Thursday, November 14, 2013

Buhayin ang panukala ni Robredo laban sa kalamidad


 
MALOLOS CITY—Buhayin ang pangrap ni dating Kalihim Jesse Robredo para sa disaster preparedness.

Ito ang payo ng isang Balik-Scientist Program (BSP) awardee halos isang linggo matapos manalasa ang bagyong Yolanda na nag-iwan  ng di mabilang na pinsala sa Visayas.

“Maganda yung pangarap ni dating Secretary Robredo, at sa palagay ko ito ang susi para sa community resilience against disasters,” sabi ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, ang lead dam safety engineer ng Southern California Edison (SCE) na nakabase sa Estados Unidos.

Ang tinutukoy ni Dela Cruz ay ang hindi naipatupad na Seal of Disaster Preparedness (SDP) for floods na inilunsad ni Interior Secretary Jesse Robredo mahigit tatlong buwan bago siya nasawi noong Agosto 18, 2012.

Ang SDP ay naglalayon na mahikayat ang mga lokal na pamahalaan upang isa sa kanilang pangunahing agenda sa pagpapaunlad ang disaster preparedness o paghahanda laban sa mga kalamidad. Kung ito ay naipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG), ito sana at nakapagpataas ng kakayahan ng mga pamahalaang lokal sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.

Bukod dito,mapapataas nito ang antas ng kaalaman at kakayahan ng mga mamamayan kung ano ang mga dapat gawain bago dumating o sa panahon ng kalamidad.

“In the US, the Federal Government has established disaster preparedness program enjoining not only government units but business corporations as well to comply,” sabi ni Dela Cruz sa isang panayam sa pamamagitan ng Skype noong Miyerkoles.

Ipinaliwana niya na sa Amerika,ang nasabing programa ay ipinatutupad sa buong taon, at sinuri ng mga dalubhasa. Ang mga nakakatugon at nakakapasa ay pinagkakaloob ng gobyerno ng certificate of compliance sa disaster prevention program.

Bukod sa mga pamahalaang lokal, kasama rin ang mga establisimyentong pang negosyo at malalaking organisasyon sa paglahok sa disaster prevention program sa Amerika at binibigyan din silang certificate of compliance. “It is very similar to what Robredo would like to achieve,” sabi ni Dela Cruz patungkol sa layunin ng dating kalihim na para sa disaster preparedness. Dino Balabo

No comments:

Post a Comment