Saturday, October 26, 2013

Sino ang gagastos para sa P5.7-B rehabilitasyon ng Angat Dam?


Angat Dam spillway. larawan mula sa PPT presentation ng Tonkin & Taylor.




LUNGSOD NG MANDALUYONG— Sino ang gagastos para sa P5.7-B rehabilitasyon ng Angat Dam?

Ito ang katanungang lumutang matapos ang pulong ng matatas na opisyalng kapitolyo, National Power Corporation (Napocor), Metropolitan Waterworks and Sewerage System I(MWSS)at National Irrigation Admininistration (NIA) sa Edsa Shangrila Hotel noong Oktubre 16, isang araw matapos yaniginng lindol ang lalawigan ng Bohol.

Kaugnay nito, inamin ng Napocor na wala pa silang koopya ng kontrata sa pagitan ng
Korea Water Resources Corporation (K-Water) at ng Power Sector Assets and Liabilities Management (Psalm) na siyang namahala sa pagpapasubasta ng Angat River Hydro Electric Power Plant (ARHEPP) sa bayan ng Norzagaray.

Maging si Gob. Wilhelmino Alvarado ay naghahanap din ng kopya ng nasabing kontrata dahil sa naiinip na siya sa pagpapatupad ng panukalang rehabilitastyon ng Angat Dam na unang iniulat na pinondohan ng Malakanyang ng halagang P5.7-B.

Ito ay dahil sa nangangamba si Alvarado kaugnay sa pagyanig ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude sa Bohol noong Martes, Oktubre 15.

Bakit hindi ako mangangamba maging mnga Bulakenyo, eh yung lakas ng lindol na sumalanta sa Bohol ay sinasabing makakasing lakas ng lindol na maaaring sumira sa Angat Dam,”sabi ng Gobernador.

Iginiit pa niya na kaya siya nangangamba ay dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa nasisimula ang planong rehabilitasyon sa dam upang patatagin ito laban sa lindol na ihahatid ng Marikina West Valley Faultline (WMVF).

Ayon kay Alvarado, kapag lumindol at nasira ang dam, ang lalawigab ng Bulacan ang unang-unang mapipinsala.
Napocor President Gladys Sta. Rita at Gob. Alvarado

Ito ay dahil sa posiblidad ng pagragasa ng may 30 metrong na lalaim ng tubig mula sa Angat Dam na posibleng lumipolsa mga taong nasa daraanan ng tubig at puminsala sa mga ariarian at iba pang imprastraktura’t pananim.

Batay sa unang mga pag-aaral aabot sa 20 bayan at lungsod sa Bulacan ang masasalanta ng nasabing paglindol na sisira sa dam, bukod pa sa pitong bayan sa Pampanga at tatlong Lungsod sa Kalakhang Maynila.

Ang pinasalang ito ay posibleng ihatid ng tubig na raragasa, hindi pa kasama sa pagtayang ito ang pinasalang ihahatid ng lindol.

Ayon sa ibang pag-aaral, posibleng umabot sa 33,500 ang masasawi sa kalakhang Maynila dahil sa lindol na 7.2 na lilikhain ng paggalaw ng WMVF. Tinataya namang aabot sa 113,600 ang masaktan at massusugatan sa nasabi ring lugar.

Dahil sa posibilidad ng pinsalang ihahatid ng lindol sa Angat Dam na pinagkukunan ng 97 porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila, naglabas ng P5.7-B pondo ang Malakanyang noong 2012 para sa rehabilitasyon ng Angat Dam.

Ngunit nagkaroon ng kumplikasyon ang sitwasyon ng katigan ng Korte Suprema ang Korea Water Resources Corporation (K-Water) para sa pagsasapribado ng ARHEPP>

Ayon kay Arkitekto Gerardo Esquivel, administrador ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), bahagi ng kontrata ng K-Water ay nagsasaad na ang mamamahaola sa ARHEPP ang gugugol para sa rehabilitasyon ng Angat Dam.

Gayundin ang pananaw ni Inhinyero Rodolfo German,ang general manager ng ARHEPP.

Sinabi pa ni German na gugugulan din ng K-Water  ang rehabilitasyon ng Arheep.

Ngunit patra kay Gladys Sta. Rita, ang bagong pangulo ng Napocor, hindi pa malinaw sa kanila ang nilalaman ng kontrata sa pagitan ng K-water at Psalm.

Ito ay dahil sa hindi pa nakakahawak ang Napocor ng kopya nito.

Sa panaym, sinabi ni Sta. Rita na kinukunsidera ng Malakanyang ang posibilidad na ang K-water na ang gagastos sa rehabilitasyon ng Angat Dam.

Nilinaw ni Sta. Rita na P3.1-B lamang ang gagastusin para sa rehabilitasyon ng dam, at ang nalalabing P2.6 B mula sa P5.7-B ay para sa mga makabagong instrument.

Dahil hindi pa malinaw kung sino ang gagastos sa rehabilitasyon ng Angat Dam, sinab I ni Alvarado na ang mga Bulakengyo ay laging may pangamba.

 “Nakakapangamba ang sitwasyon, nakaamba yung Marikina West Valley Faultline sa Angat Dam na hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan ang repair,  eh, paano kung gumalaw ang faultline at masira ang dam, eh di tayo ang mapipinsalan,” sabi ng gobernador.

Iginiit niya na ang lindol sa Bohol ay isang paalala upang madaliin ang pgapapatupad ng rehabilitasyon sa dam.

Ayon kay Alvarado, anumang oras ay maaaring lumindol at maaaring masira ang dam.
(Dino Balabo)

6 comments:

  1. Matapos mag-allocate ang Malakanyang ng P5.7-B para sa rehab ng Angat Dam noong nakaraang taon, ay hindi pa rin nasisimulan ang bidding para sa rehab ng dam. Nitong Oktubre, pinag-usapan kung sino ang dapat gumastos. Gobyerno ba o K-Water? Wala pang malinaw na sagot, pero ang malinaw, naka-amba ang panganib ng paglindol at posibleng pagkasira ng dam na maghahatid ng malalim na baha.

    ReplyDelete
  2. Bakit naman tayo mag iisip ng negative? bottom line is habang tumatagal, ang project na iyan ay hindi magagawa at sa pag daan ng mga araw, buwan, at taon man at ang pondo na pinagtaanan sa project na yan ay ubos ngayoy itong pondo na sinasabi ay nakalabas na ng MALAKANYANG. wag natin abusuhin ang ATING KAPWA. SALAMAT.

    ReplyDelete
  3. pangit magisip ng mali pero ganun nalang ang pagmamadali ni Gov..hindi maiaalis na magisip ang tao na baka dahil malaki ang magiging kick back nya pag natuloy ang rehabilitation..sorry Gov pero iba kasi ang dating ng mga pahayag mo.

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Marami nmn talaga ng proyekto dito sa Pilipinas ay napakatagal bago maumpisahan. Maumpisahan man hindi naman natutuloy hanggang matapos. Para sa akin, mahalaga ang pag rehabilitation ng isang Dam sa lalong madaling panahon. Lalo na't maraming pag lindol ang nangyyari ngayon sa bansa. Kung sa ibang bansa nga hindi na pinatatagal ang ganyang proyekto, dahil alam nilang mas malala pa sa yolanda ang kahihinatnan ng mga maapektuhan kpag nasira ang isang dam

    ReplyDelete
  6. BILISIN NYO BAGO MULING MAKILALA ANG PILIPINAS SA BUONG MUNDO SA DAMI NG TAONG MAMAMATAY DAHIL SA KABAGALAN NG DESISYON NYO. MAHIYA NA TAYO SA BUONG MUNDO SA PAGHINGI NG TULONG SA MGA PINSALA NG KALAMINADAD NA MAARI NAMANG MAIWASAN KUNG MABILIS ANG AKSYON NG KINAUUKULAN.

    ReplyDelete