Photo by Rommel Rutor of dyMS Aksyon Radio-Catbalogan. |
HAGONOY—Nasa
malayo man sila, hindi pa nakalilimot sa bansa partikular na mga nasalnat ng
bagyong Yolanda, at nanguna sa pag-iipon ng pondo na ipangtutulong.
Sila
ay ang mga Pilipinong nagsisipagtrabaho o nakatira sa ibayong dagat,na
nagsagawa ng magkakahiwalay na relief fund drive, na nais namang tapatan ng mga
kumpanyang kanilang pinaglilikuran.
Kaugnay
nito, inulat ng Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) NG
United Nations noong Huwebes, Nobyembre 14 na umabot na sa 4,460 ang nasabi sa
bagyong Yolanda, ngunit ayon sa pahayag ng Makalanyang kinabukasan ay nasa
2,500 pa lamang ang bilang ng mga biktimang nasawi.
“Nakalulungkot
angnagyari sa Visayas,” sabi ni Roderick Dela Cruz, isang lead dam safety
engineer ng Souther California Edison (SCE) na nagmula sa bayang ito.
Si
Dela Cruz ay nakapanayam ng Mabuhay sa pamamagitan ng Facebook chat noong
Biyernes, Nobyembre 15 ng umaga.
Sa
kabila ng pahayag na ito, sinabi niya na agad na kumilos ang mga Pilipino sa
Estados Unidos upang magsipag-ipon ng pondong ipapahatid sa mga nasalanta ng
bagyo.
Ito
ay hindi naman nalingid sa ibat-ibang kumpanya, katulad ng SCE na nangakong papantayan ang maiipong
pondo ng mga Pilipino.
Ang
pagtugon ng SCE ay inilathala pa nila sa kanilang website kung saan ay inilahad
na “to assist the people in the Philippines, SCE’s parent company Edison
International will be kicking off a Typhoon Haiyan Disaster Relief Campaign on
Nov. 15 in which the company will match each employee-donated dollar up to
$25,000. The campaign will go through Feb. 28, 2014. There will also be a
Facebook campaign through Nov. 21 for the community where Edison International will
match “likes” up to $5,000.”
“Contributions
from employees and customers will be donated to Doctors Without Borders, Gawad
Kalinga USA and American National Red Cross, nonprofits equipped to help with
the immediate needs of those devastated by the typhoon including providing
food, water, shelter and medical care.”
Binanggit
din sa artikulo ang pahayag ni Janet Clayton, ang senior vice president of
Corporate Communications for Edison International and SCE na nagsabing, “we have a strong Filipino presence in our employee
base who may have family and friends impacted by Typhoon Haiyan. It is in times
like these that we are reminded that natural disasters can occur anytime and so
we need to be prepared.”
Sa
nasabi ring artikulo ay inilathala ang pahayag ni Dela Cruz na isa sa mga
kinausap ng pamunuan ng SCE upang maarok ang kalagayan ng pinsala sa bansa.
Ayon
sa pahayag ni Dela Cruz, nakakadurog ng puso ang pinsalang iniwan ng bagyong
Yolanda na may international name na Haiyan.
Sa
kabila naman ng kalungkutan ni Dela Cruz nagpahayag din siya ng pasasalamat
dahil hindi masyadong naapketuhan ang kanyang pamilya sa bayang ito.
Bilanmg
isang senior engineer ng SCE na sa apat na nagdaang taon ay nagpapabalik-balik
sa bansa upangtulungan ang gobyerno sa pagbuo ng national dam safety program
sinabi ni Dela Cruz sa pahayag sa website ng SCE na “the magnitude of [the typhoon], it’s really
surprising “I was not expecting it — it’s mind-blowing.”
Isa
pang kawaning Pilipino ng SCE na nabanggit din sa artikulo ay si Antonio Manimbo,
isang telecommunications engineer.
Sa
kanayang pahayag, sinabi ni Manimbo na nanonood siya sa isang Filipino news
channeling makita niya ang mga imahe ng pinsala ng bagyong Yolanda.
Dahil
dito agad niyang tinawagan ang kaniyang pamilya sa bansa at natiyakna ligtas
ang mga ito.
Ngunit
ilan sa mga kasama ni Manimbo sa FilBarkada, isang grupo ng mga kawaning Filipino-American ng SCE ang hindi pa rin
nakokontakang mga kaanak sa Pilipinas.
Samantala,
inulat ng OCHA na umabot sa 900,000 Pilipino ang “displaced” sanhi ng bagyo, at
11.8-Milyon naman ang apektado.
Hinggil
sa bilang ng nasawi, iniulat ng OCHA na umabot na sa 4,460 ang namatay batay sa
mga ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Department
of Social Welfare and Development (DSWD).
Ngunit
batay sa pahayag ng Malakanyang noong Biyernes, iginiit na nasa 2,500 pa lamang
ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment