MALOLOS—Ang karanasan ang pinakamahusay na guro.
Muling nagkahubog ang kasabihang sa lalawigan dahil ngayon
pa lamang ay nagsisimula ang paghahanda sa kalamidad sa pangunguna ng
Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMC), pitong buwan
matapos lumubog ilang bayan sa Bulacan sa bahang hatid ng bagyong Pedring at
Quiel.
Ito ay sa kabila na hindi pa natatapos ang inihahandang
Emergency Action Plan (EAP) ng Tonkin & Taylor International, ang
kumpanyang kinontrata ng pamahalaan para
magsagawa ng pag-aaral sa katatagan ng Angat Dam.
“Mainam na ang
handa para hindi mapinsala,” ani Liz Mungcal, ang hepe ng PDRRMC.
Sinabi niya sa
Mabuhay na simula sa Mayo 24 ay pangungunahan ng PDRRMC ang information drive o
paghahatid ng impormasyon para sa kahandaan ng mga mamamayan sa pagtugon sa
kalamidad.
Ito ay isasagawa
sa 70 barangay ng mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag,
Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong ay Hagonoy na pawang matatagpaun sa gilig
ng Ilog Angat.
Makakasama ng PDRRMC sa nasabing kampanya ang National Power
Corporation ((Napocor), Pampanga Flood Forecasting and Warning Center (PFFWC), Common
Purpose Facilities na namamahala sa Ipo Dam, at ang pamunuan ng 10 bayang
nabanggit.
Ayon kay Mungcal, layunin ang kanilang kampanya na mabigyan
ng sapat na kaalalaman hinggil sa pagtugon sa kalamidad tulad ng pagbaha ang
mga residente.
Ang impormasyong kanilang ipamamahagi ay bahagi ng EAP na kanilang
ihanda. Ito ay bukod pa sa EAP na na tinatapos ng Tonkin & Taylor.
“Matatapos na
yung EAP namin pati yung family preparedness plan ay taposna rin yung draft,”
ani Mungcal at sinabing ang impomasyong nilalaman ng mga ito ay sisimulan na
nilang ipabatid s amga tao.
Ilan sa binanggit
niyang impormasyon at batay sa karanasan ng mga Bulakenyo sa pagbahang hatid ng
bagyong Pedring at Quiel noong Setyembre at Oktubre.
“Imporatante na
ngayon pa lamang ay matutunan na ng mga tao ang mga dapat ihanda kapag
nalalapit ang panahoin ng tag-ulan, pati yung mga lugar lilikasan nila kung
kinakailangan,” aniya.
Sinabi pa ni
Mungcal, na tinatapos na rin nila ang pagbuo sa color coding sa panahon ng
kalamidad.
Bahagi nito ay
batay sa panukala ng Mabuhay matapos pagbaha noong nakaraang taon.
Sa nasabing
panukala, ipinaliwanag ng Mabuhay kahalagahan ng paghahatid ng kaalalam sa
taumbayan kung anong kulay ang dapat nilang ilawit sa labas ng bahay kung baha,
Ito ay upang
matukoy ng mga sumasaklong rescue group kung alin ang dapat bigyan ng unang
prayoridad, lalo na kung walang kuryente at putol ang komiunikasyon sa
pamamagitang ng telepono.
Ang nasabing
panukala ay unang ipinabatid ng Mabuhay kay Provincial Administrator Jim
Valerio noong Oktubre matapos ilahad ang karanasan sa pagbaha sa Hagonoy.
Inihalimbawa ng
Mabuhay kay Valerio ang mga kababaihang buntis at mga maysakit na hindi agad
nasaklolohan ng mga rescue group, dahil nasa loob ito ng bahay.
Ianyunan ni
Valerio ang panukala at ipinayo sa PDRRMC sa buuin ang konsepto nito upang
higit na makatugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Bukod dito,
ipinanukala ng Mabuhay kay Valerio na isalibro ang EAP sa halip na ipalimbag s
amga brochure.
Ito ay dahil sa
ang mga brochure ay karaniwang itinatapon lamang, samantalang ang mas makakapal
na babasahin tulad ng libro ay iniingatan at iniuuwi sa bahay.
Sa panayam ng
Mabuay kay Mungcal, sinabi niyan na ipalilimbag din nila bilang isang libro ang
kanilang EAP, at bukod dito, magpapalimbag din sila sa anyo ng komiks.
Ito ay upang
higit na maingganya ang mga mamamayang Bulakenyo ang na basahi ang impormasyon
sa paghahanda sa kalamidad.
“Kumbaga kasi sa
labanan, ang pinakamabisang sandata natin ngayon ay kaalamang hatid ng
impormasyon para maging handa ang tao, kaya tinututukan namin ang information
drive,” ani Mungcal. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment