Jhane Dela Cruz (left). |
HAGONOY,
Bulacan—Sa kabila ng kritisismo at mapanirang tsismis na ipinakalat ng kanyang
mga katunggali, tuloy pa rin ang laban ng isang 29 anyos na trans-gender sa
bayang ito.
Siya
ay si Jhane Dela Cruz, isang matagumpay na insurance manager na kandidato
ngayon bilang kapitan ng Barangay Iba sa bayang ito.
Sa panayam ng Mabuhay Online, sinabi ni Dela Cruz na hindi hadlang sa isang
lingkod bayan ang sexual orientation.
Binigyang
diin pa niya na walang batas ang nagbabawal sa isang tulad niya upang
kumandidato at maglingkod sa kanyang kababayan.
Ang
pananaw na ito ay kinatigan ni Abogado Elmo Duque, ang provincial election
supervisor sa Bulacan.
Ayon
kay Dunque, malinaw ang itinatakda ng batas para sa mga nais kumandidato at
walang isinasaad doon na nagbabawal sa isang tomboy, bakla at transgender.
Para
kay Dela Cruz ang pagiging isang transgender ay may bentahe sa paglilingkod.
Ito
ay ang pagiging tutok sa trabaho dahil walang iniintinding pamilya na maaaring
maging dahilan upang maligwak ang kanyang panglilingkod.
Sa
kabila naman ng kanyang pagiging transgender, buo ang suporta kay Dela Cruz ng
kanyang mga magulang, kapatid, kaanak at mga kaibigan.
Sinabi
niya na wala siyang planong kumandidato, ngunit nakiusap sa kanya ang
mga residente ng Barangay Iba na lumahok upang magkaroon ng pagbabago at
kaunlaran sa kanilang barangay.
Ayon
kay Sol Santos, isang reeleksyunistang kagawad, matagal ng tumutulong sa mga
pulitiko at mga kandidato si Dela Cruz kaya nagkaisa ang kanyang kabarangay na
himukin ito na siya ang kumandidato.
Bago
pumasok sa larangan ng pulitika, si Dela Cruz ay matagumpay na branch manager
ng Peoples’ General Insurance sa Bulacan.
Siya
ay nagtapos ng kursong interior design sa Estados Unidos. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment