinagdaanan ng DGRC.
Kabilang
dito ay ang mga bookies at mga sinasabing parallel operationng jueteng,na kapwa
ilegal.
Sa
kabilanito, sinabi ni Inoncillo na nagtiwala ang mga mananaya sa STL dahil sa
pagiging tapat at maayos ng kanialng operasyon.
“We
are very concerned with the operations of bookies in Bulacan because it takes
away livelihood of our at least 19,000 manpower,” sabi niya patungkol sa mga
kubrador at mga supervisor ng STL.
Hinggil
sa kanilang aplikasyon para sa PLB, sinabi ni Inoncillo na rerebisahin at
susuriin pa iyon ng PCSO. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment