MALOLOS—Pulitika
ang nakikitang motibo ni Bokal Michael Fermin sa pamamaslang sa kanyang chief
of staff na si Edwin Miranda Inocencio noong Huwebes, Abril 10.
Kaugnay
nito, patuloy naman sa imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang
pagkakakilanlan sa pamamaslang sa biktima.
Ayon
kay Fermin, ilang araw bago paslangin si Inoncencio ay nakatanggap sila ng mga
pagbabanata sa buhay.
Ang
mga pagbabanta at pinadaan sa pamamagitan ng text message.
Ayon
sa Bokal, ang huling mapagbantang text message na kanilang natanggap ay
nagsasaad ng “ito na ang huling araw mo.”
“Malaki
ang posibilidad na pulitika ang motibo dahil alam ng katunggali naming sa
pulitika ang aming mga galaw,” sabi ni Fermin.
Gayunpaman,
wala pa siyang tinukoy na katunggali sa pulitika.
Nagpahayag
din siya ng pagkabahala sa lumalalang kalagayan ng kriminalidad sa lalalwigan.
Ito
ay dahil na rin sa noong Marso 25 ay pinagtangkaan din ang buhay ni Konsehala
Francis Dianne Cervantes ng Hagonoy.
Si
Cervantes ay himalang nakaligtas sa pamamaril sa bayan ng Paombong.
Sa
kabila naman ng pahayag ni Fermin na pulitika ang motibo ng pamamaslang kay
Inocencio, patuloy pa rin ang pagsasagaw ang imbestigasyon ng pulisya.
Batay
sa mga naunang ulat, si Inoncencio ay patungo sa bahay ni Fermin na matatagpuan
sa NorthFields Subdivision sa Barangay Longos sa lungsod na ito ng harangin ng
dalawang nakamotorsiklong suspek bandang alas-8ng umaga noong Huwebes, Abril
10.
Kasunod
nito ay ang sunod-sunod na putok ng mula sa kalibre .45 na agad na ikinasawi ng
biktima.
Ayon
sa pulisya, nakasakay sa kanyang van si Inocencio na nasa kahabaan ng MacArthur
Highway papasok sa gate ng subdivision ng siya ay tambangan.
Ilang
saksi naman ang nasabi sa pulisya na isa sa dalawang suspek ang lumapit pa kay
Inocencio matapos paputukan at muling pinaputukan upang matiyak na patay ang
biktima.
Ang
40-anyos na si Inocencio ay residente ng Barangay San Sebastian sa Hagonoy
Siya
ay nagsilbing chief of staff ni Fermin ng unang distrito ng Bulacan mula noong
2010.
Bilang
chief of staff, si Inocencio ay ang responsible sa mga paghahanda at
pagapaptupad ng mga programa ni Fermin.
Kabilang
dito ay ang planong pagkandidato bilang Kongresista ng unang distrito ng
Bulacan sa 2016.
Ito
ay dahil matatapos na sa 2016 ang ikatlong termino ni Kinatawan Marivic
Alvarado, ang maybahay ni Gob. Wilhelmino Alvarado. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment