MALOLOS—Dalawang
proyektong pang-imprastraktura ang Bulacan ang pinangangambahan ngayon sa
kabila na hindi pa ito natatapos.
Bukod
sa mga proyektong ito, dalawang dam din sa lalawigan at limang hanging bridge
ang natukoy ng Mabuhay na pinangangambahan ng mga Bulakenyo batay sa
magkakahiwalay na panayam.
Ang
pagtitipon ng mga impormasyong ito ay kaugnay ng taunang paggunita sa Undas na
karaniwang tinatampukan ng mga nakakatakot na kuwento.
Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga imprastrakturang sinasabing pinangangambahan.
Angat Dam
Bustos
Dam
Hanging
Bridge sa Gatbuka
Hanging
Bride sa Iba
Hanging
Bridge sa Abulalas
Hanging
Bridge sa Parong-parong
Kanal
sa MacArthur Highway
Plaridel-Bustos
by-pass road
Hanging
Bridge sa Divine Mercy
Rehabilitasyon
ng MacArthur Highway sa Calumpit
Narito
ang ilang impormasyon kung bakit pinangangambahan ang nasabing imprastraktura.
Angat Dam. Ang 47-taong gulang na Angat Dam ay
matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Norzagaray, Bulacan. Ito ang
pinagkukunan ng 97 porsyentong tubig
inumin ng kalakhang Maynila. Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang dam ay nakaupo di kalayuan sa West
Marikina Valley Faultline na posibleng gumalaw anumang oras na maaaring ikasira
ng dam. Nagpalabas na ng pondo ang Malakanyang para sa rehabilitasyon ng dam,
ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nasisimulan ang pagpapasubasta para sa
pagpapakumupuni nito.
Bustos
Dam. Ito ay nagsisilbing after bay regulator dam ng Angat Dam, at matatagpuan
sa pagitan ng mga bayan ng San Rafael at Bustos. Itinuturing na pinakamahabang rubber gate dam
sa buong Asya ang Bustos Dam. Ang mga rubber gate nito at huling pinalitan
njoong 1998, ngunit sinasabing marupok na dahil sa init ng panahon. Naghanda na
ng pondo ang pamahalaang nasyunal para sa pagpapakumpuni nito na tatampukan ng
pagaalis ng rubber gate at papalitan ng kongkreto. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang
aprubadong disenyo para sa pagpapakumpuni.
Hanging
Bridge sa Gatbuka.Ang hanging bridge na ito ay nakahanay sa kinukumpuning
Gatbuka Bridge sa bayan ng Calumpit. Ito ay itinayo kamakailan lamang upang
makaiwas sa disgrasya ang mga tumatawi.
Ngunit umiindayog ang nasabing hanging bridge. Ayon kina Gob. Wilhelmino Alvarado at
Inhinyero Ruel Angeles ng Department of Public Works and Highways (DPWH),
patitibayin ang hanging bridge sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tahilang
bakal upang mabawasan ang pag-indayog.
Hanging
Bride sa Iba. Halos 30 na ang hanging bridge na ito na may habang mahigit 300
metro patawid ng Labangan Channel. Higit
na lumaki ang sira nito noong Oktubre 2011 kaugnay ng bagyong Pedring at Quiel.
Tumaas ang tubig sa Labangan Channel at bumalandra ang mga water lily sa
hanging bridge hanggang sa mapalipit ito. Matagal na itong inirereklamo at
ilang beses na ring kinumpuni ngunit hindi pa rin nababawasan ang pangamba ng
mga magulang ng mga batang paslit na tumatwid dito araw-araw sa pagpasok sa
eskwela.
Hanging
Bridge sa Abulalas.Halos kasabay itong itinayo ng hanging bridge sa Barangay
Iba. Ilang beses na ring ipjnakumpuni,
ngunit ang mga materyales na ginamit ay mga kawayan lamang. Araw-araw din itong dinadaanan ng mga batang
mag-aaral.
Hanging
Bridge sa Parong-parong. Katulad ng mga hanging bridge sa Iba at Abulalas, ang
hanging bridge na ito na tumatawid sa Sitio Parong-parong San Agustin at
Barangay San Pablo ay matagal na ringhinihiling maipakumpuni. Ngunit katulad ng
pahayag ng mga opisyal ng mga pamahalaang lokal patingkol sa mga hanging bridge
sa Iba at Abulalas, iginiit nila na ang daring nagmamantine nito ay ang
Pampanga River Control System (PRCS) na mula pa noong 1992 ay nabuwag na at
inilipat sa Pampanga.
Kanal
sa MacArthur Highway. Hindi pa natatapos ang kanal na magkabilang bahagi ng
MacArthur Highway mula sa Barngayu Longos sa malolos hanggang sa Brgy. Pio
Cruzcosa sa Calumpit ay binasag at kinumpuni na. Ito ay Bahagi ng road widening
project ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ngunit ayon kay
Bokal Michael Fermin na dalawang beses ng nagkasakit ng dengue, maaaring
pangitlugan lamang ng lamok ang nasabing
kanal dahil hindi ito dumadalo sa Labangan Channel.
Plaridel-Bustos
by-pass road. Bago pa mapasinayaan ang lansangang itonoong Marso ay
inirereklamo na ng mga motorist ang pagiging madilim kung gabi. Ang totoo, ilan na ang naaksidente
doon,kabilang ang isang trak ng military na sumalpok sa isang tricycle. Bukod dito, walang bakod ang by-pass road
kaya’t maraming sumusulpot na sasakyan sa mga kanto nito.
Hanging
Bridge sa Divine Mercy. Sinasabing
nasira ng hanging bridge na ito noong 2009 matapos ang pananalasa ng bagyong
Ondoy sa bayan ng Marilao. Ito ay nagsisilbing pangunahing daan mula sa
barangay Lambakin patungo sa Divine Mercy National Shrine sa nasabing bayan.
Rehabilitasyon
ng MacArthur Highway sa Calumpit. Ang proyektong ito ng Department of Public
Works and Highways sa pagitan ng Malolos at Calumpit at itinuturing na isang
halimbawang proyektong hindi ikinonsulta samga mamamayang maaapektuhan ng
proyekto. Dahil lumulubog sa baha ang nasabig lansangan, itinataas ngayon ito
ng halos isang metro. Ang pangamba ng
mga residente sa silangang bahagi ng highway ay ang posibleng paglubog ng
kanilang mga bahay kapag muling lumakas ang ula katulad noong Agosto 2012. Ito ay dahil na rin sa dati, kapag umulan ang
tubig na umapaw sa mga bukirin sa bahagi ng Plaridel at Calumpit ay tumatawid
ng MacArthur Highway at dumadaloy sa bukirin sa bahagi ng Paombong. Ngunit
dahil sa taas ng kalasada ngayon, aabot munang isang metro ang lalim ng tubig
bago tumawid ng highway at dumaloy patungong Paombong. Maiiwasan lamang ang
posibilidadna ito kung huhukayin aat palaaparinang sapang dumadaloy sa may
harap ng Cabanas at Grand Royale Subdivision, na dumadaloy naman patungong
Paombong. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment