MALOLOS—Tuparin
ang pangako, ipagkaloob ang katarungan sa mga biktima sa Maguindanao Massacre
sa Hunyo 2016.
Ito
ang nagkakaisang panawagan ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon ay Pangulong
Benigno Aquino III kaugnay ng ika-apat
na taong paggunita sa Maguindanao massacre kung saan ay 58 katao ang pinaslang
kabilang ang 32 mamamahayag.
Kaugnay
nito, nagpahayag din ng pag-asa si Hukom Jocelyn Solis Reyes, na posibleng
makamit ng mga biktima ang hinahangad na katarungan bago bumaba sa kanyang
puwesto si Pangulong Aquino sa Hunyo 30, 2016.
Ang panawagan
para sa katarungan sa darating na 2016 ay binigyang diin ng mga mamamahayag at
mag-aaral sa Bulacan at Pampanga kung saan isinagawa ang paggunita noong
Nobyembre 21 at 22 ayon sa pagkakasunod.
Sa
panayam ng Mabuhay kay Fred Villareal ng National Union of Journalists of the
Philippines (NUJP) Pampanga chapter, binigyang diin niya na sa paghiling ng
katarungan, dapat ay may nakatakdang panahon.
“Kailangan
ay timebound ang ating demand,” sabi ni Villareal ng makapanayam sa telepono
noong Martes,Nobyembre 19.
Iginiit
pa niya na simula sa Enero ay sisimulan na ng mga sangay ng NUJPang pagbibigay
ng countdown para sa kampanyang “Justice by 2016.”
Ito
ay tatampukan ng buwanang paggunita sa Maguindanao Massacre na isasagawa tuwing
ika-23 ng buwan.
“We
cannot have a countdown kung walang malinaw na panahon na dapat itong matupad,”
sabi ni Villareal.
Gayundin
ang naging paninindigan ng sangay ng NUJP sa Bulacanna kanilang inihayag sa
pamamagitanng isang pahinang ;pooled editorial na inilabas na noong Nobyembre
21 kaugnay ng paggunita sa Maguindanao Massacre na isinagawa sa harapng
bantayog ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa harapng kapitolyo sa lungsod na ito.
Sa
nasabing pahayag, sinabi ng NUJP-Bulacan na ”hinahamon natin ang
administrasyong Aquino na tiyakin na makakamit ang katarungan para sa mga
biktima sa Ampatuan massacre bago siya bumaba sa tungkulin sa Hunyo 2016.”
Hinamon
din ng NUJP Bulacan ang mga ang
administrasyong Aquino at iba pang mga lokal na opisyal na tiyaking ang maayos
na working envitonment para samga mamamahayag sa bansa.
Samantala,
iginiit ni Rommel Ramos, station manager ng Radyo na Bulacan na samantalang
humihiling ng katarungan ang mga mamamahayag sa 2016, dapat ding tiyakin ng
pamahalaan ang zero casualty o wala ng mamamahayag na papaaslanging mula
ngayong hanggang 2016.
Ito
ay nangangahulugan din ng responsableng pamamahayag sa hanay ng mga
mamamahayag.
Ang
magkakaugnay na panawagang ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng bilang ng
mga mamamahayag na pinaslang sa bansa.
Batay
sa huling tala ng NUJP,umabot sa 157 ang pinaslang na mamamahayag sa bansa mula
noong 1986.
Ito
ay higit na mas mataas sa naitalang 153 noong nakaraang taon.
Para
naman sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), at Center for Media Freedom and Responsibility
(CMFR), binigyang diin nila ang bhilang ng mga mamamahayag na pinaslang sa
panahon ng panunungkulan ng bawat pangulo ng bansa.
Batay
sa pag-aaralng PCIJ at CMFR, umaboty na sa 23 mamamahayag ang pinaslang sa loob
ng 40 buwang panunungkulan ni Pangulong Aquino.
Ang
nasabing bilang ay mas mataas sa naitalang 21 mamamahayag na pinaslang sa
panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino; dating Pangulong
Fidel V. Ramos (11), at dating Pangulong Joseph Estrada (6).
Sa
panahon naman ng siyam na taong panunungkulan ni dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo,umabot sa 80 ang bilang ng pinaslang na mamamahayag, kasama
ang 32 sa Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009.
Ang
nasabing araw at itinakda rin ng International Freedom of Expression Xchange
(IFEX) bilang International Day to End Impunity (IDEI).
Ang
impunity ay nangangahulugan ng kawalan ng napaparusahan sa pamamaslang sa mga
mamamahayag. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment