MALOLOS—Nakipagsabayan
ang mga Bulakenyo sa mayayamang bansa sa pagbibigay ng mga donasyong pera at
gamit sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.
Tampok
dito ang pag-iipon ng SM Supermall ng P100-M calamity fund, pagpapadala ng
kapitolyo ng mahigit 100 katao upang tumulong, bukod pa sa pag-iipon ng mga
donasyon na tinugon maging ng mga mag-aaral at pahayagang pampaaralan.
Hindi
rin nagpaiwan ang ilang mamamahayag sa lalawigan sa pagpapahatid ng tulong sa
mga kaibigang mamamahayag sa Samar.
Samantala,
tuluyan ng tumulak noong Sabado, Nobyembre 23 patungong Samar at
Leyte
ang mahigit 100 kataong delegasyon ng Bulacan.
Ito ay matapos maantala ang biyahe na unang itinakda n oong
Nobyembre 19 at muli noong Nobyembre 21.
Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado ang pagpapahahatid ng
delegasyon ng lalawigan ay bilang bahagi ng pag-ayuda para sa mas mabilis na
pagbangon ng mga biktima ng bagyo.
“Kapag tayo ang tinamaan ng kalamidad, tayo ang kanilang
tinutulungan, ngayon ay pagkakataon natin na ibalik ang pabor,” sabi ng gobernador.
Ang delegasyon ng Bulacan ay binubuo ng mga duktor,narses at mga
piling frescue group sa lalawigan ng Bulacan.
Sila ay mananatili sa Samar at Leyte sa loob ng isa hanggang
dalawang linggo.
Ayon kay Provincial Administrator Jim Valerio, ang delegasyon ng
Bulacan ay hindi aasa sa mga pupuntahang bayan.
Ito ay nangangahulugan na kasama sa paghahatid ng tulong ng
lalawigan ay ang mga gagamitin gamot, kagamitan at mga pagkain at inumin ng mga
bumbuo ng delegasyon.
Ayon kay Valerio, 10 trak at limang ambulansiya ang ipinadala ng
Bulacan sa Samar at Leyte.
Bukod dito, may dala na ring krudo at gasolina ang delegasyon na
gagamitin sa mga sasakyan.
Sa pagtulak ng delegasyon ng lalawigan, kasamana rin nilang
ihahatid ang mga donasyong sinimulang inipon mula noong Nobyembre 23.
Ngunit ayon kay Valerio, magpapatuloy ang kapitolyo sa
pagtanggap ng donasyon hanggang Nobyembre.
Ang panawagan ng kapitolyo para sa mga donasyon ay tinugon ng
mga pamahalaang lokal sa lalawigan, maging ng mga pribadong Bulakenyo ay mga
samahan.
Kasam rito ang Christiaan Brother International (CBI) na binubuo
ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU).
Maging ang mga bumubuo ng The Communique, ang opisyal na pahayag
ng BulSU College of Aerts and Letters ay nag-ipon din ng mga donasyon ay
inihaatid sa kapitolyo.
Samantala, inihayag ng SM City Supermall na na nag-iipon din
sila ng mga donasyon para ihatid sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa opisyal na pahayag sinabi ng SM Supermalls na mag-iiponsila
ng calamity fund na umaabot sa P100-M.
Ang nasabig pondo ay inihahanda para sa pagpapatayo ng bahay,
paaralan, mga community center, simbahan at parasa pagkain ng mga biktima.
“We just opened the Operation Tulong Express here at SM City
Marilao,” ani Gladiz May Lariza ng SM City Marilao.
Iginiit pa niya na may Operationtulong center din silang binuksan sa iba pang mga sangay partikular na sa Baliwag. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment