Friday, October 11, 2013

Pagyanig ng Bustos dam, pinangangambahan

 
Bustos Dam

BUSTOS, Bulacan—Hindi pa man umaabot sa spilling level na 17.80 meters above sea level (masl) ang tubig sa Bustos Dam ay nagpapatapon ng ito ng tubig.

Ito ay bahagi ng pangangalaga sa nasabing dam na may anim na rubber gates, kaya’t ito ang itinuturing na longest rubber gate dam, sa buong Asya.

Ayon kay Inhinyero Precioso Punzalan ng National Irrigation Administration na siyang namamahala sa dam, iniiwasan nila na umbot sa 17.70 masl ang water elevation doon upang maiwasan ang pagyanig.

“Pag mataas ang water elevation, yumayanig ang mga rubber gates, lalo na pag may alon sa reservoir,” sabi ni Punzalan.
Engr. Punzalan habang kinakapanayam ng BulSU students

Ipinaliwanag niya na ang nasabig pagyanig ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng rubber gate dahil ang mga ito inflatable o may hangin sa loob at nakaturnilyo lamang.

“Siyempre, kagagalaw niyan dahil sa vibrations, maaaring masira yung pagkakaturnilyo at tuluyang matanggal ang rubber gate,” sabi niya.

Ito ay maaaring magbunga ng pagbaha sa mga bayan sa ibaba ng Ilog Angat, tulad ng mga bayan ng Pulilan, Calumopit at Hagonoy; bukod pa sa maaaring maging problema sa kakulangan sa patubig ng magsasaka sa panahon ng tag-araw.

Ayon kay Punzalan, kapag nabuksan ang isang rubber gate ng Bustos Dam ay tatapon ang 500 hanggang 600 cubic meters per second ng tubig.

Ang dami ng tubig na ito ay maaring maghatid ng pagbaha sa Calumpit at Hagonoy, depende sa kalagayanng ng panahon at lalim ng tubig sa kailugan.

Bukod sapag-iingat sa pagyanig ng mga rubber gate, iginiit pa ni Punzalan, sa talagang pinananatili nila ang water elevation sa dam upang hindi ito umabot sa lalim na 18 masl.

Ipinaliwanag niya na kapag umabot sa nasabing water elevation ang tubig sa dam, awtomatikong  iimpis ang dalawang inflatable rubber gate nito.


Ang pag-impis na ito ay magiging daan sa pagtapon ng 1,200 hanggang 1,500 cms na tubig depende sa lalimng tubig sa reservoir at kalagayan ng panahon.

Ang dami ng tubig na tatapon ay tiniyak ni Punzalan na muling magpapalubog s amga bayan ng Pulilan,Paombong, Hagonoy at Calumpit.

Matatandaan na noong 2011, lumubog ang mga nasabing bayan sa malalim na baha dahil sa pagpapatapon ng Bustos Dam ng 1,700 cms ng tubig hatid ng malakas na ulan ng Bagyong Pedring.

Ang 700cms na pinatapon ng Bustos Dam noon ay nagmula sa Angat Dam sa bayan ng Norzagaray.

Sa kabila namn ng unti-unting pagpapatapon ng tubig ng Bustos Dam, ipinaliwanag ni Punzalan, na hindi naman maaring pababain ng husto ang water elevation sa dam.

“Hanggang 17.40 masl lang ang pinakamababa naming dahil kailangang may tumapong tubig sa ibabaw ng rubber gates,”sabi niya.

Ipinaliwanag na Punzalan naang pagpapaapaw ng tubig sa rubber gates ay bahagi rin ng pangangalaga sa mga ito.

Ayon kay Punzalan,kailangan panatilihin nilang malamig ang rubber gate sa pamamagitanng pagpapaapaw ng tubig upang hindi ito direktang nasisinagan ng araw.

Katuladng ibang produktong yari sa goman, ang direktang sikat ng araw ay nagpaparupok sa rubber gate ng dam.

Inihalimbawa ni Punzalan ang sumabot na rubber gate dam sa Florida sa Estados Unidos.

Ang nasabing rubber gate ay halos kasabay na ikinabit ng rubber gates sa Bustos Dam.

Iyon ay nasira dahil init ng araw na halos nakakatulad ng panahon sa Pilipinas.


“Tropical country ang Pilipinas at halos nakakatulad ng panahon sa Florida kaya, maaring masira din agad ang mga rubber gates natin,” sabi niya.

Batay sa pag-aaral,ang rubber gates ay mag life span na 30 taon, ngunit ang sumabog sa Florida ay nasa 15 taon pa lamang.

“Dahil yan sa constant exposure to element katulad ng sunlight,”sabi niya.

Ang kalagayang ito ay ikinabahala ng mga opisyal ng NIAat ni Gob. Wilhelmino Alvarado kaya’t nanawagan sila sa Malakanyang para sa mabilisang pagpapakumpuni sa Bustos Dam.

Ito ay upang palitan ng kongkreto ang mga rubber gate.

Agad namang tumugon ang Malakanyang sa pamamagitan ng paglalaan ng may P1.5-Bilyong pondo.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay  hindi panasisimulan ang pag-aaral sa gagawing disenyo sa dam, at hindi pa rinnasisimulan ang pagpapasubasta sapagkukuni nito.  Dino Balabo

PAALALA:  Ang artikulong ito ay unang nalathala sa October 4-10, 2013 edition ng Mabuhay.

No comments:

Post a Comment