MALOLOS—Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na
walang katunggali sa halalan sa Mayo ang gobernador ng Bulacan na si wilhelmino
Alvarado.
Ito ay matapos diskwalipikahin ng Comelec En Banc ang dalawang indipendienteng kandidato sa
pagkagobernador ng Bulacan.
Ayon kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor
sa lalawigan na ang decision ng Comelec ay batay sa kanyang rekomendasyon
matapos ang pakikipagpulong sa mga apparent nuisance candidates sa lalawigan
noong Oktubre.
Almera |
Sa panayam sa
telepono, sinabi ni Duque na “gusto naming matiyak na hindi magiging
katatawanan ang halalan sa Bulacan.”
Matatandaan na
noong Oktubre ay pinulong ni Duque ang pitong apparent nuisance candidates sa
lalawigan kabilang ang dalawang indipendienteng kandidatong gobernador na sina
Jaime Almera at Ernesto Balite.
Ipinaliwanag ni Duque na layunin ng nasabing pulong na
masukat ang kakayahan ng mga kandidato na makapagsagawa ng kampanya sa buong
lalawigan, partikular nsa sa mga kandidato bilang gobernador.
Ang nasabing pulong ay nasundan ng rekomendasyon ni Duque sa
Comelec Law Department, at noong Enero 18, nagpalabas ng desisyon ang Comelec
En Banc.
Balite |
Ayonkay Duque, ang desisyon ng Comelec En Banc ay pinal na.
Batay sa impormasyon na nakatala sa website ng Comelec
(www.comelec.gov.ph), tanging ang pangalan ni Alvarado ang nakatala bilang
kandidfatong gobernador sa lalawigan.
“Iyan na ang final list ng certified candidates for the 2013
elections,” ani Duque patungkol sa nakatala sa website ng Comelec.
Iginiit pa niya na ang nasabing impormasyon o talaan ng mga
kandidato ang ililimbag ng Comelec simula Pebrero 4 sa gagamiting balota para
sa halalan sa Mayo 13.
Kaugnay nito, sinabini Duque na hindi pa nakakapgdesisyon
ang Comelec sa kaso ng diskwalipikasyon na isinampa ni Kinatawan Marivic
Alvarado ng unang distrito ng Bulacan laban sa kanyang nag-iisang katunggali na
si Sahiron Salim, isang retiradong pulis.
Bilang isang indipendienteng kandidato, nagsumite ng
Certificate of Candidacy (COC) si Salim bilang kanditatong kongresista sa unang
distrito ng Bulacan noong Oktubre.
Ngunit makalipas ang ilang araw ay nagsampa ng kaso para sa
kanyang diskwalipikasyon si Kint. Alvarado.
Sa kanyang petisyon sa Comelec, sinabi ni Kint. Alvarado na
si Salim ay kumandidatong gobernador sa lalawigan ng Sulu noong 2010 at
nakaipon ng pinakamaliit na bilang ng boto sa mga nagtunggali.
Kaugnay nito, sinabi ng mga tagamasid sa pulitika sa
lalawigan na kapag natuloy ang diskwalipikasyon kay Salim, ang mag-asawang
Alvarado ang kauna-unahang mag-asawang kandidato sa halal na posisyon sa
lalawigan na walang katunggali.
Sa naunang panayam kay Jose Rey Munsayac, isang dating
Bokal, ang mga kumandidatong gobernador sa Bulacan sa nagdaang 20 taon ay
pawang may katunggali.
Gayunpaman, sa kabila ng may nakatalang kalaban sa balota ay
halos hindi naman naramdaman ang epekto ng oposisyon sa kandidatura ng mga
dating gobernador na tulad nina Roberto Pagdanganan at Josefina Dela Cruz sa
kanilamng magkahiwalay na kampanya mula 1988 hanggang 2004. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment