Pages

Tuesday, January 31, 2012

Feb. 3 no work day in Bulacan



President Benigno Aquino III  has declared February 3 as a special non-working holiday in Bulacan to commemorate the 85th birth anniversary of the late statesman and journalist Blas F. Ople.

The President issued Proclamation No. 323 signed by Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. on January 25 “to give Bulakenyos the opportunity to remember the noble efforts of the known Father of Overseas Employment and author of the Philippine Labor Code.”

“Ople, who served as Secretary of Foreign Affairs, Senate President and Secretary of Labor, had devoted decades of his life to selfless, dedicated and sincere service to our country and our people,” said the President.

He had been secretary, then minister of labor and employment during the Marcos administration when he led in the overhauling of Philippine labor laws through the enactment of the Labor Code of the Philippines which is now considered his most valuable contribution.

Ople was born in Hagonoy, Bulacan on February 3, 1927 to Felix Antonio Ople, a craftsman who repaired boats, and his wife Segundina Fajardo.

A teenage revolutionary joining the guerilla movement during World War II, Ople held several high-ranking positions in the executive and legislative branches of the Philippine government, including as Senate President from 1999 to 2000, and as Secretary of Foreign Affairs from 2002 until his death.

As a writer, he authored the following books: Frontier of Social Policy, Workers, Managers, Elites, The Human Spectrum of Development, The Freedom to Achieve, Global but Parochial, the Philippines and the World, and Windows to a Changing World. Ople also wrote columns for various newspapers.

“Ka Blas” died on December 14, 2003 while en route to Bahrain on diplomatic mission as the country’s emissary. He had been known as a heavy smoker.

His youngest daughter Susan “Toots” Ople ran for senator in the May 2010 elections under the Nacionalista Party, but lost.

Monday, January 30, 2012

Norzagaray naghihintay ng pag-endorso ng SP, 2 pang bayan kwalipikadong maging lungsod


NORZAGARAY, Bulacan—Umaasa ang pamunuan ng bayang ito sa pormal na pag-endorso ng Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan upang maging isang lungsod.

Ito ay halos isang taon na ang nakalipas matapos i-endorso ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang bayang ito kasama ang mga bayan ng Marilao at Sta. Maria.

Ayon sa LCP, ang mga nasabing bayan ay pasado sa mga kwalipikasyon upang maging mga component cities.

Batay sa inamyendahang Local Government Code, tatlo ang requirement upang maging isang lungsod ang isang bayan, ngunit dalawa lamang sa tatlong requirement ang kailangang matupad.

Ang mga requirement para sa pagiging lungsod ay pagkakaroon nito ng P100-Milyon pondo bawat taon; populasyong di bababa sa 150,000 at sukat na di bababa sa 100 kilometro kuwadrado.

Ayon kay Mayor Feliciano Legazpi ng bayang ito, natupad na nila ang tatlong requirement para maisulong ang pagiging lungsod ng Norzagaray.

Ngunit, hindi pa sila nabibigyan ng pormal na endorsement ng SP.

“Noong January 19, nag-lobby kami sa sangguniang panglalawigan bilang follow-up sa kahilingan naming endorsement,” ani Legazpi. Iginiit niya na ang kanilang kahilingan para sa endorsement ay inihain nila sa SP noong nakaraang Abril pa.

Ayon kay Legazpi, ipinagtataka nilang kung bakit halos isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa naisasalang sa SP upang pag-usapan ang kanilang kahilingan.

Sinabi naman ni Konsehal Arthur Legazpi na nagpahayag na sa kanila ng pagsang-ayon si Vice Governor Daniel Fernando.

“Verbal yung pagsang-ayon niya, kailangan naming ay formal endorsement,” ani ng konsehal.

Iginiit pa niya na may tatlong taon nang naisalang sa Kongreso ang panukalang maging isang lungsod ng bayang ito, matapos iyong isumite ni dating Kinatawan Lorna Silverio ng Ikatlong Distrito ng Bulacan na ngayon ay alkalde ng San Rafael.

Noong nakaraang Abril, inendorso na rin ng LCP ang Norzagaray kasama ang Marilao at Sta. Maria upang maging mga lungsod.

Ngunit bago muling maisumite sa Kongreso ang panukalang batas para sa kumbersiyon sa isang lungsod ng mga nasabing bayan, kailangan nito ng pagendorso mula sa SP.

Thursday, January 26, 2012

Businesswoman who filed charges vs. Raymond Dominguez, gunned down in Malolos

MALOLOS CITY—Suspected hired-killers gunned down in broad daylight a woman who filed a case  against the alleged leader of the Dominguez Group, inside a passenger jeepney in front of the provincial capitol here Thursday afternoon.

Police identified the victim as Christina Bruan Rojas, 51, owner of a gasoline station in Paombong, Bulacan.

Investigation conducted by P02  Danilo Torres of the Malolos City police station said that Rojas had just attended a hearing  at the Bulacan Regional Trial Court on the carnapping case she filed against Raymond Dominguez, the alleged leader of the “Dominguez Group”.

Rojas was reportedly on her way home and had just boarded a passenger jeepney when a lone gunman sat in front of here and without warning pulled out a handgun and shot her  on the head at point blank range. The killer then alighted and casually walked towards a waiting motorcycle and fled.

Bulacan police director Senior Supt. Fernando H. Mendez has ordered a manhunt for the killer. He said police are still investigating if the motive is connected to the case the victim filed against Dominguez.

The victim filed a carnapping case against Dominguez after her Toyota Fortuner was stolen on February 2010.

Raymond Dominguez and his brother Roger are both in jail for the case on the killing of car dealers Venson Evangelista and Emerson Lozano. The brothers were implicated by star witness Alfredo Mendoza alias “Bading.”

City police chief Supt. David N. Poklay  said they already have leads on the case but cannot just disclose it at the moment pending on-going operations.

The killing of Rojas transpired several hours after four suspected remnants of the Dominguez Group were killed in a shootout with operatives of the Highway Patrol Group in Meycauayan City early yesterday morning.

Police are still hunting other members of the gang who may have escaped during the encounter.—EMIL G. GAMOS  and MANNY BALBIN

HIGH TIDE FORECAST for March 2012


Note:  Data below was taken from the Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center (www.prffwc.webs.com), an allied agency of the DOST and PAGASA.



MARCH
Day Time Height (m) in Feet
1 2:45pm 0.66 2.16
2 4:28pm 0.72 2.36
3 5:56pm 0.92 3.02
4 7:00pm 0.89 2.92
5 7:50pm 0.96 3.15
6 8:37pm 0.99 3.25
7 9:20pm 0.98 3.21
8 10:07pm 0.92 3.02
9 10:57pm 0.82 2.69
10 11:54pm 0.68 2.23
11 11:21am 0.67 2.20
12 11:58am 0.73 2.39
13 12:37pm 0.78 2.56
14 1:22pm 0.81 2.66
15 2:17pm 0.81 2.66
16 3:33pm 0.80 2.62
17 5:11pm 0.79 2.59
18 6:43pm 0.78 2.56
19 7:59pm 0.78 2.56
20 8:59pm 0.76 2.49
21 9:50pm 0.71 2.33
22 10:35pm 0.63 2.07
23 10:45am 0.61 2.00
24 11:02am 0.66 2.16
25 11:14am 0.69 2.26
26 11:26am 0.72 2.36
27 11:44am 0.74 2.43
28 12:11pm 0.76 2.49
29 12:49pm 0.77 2.52
30 1:39pm 0.77 2.52
31 2:56pm 0.77 2.52


















































































































































HIGH TIDE FORECAST for February 2012



Note:  Data below was taken from the Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center (www.prffwc.webs.com), an allied agency of the DOST and PAGASA.



FEBRUARY
Time Height (m) in Feet
4:48pm 0.63 2.07
5:58pm 0.73 2.39
6:54pm 0.85 2.79
7:41pm 0.96 3.15
8:19pm 1.05 3.44
8:55pm 1.11 3.64
9:29pm 1.12 3.67
10:07pm 1.08 3.54
10:48pm 1.00 3.28
11:34pm 0.88 2.89
12:11pm 0.43 1.41
12:26am 0.72 2.36
1:21pm 0.59 1.93
2:03pm 0.66 2.16
2:56pm 0.73 2.39
4:11pm 0.79 2.59
5:42pm 0.86 2.82
7:01pm 0.92 3.02
8:06pm 0.97 3.18
9:02pm 0.98 3.21
9:51pm 0.93 3.05
10:35pm 0.85 2.79
11:16pm 0.72 2.36
11:52pm 0.58 1.90
12:22pm 0.47 1.54
12:36pm 0.51 1.67
12:49pm 0.55 1.80
1:10pm 0.59 1.93
1:45pm 0.63 2.07



High Tide Forecast for January 2012


Note:  Data below was taken from the Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center (www.prffwc.webs.com), an allied agency of the DOST and PAGASA.





JANUARY
Day Time Height (m) in Feet
1 1:31ma 0.48 1.57
2 5:38pm 0.55 1.80
3 6:20pm 0.66 2.16
4 7:01pm 0.79 2.59
5 7:38pm 0.91 2.98
6 8:11pm 1.03 3.38
7 8:41pm 1.12 3.67
8 9:09pm 1.18 3.87
9 9:37pm 1.20 3.93
10 10:10pm 1.19 3.90
11 10:45pm 1.13 3.70
12 11:25pm 1.04 3.41
13 2:23pm 0.29 0.95
14 12:12am 0.92 3.02
15 1:01am 0.76 2.49
16 1:55am 0.59 1.93
17 4:05pm 0.66 2.16
18 5:09pm 0.78 2.56
19 6:16pm 0.90 2.95
20 7:18pm 1.02 3.34
21 8:11pm 1.11 3.64
22 9:02pm 1.15 3.77
23 9:50pm 1.13 3.70
24 10:35pm 1.06 3.48
25 11:17pm 0.93 3.05
26 11:55pm 0.77 2.52
27 1:42pm 0.31 1.02
28 12:26am 0.61 2.00
29 12:50am 0.47 1.54
30 3:02pm 0.48 1.57
31 3:43pm 0.54 1.77

Negosyanteng babae nilikida di kalayuan sa kapitolyo


MALOLOS CITY—Patay ang isang babaeng negosyante matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakilalang salarin habang ito ay nakasakay sa pampasaherong jeep sa harap ng kapitolyo ng Bulacan kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Cristina Roxas, 51 anyos, may ari ng Shell Gas station sa Sto Nino Paombong Bulacan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni Officer on case PO2 Danilo Torres ng Malolos PNP, dumalo sa isang pagdinig sa Bulacan RTC kaninang umaga si Roxas kaugnay ng kasong isinampa nito laban sa isang malaking carnapping group.

Sumakay ng jeep sa tapat ng kapitolyo si Roxas at kasunod na sumakay sa harapan nito ang lalaking suspek.

Nagbayad daw ng pasahe ang suspek sabay baril sa ulo ni Roxas.

Agad na bumulagta si Roxas at tumakas naman ang suspek na umangkas sa isang nakaabang na motorsiklo.

Narekober mula sa crime scene ang isang basyo ng kalibre .45 baril at mga dokumento ng kasong isinampa ni Roxas.

Ang kaso laban sa isang carnapping group ang isa sa anggulong tinitignan ng pulisya sa Malolos na posibleng motibo sa pagpaslang.

Ang biktima ay dinala sa Blue Cross Funeral Homes para sa kaukulang awtopsiya samantalang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang kaso.

Napag-alaman na noong ika-8 ng Pebrero 2010 ng harangin at tangayin ng tatlong kalalakihan ang Toyota Fortuner ni Roxas habang siya ay nasa baranggay Guinhawa sa Malolos.

Dahil dito ay nagsampa daw ng kaso ang biktima laban sa hinihinalang malaking grupo ng carnapping na tumangay sa kanyang sasakyan.

4 na hinihinalang kasapi ng Dominguez group patay sa shootout

MALOLOS CITY—Patay ang apat na hinihinalang kasapi ng Dominguez carnapping  syndincate sa isang shooutout sa Lungsod ng Meycauayan kagabi, Enero 25.

Kinilala ni Bulacan Police Director Senior Supt. Fernando Mendez ang isa sa mga suspek na si Nestor Samonte, 32,  residente ng Brgy. Iba Este Calumpit, Bulacan, kung saan nagmula ang itinuturing na lider ng Dominguez group.

Batay sa ulat ng Meycauayan PNP, namataan ng ilang residente sa Brgy, Iba ang isang kulay gray na Isuzu Dmax pick up truck na nakaparada sa madilim na bahagi ng kalsada at pinapalitan ng plaka ng isa sa mga suspek..

Dahil dito ay inalarma ng mga residente ang kapulisan na agad na nagsagawa ng kanilang operasyon, ngunit nakatunugan ito ng mga suspek at agad na pinaputukan ang rumespondeng pulis.

Dead on the spot ang dalawa sa mga suspek at dead on arrival (DOA) naman sa Sta. Clara de Montefalco Hospital ang dalawa pa;  habang isa pang kasamahan ng mga napaslang ang nakatakas.

Ayon sa PNP, ang mga suspek ay remnants ng Dominguez Carnapping group na dating pinamumunuan ni Raymond Dominguez.

Narekober mula sa crime scene ang isang Uzi sub-machine pistol at tatlong kalibre .45 pistolang baril at ang umano’y kinarnap nito na sasakyan.

Ayon  sa pulisya, kinarnap sa Quezon City ang Isuzu pick up truck bago dinala sa Bulacan kung saan naaktuhan na pinapalitan ng plaka.

Ang nasabing Isuzu pick up truck ay may plakang NHI 625, ngunit ito ay pinalitan ng NOA 153.

AFP SENDS 16th PHL CONTINGENT TO LIBERIA



CAMP AGUINALDO, QUEZON CITY—The Armed Forces of the Philippines (AFP), sent off the 115-strong contingent to Liberia today at the Philippine Air Force Hangar in Clark Air Base, Pampanga. This Philippine Contingent is part of the on-going peacekeeping mission conducted by the United Nations for 9 years now.
The Philippine Contingent to Liberia (PCL) is part of the AFP’s commitment to the UN’s global peace and development efforts. This year, the 16th PCL is led by Col Armin Alejaga and is composed of seven officers, one medical staff, and 107 enlisted personnel who have undergone the UN Core Pre-deployment Training.
First Air Division Commander Major General Ricardo Banayat led the send-off ceremony in behalf of PAF Commanding General MGen Lauro Catalino Dela Cruz. In a speech delivered by Banayat, MGen Dela Cruz pressed on the soldiers the value of commitment to their mission.
Our commitment to this country and to the whole world stands on firm foundation and will never favor those who think they can use UN deployments for their self-serving gains,” Dela Cruz said.
He also said that the soldiers should not use UN deployments as means to further personal ambitions.We owe so much to the nation and it is only fitting that all of you will be embodiments of men and women who prioritizes the honor and pride of our country above any other interest,” he added
The send-off program also featured the closing ceremony of the pre-deployment training that was facilitated by the Peacekeeping Operations School under the AFP Peacekeeping Operations Center headed by Col Abraham Claro C Casis.
The Philippine Contingent to Liberia is in accordance with the UN Resolution 1509 drafted in September 2003 that established the UN Mission in Liberia (UNMIL) that is tasked to assist in the maintenance of law and order in the country following a ceasefire that ended the Second Liberian Civil War.
Meanwhile, AFP Chief of Staff LtGen Jessie D Dellosa expressed his appreciation to the soldiers who will be “away from their homeland and their families in order to fulfill their duty of maintaining peace in a foreign land.”
“I hope that they will accomplish this noble mission of safeguarding another country’s democratic institutions with the same dedication they have in safeguarding ours. I am very confident that they will perform their utmost best just like what the other contingents did in our previous deployments,” Dellosa added.
The 15th contingent that left in March last year is set to arrive in the country on January 28.

Ang Mabuhay at ang Promdi




Kay bilis nalagas ng dahon ng panahon, walong taon na pala ang Promdi sa Mabuhay na nagdiriwang naman ng ika-32 taon ng paglalathala ngayong Enero 20.

Ngunit sariwa pa alaala ng Promdi ang katanungan ni Perfecto “Ka Peping”  Raymundo matapos niya akong ipatawag sa tanggapan ng Bulacan Press Club (BPC) isang umaga noong Enero 2004. 

“Gusto mo bang magsulat sa Mabuhay,” bungad ni ka Peping, isa sa mga orihinal na nagtatag ng pahayagang Mabuhay, at kasalukuyang Associate Editor nito.

Walang gatol na “opo” ang aking tugon dahil sa isang karangalan ko ang mapabilang sa Mabuhay na noo’y isa ng premyadong pahayagan na naglilingkod sa Bulacan.

Kinabukasan ay iniharap ako ni Ka Peping kay  Jose Leetai Pavia na mas kilala sa kanyang mga inisyal na JLP. Siya ang tagapagtatag at punong patnugot ng Mabuhay na yumao noong Abril 18 nitong nakaraang taon.

Mahigit dalawang oras din ang paghaharap naming tatlo na tinampukan ng “job interview” at kauna-unahang “journalism lecture” sa akin ni JLP.

“Akala ko uurong ka na,” biro sa akin ni Ka Peping habang umiinom ng beer sa isang beer garden sa Bocaue matapos ang ang aking job interview.  Pagdiriwang daw iyon para sa aking pagpasok sa Mabuhay. Nakakainom pa ng beer noon si Ka Peping kaya siya ang nagbayad.
Sa mga sumunod na araw, nagsimula na ako sa pagsusulat ng balita para sa Mabuhay, at bawat linggo ay tinatampukan ng panibagong lecture ni JLP, kahit sa telepono.

Kapag nagkita kami ni JLP, sa opisina man o sa mga dinaluhan naming mga pagsasanay, wala pa ring tigil ang kanyang mga lecture.

Unang pagsasanay sa civic journalism na aking nadaluhan ay ginanap sa Batangas noong Hunyo 2004, at ito ay nasundan pa ng di ko mabilang na pagsasanay pa.

Hindi ko malilimutan ang pagkakataong iyon. Papunta pa lamang kami sa Batangas ay naglelecture na si JLP, pagdating sa seminar ay iba na ang naglecture.  Pagkatapos ng dalawang araw,’ni-review’ naman niya ko sa natutunan ko sa lecture.

Siyempre, parang oral exam sa klase, at yung mga kulang, dinagdagan pa niya ng kanyang lecture.

Ang totoo, hindi lang ako ang nakaranas ng katulad na mga pagkakataon kay JLP.  Maging si Joey Aguilar ng Punto Central Luzon na madalas kong kasama sa pagsasanay ay ‘naluto’ rin sa mga lecture ni JLP habang kami ay nasa biyahe, o kaya ay kung gabi matapos ang maghapong seminar.

Sa pananaw ng iba ay paulit-ulit na lang ang lecture, para daw nakakabugbog ng isipan.  Ngunit para sa amin ni Joey, isang magandang pagkakataon iyon upang higit na matuto at maunawaan ang mga itinuro sa mga seminar.

Kung tutuusin, hindi naman nasayang ang mga oras na ginugol ni JLP sa paglelecture sa akin.

Ito ay dahil mula ng ako ay mapabilang sa mga bumubuo ng pahayagang Mabuhay noong 2004 ay lima ng parangal at pagkilala sa pamamahayag ang aking natanggap.

Kabilang sa aking mga parangal na tinaggap ay ang Regional Science and Technology Award mula sa Philippine Science Journalist Inc., (Pscijourn) noong 2005.

Nasundan pa ito ng plake ng pagkilala mula sa United Nations Children Emergency Fund (Unicef) at Philippine Press Institute (PPI) para sa bird flu reporting noong 2006.

Bukod sa mga ito ay ang tatlong journalism fellowship na aking tinanggap mula 2006 hanggang sa taong ito.

Ito ay ang PPI-The Coca-cola Export Corporation (TCCEC) Civic Journalism Fellowship na ipinagkaloob sa Cebu noong 2006; Jaime V. Ongpin Journalism Fellowship na ipinagkaloob ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) noong Hunyo 2010; at Probe Media Foundation Journalism Fellowship na ipinagkaloob nitong Mayo sa Cebu.

Sa panahon naman ng aking pamamahayag sa Mabuhay, anim namang parangal at pagkilala ang tinanggap ng pahayagang ito mula sa PPI.

Ito ay ang mga parangal na Best in Photo Journalism sa mga taong 2005, 2008, at 2010; at Best Edited Paper na ipinagkaloob para sa mga taong 2007, at 2010.

Bukod dito, tumanggap din mula sa PPI ng citation para sa civic journalism ang Mabuhay noong 2008.

Ang mga parangal at pagkilalang ito ay bahagi lamang ng patuloy na paglalakbay ng Mabuhay para sa mataas na antas ng pamamahayag.

Ito raw ay hatid ng kahusayan ng isang mamamahayag, ngunit ang totoo, maging ang parangal na aking tinanggap ay hindi hatid lamang ng aking personal na kakayahan.

Ito ay dahil sa anuman ang antas ng aking kakayahan ngayon, ito ay bunga lamang ng mahabang panahon ang mga pagasasanay at lecture na hatid ng PPI at ni JLP sa akin.

Si. JLP ang naging mentor o gabay noon, at ako ang kanyang masunuring mamamahayag.  Ngayong siya ay yumao na, ang kanyang mga aral at ang pulso ng mamamayan ang patuloy na magiging gabay ko sa higit na mataas na antas ng pamamahayag.

Bukod dito, hindi rin maisasantabi ang kontribusyon ng iba pang lalaki at babae sa likod ng mga pahina ng pahayagang Mabuhay. Kung hindi sa kanilang matiyagang paglilingkod, ang lingguhang sipi ng Mabuhay na inaabangan ng mga suking mambabasa ay hindi makakarating sa oras.

Sila po ang mga nasa “behind the scenes” matiyagang naglalapat ng mga corrections, at ang iba naman ay nagde-deliver ng sipi sa inyong mga paboritong tindahan.  Samantalang nagkataon na ako ang nasa “frontline” ng pagbabalita.

Sa madaling salita, ang karangalang aking tinanggap ay karangalan din nila.  Iisa po kaming koponan, isang pamilya, isang pahayagan. Kami ang Mabuhay. Pero, siyempre ang lagi naming sigaw ay Mabuhay po tayong lahat!

Tuesday, January 24, 2012

SALN or ill-gotten wealth: What is Article II really about?


from the PCIJ Blog (www.pcij.org/blog)

ARTICLE II
RESPONDENT COMMITTED CULPABLE VIOLATION OF THE CONSTITUTION AND/OR BETRAYED THE PUBLIC TRUST WHEN HE FAILED TO DISCLOSE TO THE PUBLIC HIS STATEMENT OF ASSETS, LIABILITIES, AND NET WORTH AS REQUIRED UNDER SEC. 17, ART. XI OF THE 1987 CONSTITUTION.
2.1. It is provided for in Art. XI, Section 17 of the 1987 Constitution that “a public officer or employee shall, upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities, and net worth. In the case of the President, the Vice-President, the Members of the Cabinet, and other constitutional offices, and officers of the armed forces with general or flag rank, the declaration shall be disclosed to the public in the manner provided by law. ”
2.2. Respondent failed to disclose to the public his statement of assets, liabilities, and net worth as required by the Constitution.
2.3. It is also reported that some of the properties of Respondent are not included in his declaration of his assets, liabilities, and net worth, in violation of the anti-graft and corrupt practices act.
2.4. Respondent is likewise suspected and accused of having accumulated ill-gotten wealth, acquiring assets of high values and keeping bank accounts with huge deposits. It has been reported that Respondent has, among others, a 300-sq. meter apartment in a posh Mega World Property development at the Fort in Taguig. Has he reported this, as he is constitutionally-required under Art. XI, Sec. 17 of the Constitution in his Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN)? Is this acquisition sustained and duly supported by his income as a public official? Since his assumption as Associate and subsequently, Chief Justice, has he complied with this duty of public disclosure?

HAMON NI BINAY: Sa Ombudsman kayo kumuha ng SALN



MALOLOS—Hinamon ni Bise Presidente Jejomar Binay ang mga mamamahayag na magtungo sa Ombudsman upang makakuha ng kopya ng sipi ng  Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN)  ang matataas na opisyal ng pamahalaan.

 Kaugnay nito, sinabi ni Malou Mangahas, pinunong tagapagpaganap ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa isang panayam sa telepono ng Mabuhay noong Lunes, Enero 23 na pinagkalooban na sila ni Binay ng sipi ng SALN nito.

Ang kontrobersya hinggil sa SALN ay nag-ugat sa impeachment laban kay Punong Mahistrado Renato Corona kung saan isa sa walong artikulo ng impeachment na na isinampa laban sa kanya ay ang hindi paglalabas ng sipi nito.

Ang pagsusumite at paglalahad ng aktuwal na nilalaman ng SALN ay itinatadhana ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

 “The issue here is kung nag-file na kami o hindi,” ani Binay sa panayam ng Mabuhay matapos ang pagdiriwang ng ika-113 guning taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika ng Pilipinas.

Bilang ikalawang pinakamakataas na halal na opisyal, sinabi ni Binay na nagsumite siya ng kanyang SALN sa tanggapan ng Ombudsman bilang pagtalima sa probisyon ng RA 6713.

“Kung gusto ninyo ng kopya, magpunta kayo sa Office (Ombusdman), hindi naman naming sinasabing huwag ilabas yan, di katulad sa Supreme Court,”aniya.

Una rito, iniulat ng PCIJ sa kabila ng sunod-sunod nilang liham kahilingan, hindi sila pinagkalooban ng sipi ng SALN ng matataas na opisyal sa bansa partikular na ng mga nanunungkulan sa Korte Suprema, Ombudsman, at Kongreso.

Sa nasabing ulat na inilabas ng PCIJ noong unang bahagi ng Enero, binanggit nila ang pahayag ni Director Roberto Maling  ng Secretary General’s Office ng Kongreso na hindi makapagbigay ng sipi ang Records Management Service dahil sa mahabang proseso.

In a telephone interview yesterday, PCIJ’s Executive Director Mangahas said that Binay’s office has already provided them a copy of his SALN as early as last week.

Sa panayam ng Mabuhay kay Mangahas sa telepono noong Lunes ng tanghali, Enero 23, sinabi na hindi naging madali ang kanilang isinagawang pagsisiyasat sa SALN ng mga opisyal.

 “Noong una, medyo mahirap pero nakuha rin sa tiyaga,” ani Mangahas.

Inihalimbawa niya ang sipi SALN ni Binay na noon lamang nakaraang linggo naipagkaloob sa kanila.

“Sa wakas naibigay din, pero natagalan talaga,” ani Mangahas ay iginiit pa na batay sa itinatakda ng batas, dapat ay ipinagkaloob ang sipi sa loob ng 15 araw matapos magsumite ng liham kahilingan ang PCIJ sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ayon kay Mangahas, si Binay ay isa lamang sa mga unang opisyal ng pamahalaan na nagbigay ng sipi ng SALN.

Kaugnay nito, iginiit ni Binay na ang pagbibigay ng sipi at paglalahad ng nilalaman ng SALN ay depende sa opisyal.

Samantala, iginiit ng ilang abogado sa lalawigan upang mapabilis ang pagtukoy sa nilalamanng SALN ni Corona, dapat munang iwan ng punong mahistrado ang Korte Suprema.

“Dapat munang mag-leave of absence siya,” ani ng isang sa mga abogadong tumangging ipabanggit ang pagkakakilanlan dahil sa may nakabinbin siyang petisyon sa Korte Superma.

Inihalimbawa niya ang utos ni Senator Juan Ponce Enrile kay Enriqueta Vidal, ang clerk of court ng Korte Suprema nailabas ang SALN ni Corona.

Ngunit idinahilan ni Vidal na hindi niya maaring basta ilabas ang SALN ni Corona kung walang utos ito sa kanya.

“Exactly my point,”ani pa ng isang abogado na tumanngi ring ipabanggit ang pangalan.

Dagdag pa niya, “Vidal has to follow her boss; and her boss is the Chief Justice who has not taken a leave of absence.” (Dino Balabo)

K+12: Pagpapatala sisimulan sa Sabado

Sec. Luistro at Gob. Alvarado. (PPAO Photo)

MALOLOS—Handa na ang Department of Education (DepEd) para sa paunang pagpapatala ng mga mag-aaral sa kindergarten at para sa mga una at ika-pitong baitang  sa darating na Sabado, Enero 28 sa kabila ng mga kakulangan sa pasilidad at mga guro.

Ito ay bilang bahagi ng unang taon ng pagpapatupad ng programang Kindergarden plus 12 (K+12), kung saan ang dating 10-taong pag-aaral para sa elementarya at high school ay magiging 12, bukod pa sa kindergarden.

“Sisimulan na ang early registration para sa K+12 program sa Sabado,” ani  Education Secretary Armin Luistro matapos lagdaan ang isang memorandum of agreement sa pamahalaang panglalawigan ng Bulacan para sa pagpapatayo ng 1,942 silid aralan.

Nilinaw ni Luistro na ang maagang pagpapatala ay upang agad matukoy ang bilang ng mga mag-aaral sa kindergarden, una at ika-pitong baitang sa pagsisimula ng klase sa Hunyo.

“This way, hindi magugulat ang mga principals kung ilan ang papasok sa June. Makapaghahanda sila,” aniya.

Upang matiyak ang tagumpay ng pagpapatupad ng programang K+12,hinikayat ni Luistro ang mga alklade at mga punong barangay sa pagpapakalat ng impormasyon.

“Kailangan naming ang tulong mga mayor at kapitan. Basic education is a right at libre ito, kaya dapat ipalista na agad ang mga bata,” ani Luistro.

Binigyang diin niya na sinuman na ang edad ay mababa sa 18 taong gulang at hindi pa nakakatapos ng high school ay maaring magpatala kabilang ang mga children with disabilities, at mga out-of-school youths (OSY).

Ayon kay Luistro, ang programang K+12 ay isang mahalagang sangkap upang matiyak ang kaunlaran ng bansa at matupad ang mga millennium development goals (MDGs).

“Mas mabilis ang pag-unlad ng ibang bansa dahil sa implementation ng same program, hindi tayo dapat magpaiwan,” aniya.

Ayon kay Luistro, kahit masy kakulangan sa mga silid aralan, mga pasilidad at guro, dapat nang simulan ang pagpapatupad ng K+12.

Kaugnay nito, sinabi nina Dr. Edna Zerrudo, Bulacan schools division superintendent, at Gob. Wilhelmino Alvarado ns handa na ang lalawigtan sa pagpapatupad ng K+12.

