ANGAT, Bulacan—Sa simula’t simula pa lamang, kumbinsido si Antonio Meloto at mga kasama na nasa pagkakaisa ang ikatatagumpay ng hangarin ng mga Pilipino para panlipunang pagbabago.
Ito
ay sa pamamagitan ng pagbabayanihan ng bawat Pilipino—mayaman o mahirap—at
titiyaking walang maiiwan.
Sa
loob ng 10 taon,ang pagkakaisang ito ay ipinakita ng Gawad Kalinga sa pagbabago
sa may 2,000 mahihirap na lugar at pamayananng mga iskwater na ngayon ay may
maaayos na tahanan.
Dahil
sa tagumpay na ito, higit na tumibay ang paniniwala ng GK na ang bayanihan ay
susi sa ikalwang bahagi ng kanilang pangarap na patuloy na pagbabago.
Ang
ikalawang bahjaging ito at tinatatmpukan ng bayanihan o pagsasanib puwersa sa
larangan ng negosyo at industriya.
Sa
kasalukuyan ang GK ay nakikipagkapit-bisig sa mga kabataang social
entrepreneurs na makakalikha ng pangmatagalang hanap buhay sa pamamagitan ng
kanilang talent at kakayahan ng mga benepisaryo ng GK.
Ang
pagkakapit bisig na ito ng mga kabtaang social entrepreneurs at benipisaryo ng
GK ay masasaksihan sa Enchanted Farm sa Barangay Encanto ng bayang ito.
Ang
Enchanted farm ay itinuturing na “Silicon Valley for Social Entrepreneurship.”
Ang
Enchanted farm ay kakaiba at sustainable community kung saan ay ay maaring
pag-eksperimentuhan ng ng mga social entrepreneurs ang kanilang mga innovative
social ventures gamit ang business knowleged at na tinutustusan ng mga GK funding
partners.
Ang
mga innovative social ventures ay ipinagpapatuloy ng mga naninirahan sa GK
Community na mga dating iskwater ngunit ngayon sa mga produktibong mamamayan
na.
Sila
ang mga pangunahin saksi at kapiling ng mga kalahok sa isinagawang Social
Business Summit mula Oktubre 2 hanggang 4 sa Enchanted Farm.
Ang
social business summit ay nilahukan ng may 500 social entrepreneurs mula sa
ibat-ibang bansa.
Sa
kanilang paglahok, ang mga social entrepreneurs ay nakipagpalitan ng mga ideya
at sumubok sa iba pang opportunidad na hindi lang nakatutok sa kikitain salapi,sa
halip ay sa pagbibigay ng oportunidad sa mag Pilipino at higit na magbibigay ng
kakayahan ay kapangyarihan sa mga manggagawang Pinoy.
“Entrepreneurship
shouldn’t just be about getting rich and living a comfortable life. It should
also be about creating jobs and, ideally, contributing something to benefit
society,” sabi ni Fabien Courtielle, isang estudyanteng Pranses na nagtungo sa
Pilipinas dalawang taon na ang nakakaraan matapos malaman ang konsepto ng
Enchanted farm.
Si
Courtielle ay isa lamang sa 50 banyaga na dumalo sa Social Busness Summit.
Ang
pagsasagawa ng social business summit ay naisipan ni Meloto matapos na lumahok
sa Davos World Economic Forum.
Ayon
kay Meloto, hinangan niya na makapagsagawa ng katulad na gawain para sa mga
taong higit na makikinabang sa pagtitipon.
“If
we couldn’t bring the poor to Davos, then we could bring Davos to the poor
instead,” sabi niya.
Kabilang
mga lumahok sa social business summit ay mga natatanging lider sa mundo ng
social development tulad nina Stephen Groff, ang Vice President ng Asian
Development Bank, Marco Collovati, ang CEO ng Orangelife Industria sa Brazil, Jean-Marc
Debricon, ang CEO ng Green Shoots Foundation, Jean-Francois de Lavison, ang President
ng Ahimsa Fund..
Ang
mga social wentrepreneur namang Pinoy na lumahokay sina Senador Bam Aquinokasama
sina Jaime Ayala ng Hybrid Solutions, Mark Ruiz ng Hapinoy at Reese Fernandez
ng Rags2Riches.
Ayon
kay Meloto, ang GK ay naniniwala sa potensyal ng social business na maghatid ng inclusive
growth sa mga umuunlad na bansa tula dng Pilipinas. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment