GUIGUINTO,
Bulacan—Inaasahang aabot sa mahigit 300 katao ang lalahok sa kauna-unang
pang-rehiyong kumperensiya ng mga botika sa Nobyembre 22 hanggang 23.
Ito
ay ang 1st Central Luzon Business Conference na isasagawa sa St.
Agatha Resort and Country Club sa Barangay Sta. Rita ng bayang ito na
pangungunahan ng Drugstore Association of the Philippines (DSAP) Bulacan
Chapter.
Ayon
kay Jomar Quiroga, may ari ng MedicAsia drugstore sa bayan ng Balagtas at
tagapangulo ng kumperensiya, layunin nito na mapag-isa ang mga namamahala sa
mga botika sa Gitnang Luzon.
Ito
ay upang maisulong ang nagkakaisang tinig ng mga namamahala sa mga botika at
mapataas ang antas ng serbisyo.
Ayon
kay Quiroga, kabilang samga usapi na tatalakayin sa nasabing kumperensiya ay
ang mga bagong patakarang nais ipatupad ng Food and Drug Administration (FDA).
“May
mga batas na ipinatutupad ang FDA, pero hindi nakokonsulta ang mga drug store
owners,” sabi ni Quiroga.
Iginiit
pa niya na ang nang kumperensiya ay isa ring pagkakataon para sa pagpapalawak
nvg kaalaman sa pamamahala sa botika.
Sinabi
niya na hindi simple ang pagtatayo isang botika.
Kabilang
sa mga pangunahing kailangan ay ang pagkakaroon ng lisensyadong pharmacist sa
bawat botika.
Inayunan
din ito nina Beng Sandoval, Corazon Cataniag at Joy Argao, na pawang may
sariling botika.
Ikinuwento
nila na may mga tindahang nagbebenta ng gamot na hindi dapat basta ibenta.
Ayon
kina Sandoval at Cataniag, kung tutuusin, kahit mga gamot na walang reseta ay hindi pwedeng ibenta sa mga pangkaraniwang
tindahan.
Ipinaliwanag
naman ni Argao na lubhang kailangan ang isang lisensiyadong pharmacist sa
pagbebenta ng gamot dahil may mga pagkakataon na ito ang nagbibigay ng payo sa
bumibili ng gamot.
Iginiit
pa ni Argao na mahalaga ang paglahok sa kumperensiya dahil sa mga benepisyong
hatid nito.
Kabilang
dito ay ang pagsasagawang mga kasunod na pagsasanay hindi lamang para sa mga
lisensiyadong pharmacist, kungdipara na rin sa mga pharmacy assistant.
No comments:
Post a Comment