Barasoain Church. Anjeline Domingo |
STA.
MARIA, Bulacan—Muling natigib ng libo-libong mananampalatay ang bawat simbahan
sa Bulacan kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas.
Karaniwan
sa mga nagsimba ay bumili ng palaspas sa labas ng simbahan, ngunit ilang
nagtitinda ang nagsabing mas mababa ang kanialng benta sa taong ito.
Ang
Linggo ng Palaspas at hudyat ng isang linggong paggunita ng sambayanang
kristiyano sa taunang semana santa na tinatampukan ng pagtitika, panalangin,
penitensiya, pabasa ng pasyon, pagtatanghala ng mga senakulo at pag-aayuno.
San Isidro Labrador Church, Pulilan. Annejoelica Esguerra |
Ito
isa ring pag-aalala sa muling pagpasok ni Hesu-Kristo sa lungsod ng Jerusalem
may 2,000 taon na ang nakakaraan.
Batay
sa sa Bibliya, si Hesu Kristo na sakay ng isang asno ay sinalubong ng mga taga
Jerusalem ng may pagbubunyi na natutulad sa sa isang hari.
Ito
ay dahil sa panahojg iyon, ang bansang Israel ay nasa ilalim ng pamamahala ng
mga Romano at ang mga Israelita at naghahangad na magkaroon ng isang hari na
magliligtas sa kanila.
Ngunit
batay sa mas naunang paliwanag ni Fr. Pros Tenorio, kura paroko ng Divine Mercy
National Shrine sa Marilao, ang pagpasok ng Panginoong Hesu-Kristo sa Jerusalem
sakay ng isang asno ay may ibang mensahe.
Ito
ay nagbabadya ng pagliligtas sa kasalanan ng sangkatauhan.
Ipinaliwanag
pa ng pari na ang kung ang mga Israelita ay naghahangad ng kaligtasan sa mga
Romano, ang hatid ni Hesu-Kristo ay kaligtasan ng espiritu at hindi ng katawang
lupa.
Sta. Maria Church. Jedd Santos |
Kaugnay
nito, sinalubong ng mga Bulakenyo ang pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas ng may
pag-asa at pagpapakumbaba.
Ayon
kay Jun Santos, 38 ng bayang ito, sisimulan niya ang isang linggong pag-aayuno.
Iginiit
niya na ito ay hindi lamang para sa pagbabawas ng pagkain, sa halip ay pagtigil
sa bisyo tulad ng paninigarilyo.
Ang
iba naman ay umaasa ng biyaya na ihahatid sa kanila ng nabendisyunang palaspas.
Sa
bayan ng San Rafael, ang pagbebedisyon sa s amga palaspas ay pinangunahan ng
mga pari ay mga lay leader ng simbahan tulad ni Dely Gonzales.
“Mas
matumal ngayon,” ani Robena na 10 taon ng nagtitinda nt palaspas na yari sa
dahon ng palmera at sasa.
Katulad
ni Robena, si Roslyn Cruz ng Bocaie ay dumayo pa sa Simbahan ng Barasoain upang
magbenta ng palaspas.
Sinabi
ni Cruz na hindi sila makapagtaas ng presyo dahil ang karaniwang tawad sa
kanila ay halagang P20.
Sa
bayan ng Hagonoy, maaga ring nagsigising ang mga residente upang lumahok sa
Linggo ng Palapas.
Ito
ay isinagawa sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana na alas-5 pa lamang ng madaling
araw ay tigib na ng tao, samantalang ang bawat bukana ng bakuran ng
simbahan ay may nagtinda ng
palaspas. (Nina Dino Balabo, Jedd
Santos, Elaine Bautista, at Anjeline
Domingo).
No comments:
Post a Comment