Ayon kay Zerrudo, ipinatutpad nila ang kindergarden program sa mga paaaralan sa lalawigan sa mahabang panahon.  Ang kindergarden ay bahagi ng K+12.

Iginiit pa niya na ang tagumpay ng K+12 ay nakasalalay din sa suporta ng mga pamahalaang lokal.

Para naman kay Alvarado, isa sa malinaw na suportas ng kapitolyo sa K+12 ay ang pakikipagkasundo nila sa DepEd para sa P2-Bilyong proyekto kung saan ay 1,942 na dagdag na silid aralan ang itatayo sa lalawigan.

Bukod dito, sinabi rin niya na matagal na ring nagbibigay ng suporta ang mga pamahalaang lokal para sa pagpapasuweldo sa mag dagdag na guro sa mga pampublikong paaralan. (Dino Balabo)

P2-B gugugulin ng MNTC sa pagpapalawak at pagkumpuni sa mga expressway


Ipinagmalaki ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) na siyang namamahala sa North Luzon Expressway na naghanda sila ng P2-Bilyon pondo para sa pagkukumpuni, expansion at integration ng NLEX sa Subic Clark Tarlac Expressway.  Kabilang sa gugugulan ng MNTC ay ang itinatayong Balagtas interchange na inaasahang mabubuksan sa Marso.  Makikita sa larawang ito na kuha noong Abril 30 ang mabilisang konstruksyong ng nasabing interchange.

LUNGSOD NG QUEZON—Nakatakdang gumugol ng P2-Bilyon ang Manila North Tollways Corporation (MNTC) sa taong ito para sa pagkumpuni, pagpapalawak at pagsasanib ng serbisyo ng mga expressway sa hilaga ng Maynila.

Kaugnay ito ng pagsisimula ng pamamahala sa Subic Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa susunod na buwan ng MNTC na siyang namamahala sa
North Luzon Expressway (NLEX).

“We are just waiting for the signature of the President,”ani Rodrigo Franco ,ang pangulo at Chief Executive Office (CEO) ng MNTC patungkol kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ipinahayag niya na bukod sa kahandaan sa pamamahala sa 94 na kilometrong SCTEX, gugugulan din nila ng P300-Milyon ang integrasyon nito sa may 88-kilometrong NLEX.

“We want a seamless connection between the NLEX and the SCTEX so that motorists will be more comfortable,” ani Franco sa mga dumalo sa isinanagawang media appreciation party sa Area 5 restaurant sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue noong Huwebes ng gabi, Enero 12.

Ipinagmalaki rin ni Franco ang napipintong pagbubukas ng Balagtas Interchange sa NLEX sa darating na Marso.

Tiniyak niya na ang pagbubukas ng nasabing interchange at makapagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Sta. Rita Interchange sa Guiguinto na patungo sa silangang Bulacan.

Sa pagbubukas ng Blagtas Interchange, sinabi ni Franco na iyon ay gugugulan nila ng P100-M.

Bukod sa mga nasabing plano, ipinagmalaki rin niya ang patuloy na pagkukumpuni para sa NLEX na gugugulan nila ng P300-M; at ang konstruksyon ng phase 1 ng planong Harbor Link na gagastusan ng P1.6-B.

Ang phase 1 ng Harbor Link at isusudlong sa Mindanao Avenue Link sa Lungsod Valenzuela na iuugnay sa MacArthur Highway sa nasabing lungsod.

Ang 2.42 kilometrong phase 1 ng Harbor Link ay inaasahang magsisimula sa ikalawang bahagi ng taon, at matatapos sa unang bahagi ng 2013.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Franco na abala ang gobyerno sa negosasyon para sa right of way ng nasabing proyekto na naglalayong makarating sa North Harbor sa pamamagitan ng Phase 2 nito.

Ang phase 2 ng Harbor Link ay may habang 5.6 kilometro at tatahak pa-timog patungong North Harbor, sa ibabaw ng Philippine National Railways (PNR) right of way mula Valenzuela hangang Letre sa Malabon.

Ang nasabing phase 2 ay gugugulan ng P8-4 Bilyon at inaasahang masisimula sa 2013.

Ayon kay Franco, ang pinagdugtong na Mindanao Avenue Link at Harbor Link ay ay magsisilbing alternatibo at mabilis na daan mula sa silangang Kalakhang Maynila patungong North Harbor.

 Ito ay magsisilbi ring mabilis na daan para sa mga trak na naghahatid ng ani mula sa bukirin ng Gitna at Hilagang Luzon patungo sas kalakhang Maynila at North Harbor.  (Dino Balabo)