NLEX Balintawak Interchange. DB |
LUNGSOD
NG QUEZON—Tiniyak ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na magiging
panatag ang paglalakbay ng may 500,000 sasakyan sa tatlong expressway na
kanilang pinamamahalaan ngayong Semana Santa.
Ito
ay dahil sa paghahanda kanilang ipapatupad upang tugunan ang inaasahang paglobo
ng mga sasakyang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark Tarlac
Expressway (SCTEX) at Cavite Expressway (Cavitex).
Ang
tatlong nabanggit na expressway ay nasa ilalim ng pamamahala ng MPTC kasama ang
Manila North Tollways Corporation (MNTC), Cavite Infrastructure
Corporation(CIC), Tollways Management Corporation(TMC) at Toll Regulatory Board
(TRB).
Kaugnay
nito, nakahanda naman ang mga kumpanyang kaagapay ng MPTC na magbigay ng
libreng serbisyo at produkto sa kahabaan ng mga expressway mula Abril 16
hanggang 21.
Ang
mga serbisyong ito ay karagdagang sa taunang serbisyong ipinagkakaloob ng MPTC
tulad ng pag-asiste sa motorist, libreng paghila sa mga nasirang sasakyan,
pagdaragdag ng mga patrol officers at toll tellers, maging mga serbisyon ng
medikal kung mga mga aksidente at iba pang emergencies.
Sa
paglulunsand ng taunang programang tinawag na “Safe Trip Mo Sagot ko,” sinabi
ni Rodrigo Franco, pangulo at Chief Operating Officer ng MNTC na magdadagdag silang mga tauhan samga
pangunahing interhcnages sa kahabaan ng NLEX.
Kabilamng
dito ang interchanges sa Balintawak, Bocaue, Mindanao Avenue, Dau at Mabalacat
sa Pampanga.
Sa
kahabaan ng SCTEX ay magdagdag din ng tauhan sa Tarlac at Tipo interchange.
Sa
pagtaya ni Franco, sinabing umaasa silang tataas ng 30 porsyento o katumbas na
mahigit sa 60,000ang madagdag sa NLEX simula Abril16.
Ang
60,000 sasakyang ito ay madagdag sa daily average na 170,000.
Iginit
pa ni Franco an gang pinakamataasna bilang ng sasakyan sa NLEX ay inasahan nila
Miyerkoles Santo kung kailan maramia ng uuwi sa mga lalawigan sa Hilagang
Luzon.
Ito
ay muling mauulit sa Linggo ng pagkabuhay ng Lunes, Abril 21 kung kailan ang
mga motorist ay babalik sakalakhang Maynila.
\
Sa
SCTEX, inaasahang tataas din ng 30 porsyento ang kasalukuyang daily average na
24,000.
Sa
Cavitex, sinabi ni Ramoncito Fernandez, pangulo at CEO ng MPTC na inaasahang
din nilang tataas ng may 20 porsyento ang kasalukuyang daily average na 101,000
na sasakyang dumadaan doon.
Upang
matugunan ang mga pangangailangan ng mga motorist, sinabi ni Franco at
Fernandez na bukod sa karaniwang serbisyong ipinagkakaloob ng kanilang mga
kumpanya ay magbibigay din ng serbisyong free wifi sa mga piling lugar ang
kanilang mga kasamang kumpanya.
Bukod
dito, ilan sa mga kumpanyang nagsilbing sponsor ng safe TripMo sagot ko ay
magbibigay din ng mga libfre serbisyo at produkto.
Kabilang
samga kum[panya at produktong matitikman ng libre ay ang mula sa Maynilad
Water,`Regent Belgian Waffles, Mochi Gelatin rice cakes, Yasai potao chips, at
Rebisco Dowee donuts.
Ang Belo Sun Expert ay mabibigay din ng
libreng produkto.
Ang
mga major sponsor ng SMSK ay ang Shell Philippines, Smart Communications at
Philippine Long Distance telephone Company, samantalang nabilang bilang minor
sponsors ang Philippine Star at Belo Sun
Expert. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment