Ni Nolie Ross De Guzman
Kumalabog
ang bisikletang pasan ni Jimbo ng kanyang ibagsak iyon sa labas ng kanilang
bahay pasado alas-10 ng gabi. Humahagos
siyang pumasok sa bahay, humihingal, pawisan, at halos hindi makapagsalita.
Agad
siyang inabutan ng isang basong tubig ng kanyang nagtatakang ama, habang ang
kanyang ina’y nag-aalalang nakamasid.
Kapwa nagtatanong ang kanilang mga matang nakatuon sa anak
“Bakit?
Ano ba ang nangyari,” halos magsabay na tanong ng mag-asawa sa anak habang
ibinababa nito ang baso sa mesa.
“Mmmmmhultoooo,
may multo,” ang hindi magkadatutong sagot ni Jimbo.
Si
Jimbo ay isa sa aking na pinsan na nakatira sa Brgy. Macapsing, Bongabon Nueva
Ecija kung saan nagmula ang aming pamilya. Halos na beses bawat taon ay
bumibisita kami roon mula sa aming kasalukuyang tirahan sa Bulacan.
Mapakaraming
kakaibang kuwento sa Brgy. Macapsing.
May maganda, may pangit pero karamihan ay kababalaghan, kaya’t minsan ay
naitanong ko sa aking sarili meron pa ba mga ganito sa panahon na ito o baka
kwentong barbero lamang.
Hindi
ako masyadong kumbinsido sa kuwento ng iba dahil hindi ko alam kung sino ang
pinagmulan ng kuwento. Pero kuwento ni
Jimbo ay kakaiba, dahil siya ay pinsan ko at alam kong hindi siya magsisinungaling.
Ilang
sandali pa, nahimasmasan din si Jimbo at ikinuwento ang makatindig balahibong
karanasan na muli at muling kong naaalala kapag sasapit ang Nobyembre 1 kung
kailan ginugunita ang Undas.
Kagagaling
lang niya sa bahay ng kanyang kasintahang si Lyn sa katabing barangay ng San
Vicente. Napasarap ang kuwnetuhan nila kaya’t halos alas-10 na ng gabi ng siya
ay magpa-alam na umuwi.
Dahil
gabi na, pinahiram siya ni Lyn ng isang bisikleta upang hindi masyadong gabihin
si Jimbo. Nasa pagitan ng Brgy.
Macapsing at Brgy. San Vicente si Jimbo ng makaramdam siya ng kakaiba, pero
hindi niya pinansin iyon.
Palibhasa’y
probinsiya madalang ang bahay at ang ilaw sa lansangan; at dahil gabi na,
madalang na rin ang mga tao sa kalsada. Sa magkabilang bahagi ng kalsada ay
malalawak na taniman ng sibuyas, ang pangunahing produkto ng bayan ng Bongabon.
Nagpatuloy
sa pagpedal si Jimbo at habang papalapit sa isang matandang puno ng sampalok di
kalayuan sa kantong paliko sa kanilang bahay ay kinabahan siya. Marami kasing kuwento sa nasabing punto at
karaniwan ay kababalaghan katulad ng babaeng nakaputi na diumano’y
nagpapakita di kalayuan sa punong
sampalok.
Palibhasa’y
lalaki, nagtapangtapangan si Jimbo.
Itinuloy ang pagpedal at pigil hininga habang padaan sa tapat ng punong
sampalok. Nakahinga naman siya ngh maluwag ng makalampas siya sa puno dahil
wala namang nagpakitang multo.
Ngunit
pagkalampas sa punong sampalok, may nabanaagan sa dilim si Jimbo. Isang babeng
mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan at nakasuot ng puti na inakala niya
na kanyang kapitbahay na si Amy kaya’t tinawag niya ito.
"Ate
Amy, Ate Amy," ang halos na pasigaw na tawag ni Jimbo sa babae. Ngunit nagtaka siya dahil hindi lumilingon
ang kanyang tinawag. Naisip niya, baka hindi siya narinig kaya’t binilisan niya
ang pagpedal ng bisikleta.
Pagtapat
ni Jimbo sa babae ay nilingon niya ito at sa pagkakataong iyon, tumindig ang
lahat ng balahibo niya sa katawan.
Walang
mukha ang babae na inakala niyang si Amy, at hindi nakasayad sa kalsada ang mga
paa nito.
Parang
bumaha sa isipan ni Jimbo ang mga kuwento ng kababalaghan na kanyang narinig sa
mga nagdaang panahon, at sa pagkakataong iyon ay kanyang nakumpirma. Totoo ang multo at iyon ay nakita ng kanyang
dalawang mata.
Balot
man ng takot ang kanyang buong katauhan, binilisan niya ang pagpedal sa
bisikleta ipinahiram ni Lyn hanggang halos masira ang kadena nito. Ngunit pakiramdam niya ay hindi siya umuusad.
Kaya’t
agad siyang bumaba sa bisikleta, pinasan iyon at dali-daling tumakbo pauwi.
Nagulantang
pa ang kanyang ama ng kumalabog sa labas ng bahay ang bisikletang pasan ni
Jimbo, sakay siya humahagos na pumasok.
Ilang
araw pa, kumalat din sa Barangay Macapsing ang kuwento ng karanasan ni Jimbo
kaya’t marami ang umiwas magpagabi sa lansangan.
Hindi
nagtagal, pinutol ang puno ng sampalok at pinabendisyunan sa pari at abularyo
ang lugar na iyon.
Ngunit
isang katanungan ang naiwan sino ang babaeng iyon? At bakit wala siyang mukha?
Saan napunta ang mukha ng babae?
(Si Nolie Ross ay kabilang
sa unang batch BA Journalism graduate sa Bulacan State University (BulSU). Siya ay nagtapos noong Abril 2011. Ang artikulong ito ay kanyang sinulat noong
2010.)
No comments:
Post a Comment