HAGONOY,
Bulacan—Alam ba ninyo kung gaano kalalim ang bahang magpapalubog sa Bulacan
kung sakaling masisira ang Angat Dam?
May
nagsasabing depende sa lugar, pero may nagsasabing isa hanggang 30 metro ang
lalim ng bahang raragasa pag nasira ang Angat Dam na matatagpuan sa
bulubunduking bahagi ng bayan ng Norzagaray.
Batay
sa ulat ng Tonkin & Taylor International, ang kumpanyang nagsagawa ng anim
na buwang feasibility study sa Angat Dam, ang ang bahang may lalim na 10
hangang 30 metro ay maaring maranasan sa mga bayan ng Angat, Bustos, Baliwag,
San Rafael at Plaridel.
Sa
ibabang bahagi naman ng Ilog Angat kung saan matatagpuan ang mga bayan ng
Calumpit, Hagonoy, at Paombong ay tinatayang aabot lamang sa isa hanggang aqpat
na metro ang lalim.
Ang
bawat isang metro ay katumbas ng tatlong talampakan kaya’t ang 20 metro o 30
metro ay nakakatumbas ng 60 hanggang 90 talampakan.
Ngunit
batay sa pag-aaral ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, ang ulat ng Tonkin &
Taylor ay posibleng bumaba ng 20 metro o tumaas pang 20 metro.
Ito
ay ang tinatawag na margin of error na ayon sa ulat ay 20 meters plus or minus.
Ayon
kay Dela Cruz, walang dapat ipangamba kung ang ulat ng Tonkin & Taylor ay
lalabas na minus 20 meters.
Ito
ay nangangahulugan na halos walang baha sa bayan ng Hagonoy na sinasabing
lulubog sa isa hanggang apat na metrong lalim ng baha.
Ngunit
paano kung ang pagtaya ng Tonkin & Taylor ay mali at ang lumabas na baha ay
plus 20 meters.
“Delikado
yan, wala na tayong mapupuntahan,” ani Dela Cruz ngunit iginiit na “hindi na
tinatakot natin ang taumbayan, dapat lang kasi na nauunawaan natin ang mga
posibilidad upang mas higit tayong handa.”
Ilan
sa mga pinagbabasihan ni Dela Cruz ng pananaw na posibleng maging plus 20
meters ang bahang ihahatid ng posibleng pagkasira ng dam ay ang karanasan noong
1978 at nitong 2011 kung kailan nanalasa ang mga bagyong Pedring at Quiel.
Matatandaan
na noong Oktubre 1978, lumubog sa anim hanggang pitong talampakang baha ang
bayan ng Hagonoy matapos ang bagyong Kading dahil sa nagkamali ang namamahala
sa Angat Dam.
Batay
sa tala, aksidenteng napalaki ang bukas sa floodgate ng ng Angat Dam at tumapon
ang 5,000 cubic meters per second ng tubig sa Ilog Angat na naging sanhi ng
pagkasawi ng may 100 katao at pagkasalanta ng maraming ari-arian.
Noonfg
2011, lumubog sa tatlo hanggang limang talampakang baha ang Hagonoy dahil sa
pagpapatapon ng may 1,500 cms a tubig ng Angat Dam.
“Simpleng
subjective analysis lang ito, kung 5,000 cms ipinatapon ng Angat Dam noong 1978
at lumubog sa halos dalawang metrong baha ang Hagonoy, paano kung masira ang
dam,” sabi ni Dela Cruz.
Batay
sa tala ng National Power Corporation, ang Angat Dam ay may kakayahang
magtinggalng mahigit sa 800-milyong kubiko metro ng tubig; at ito ay posibleng
rumagsang lahat kung masisira ang dam.
Ayon
kay Dela Cruz, tinataya ng Tonkin & Taylor na aabot sa 22,000 cms ng tubig
ang tatapon sa Angat River pag nasira ang dam.
Ito
ay nangangahulugan na posibleng umabot sa 20 metro o 60 talampakang lalim ng
tubig ang maghpalubog sa bayan ng Hagonoy dahil noong 1978 ay 5,000 cms lamang
ang tumapon ngunit halos dalawang metro ang lalim na nagpalubog sa nasabing
bayan.
Sa
kabila ng pagsusuring ito,ipinayo ni Dela Cruz ang dagdag na pag-aaral upang
higit na matantiyan ang posibleng baha na ihatid ng pagkasira ng dam.
Binigyang
diin niya na hindi ito maaring ipagwalang-bahala dahil buhay at kamatayan ang
nakataya.
Matatandaan
na ilang araw bago manalsa ang bagyong Ondoy sa kalakhang Maynila at mga bayan
ng Sta.Maria,Marilao,Bocaue at Lungsod ng Meycauayan noong Setyembre 2009 ay
naging bisita ng Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan si Dr. Renato Solidum,
ang direktor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa
kanyang pahayag sa Sangguniang Panglalawigan na noo’y pinamumunuan ni Bise Gob.
Wilhelmino Alvarado, nagbabala si Solidum na dapat paghandaan ng Bulacan ng
posibilidad na masira ang Angat Dam.
Sa
panayam ng Mabuhay matapos ang kanyang presentasyon sa Sangguniang
Panglalawigan, itinanong kung anogn antas ng paghahanda ang dapat gawin ng
Bulacan.
Ayon
kay Solidum,” Bulacan must prepare for the worst!” Dino Balabo
Ano na ba nangyayari sa ating bayan ngayon, hindi naman yata katanggap-tanggap na "Bulacan must prepare for the worst!" Hindi tama na marami ang mapipinsala mahirap man o mayaman. Sobra na nga ang dinaranas ng bulakenyo at karatig-bayan taun-taon kaya sana po naman ay magawan ng paraan at masolusyunan ang problema sa tubig.
ReplyDeletePreparation for worst possible disaster is a call to action. Taon-taon po ay sinagasa ng baha at kalamidad ang Bulacan,pero parang di natututo ang mga opisyal kung ano ang dapat unahing proyekto at isagawa ng mabilisan. Kailangan po nating patuloy na mag-ingay upang matawag ang kanilang pansin.
DeleteParang magulo ung plus or minus 20. Pag minus 20 wala daw baha? E magpakawala nga lang ng tubig sa, bumabaha na e. Ung masira pa kaya. Just my thoughts, I could be wrong.
ReplyDeleteIto ay isang malaking bangungot para sa lahat ng maapektuhan, bakit kelangan hintayin pa ang epekto kung may magagawa naman solusyon? Ika nga "Prevention is better than cure". Sana ay magising na ang natutulog na damdamin ng ating kinauukulan na magmalasakit sa kanilang bayang tinubuan.. Umaasa po kameng lahat na nagluklok sa inyo sa pwesto na magagawan na ng paraan para ang lahat ay makinabang.
ReplyDeleteAno ba ang pwedeng gawin ng mga taga Bulacan para ituloy na ang pagrepair sa Angat Dam? Kailangan bang mag signature campaign? Gumawa ng group sa Facebook? Alangan namang kumpunihin nila yan pag tag ulan ulit. Pinakamainam nang panahon ngayon.
ReplyDeleteANO ang KAILANGANG GAWIN sa Angat Dam ngayon??? Totoo bang may 5 B piso na ang inilaan ni PNoy para sa rehabilitasyon ng Angat Dam? Nasaan ang perang ito at ANO ANG GAGAWIN dito? Bakit wala namang kumikilos? Hintayin na lang daw ba tayong mamatay lahat?! Anong paghahanda ang kailangang gawin ng mga taga-Bulacan??? Ipag-bigay alam sana sa lahat BAGO MAHULI ANG LAHAT.
ReplyDeletekapag hindi nyo yan ginawan ng paraan lahat tayo mamamatay!!!!!!!! sana habang wala pang ulan unti unti nyo ng patagasin ang tubig at isagawa nyo na ang tamang pamamaraan ng pag ayos dyan sa dam
ReplyDeleteang mga ilog sa Bulacan mababaw na, isang dahilan nito kung inyong na tatandaan ay ang pag putok ng bulkan Pinatubo 2nd siguro ang soil erosion 3rd mga basura na galing satin na. sa konting pag papawala ng tubig galing sa dam maraming lugar sa bulacan bumabaha na. Pero ano ang ginagawa ng mga politko? pinapataas at tinatambakan ang mga daanan. wala nga naman baha sa daanan pero ang mga bahay sa tabi ng daan lubo sa tubig. Nakapag tataka lang e bakit hindi ipahukay muli ang mga ilog? ilagay dun ang pondo at huwag sa pag papagawa ng mga buong kalsada.
ReplyDeletehilling lng nmin at ang buong nasasakupan ng bulacan na maayos at magawa na ang angat dam hanggat maaga bago pa mahuli ang lahat buhay ang pinag uusapan dito..!kaya gawin na agad ang dapat gawin
ReplyDeletekung ang pagkilos ng gobyerno ay gagawin kapag nasira ng ang dam para nyo naring sinabi sa mga maaapektuhang bayan na isauli na ang hiniram na buhay sa poong lumikha,, kaya kayo naupo sa inyong mga pwesto ay dahil sa aming mga nasasakupan ninyo kaya sana huwag ninyong sayangin ang tiwala namin na ibinigay sainyo,, kaya kayo ang nakaupo dyan ngayon ay upang matulungan at maprotektahan ninyo kaming mga nasasakupan nyo,, hindi para bigyan kami ng pangamba at takot,, kaya naman po sana bigyan ninyo kami ng malinaw na aksyon at masiguro nyo ang ikaliligtas ng maraming buhay na nangangamba sangayon,,, Godbless
ReplyDelete