Papa Benedicto XVI. Ang larawang ito ay mula sa NY Daily News. |
MALOLOS—Ikinalungkot
ng mga Bulakenyo ang pahayag ngpagbibitiw sa tungkulin ni Papa Benedicto XVI ,
ngunit kaalinsabay nito ang paghanga sa pinuno ng may 1.2 Bilyong kasapi ng
simbahang katoliko sa mundo.
Kaugnay
nito, marami naman ang nagpahayag ng pag-asa sa posibilidad na isang Pilipino
ang susunod na Santo Papa matapos mapaulat na kabilang si Cardinal Luis Antonio
Tagle ng Maynila sa 10 pangunahing “papabili” o pagpipilian bilang susunod na
pinuno ng Simbahan.
Ayon
kina Bro. Eddie Villanueva at dating Gob. Roberto Pagdanganan, malungkot na
balita ang pahayag ni Papa Benedicto XVI noong Lunes.
Ito
ay patungkol sa pagbibitiw sa tungkulin ng Papa bilang pinuno ng may 1.2-B
kasapi ng Simbahang Katoliko.
Isa
sa pangunahing dahilan na binaggit ng Papa sa kanyang pabibnitiw sa tungkuling
sa katapusan ng buwan ay ang kanyang kalusugan sanhi ng hinog na edad.
Inilarawan
ni Villanueva ang desisyon ng Santo Papa bilang “ “supreme sacrifice” at palatandaan ng “selflessness” sa dapat
gayahin ng iba ng lider.
“I
salute him for that. It is a sign of greatness,” ani Villanueva sa panayam ng Mabuhay matapos ang
paglulunsad ng kanyang kandidatura sa Capitol Gymansium sa lungsod na ito noong
Martes bilang Senador sa ilalim ng bandila ng Bangon Pilipinas Party.
Bilang
tagapagtatag ng Jesus Is Lord Movement (JILM), sinabi ni Villanueva na ang
desisyon ng Santo Papa ay nag-ugat sa malalim na pagkakaunawa nito sa
kapangyarihan ng krus at ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.
“I read his two books, and he (Pope) has very
clear understanding of the power of the cross and resurrection. Sana lahat ng leader ay katulad niya na hindi
kapit tuko sa posisyon,” sabi pa niya.
Iginiit niya na ang bawat lider ng anumang
organisasyon ay dapat maunawaan mvga prinsipyo ng “sense of selflessness,
greatness and destiny.”
“He
said he cannot do his job effectively anymore, that’s selflessness and other
leaders must emulate him,” ani Villanueva.
Para naman kay dating Gob. Pagdanganan
kahanga-kahang ang desisyon ng Santo Papa.
“I
am saddened, I thought he was doing well,” ani ng dating gobernador.
Idinagdag
pa niya na “it is not only an act of sacrifice, it is noble act.”.
Ikinagulat
ng buong mundo ang pahayag ni Papa Beedicto XVI noong Lunes.
Siya
ang unang Santo Papa na magbibitiw sa tungkulin sa loob ng nadaang 600 taon,
ayon sa mga ulat.
Pagkatapos
naman ng bibitiw sa tungkulin ng Santo Papa sa katapusan ng buwan ay agad na
magpupulong ang mga cardinal ng simbahan.
Kabilang
dito ai Cardinal Luis Antonio Tagle ng Diyosesis ng Maynila
Ikinagalak
naman ng maraming Pilipino ang posibilidad na si Tagle ang susunod na Santo
Papa matapos mapabilitang kasama siya sa 10 “papabili.”
No comments:
Post a Comment