MALOLOS—Suportado
ng mga lider pampulitika sa Bulacan ang kandidatura sa Senado ni Bro. Eddie
Villanueva ng Bangon Pilipinas sa kabila magkakaiba ang kanilang kinasasanibang
partido.
Kaugnay
nito, inilunsad ng Villanueva ang kanyang kandidatura sa lungsod na ito noong
Martes, Pebrero 12. Ito ang ikatlong
sunod na paglulunsad ni Villanueva ng kanyang kandidatura sa lungsod na ito.
“Walang
ibang higit na kakalinga sa ating lalawigan kungdi ang ating kalalawigan din,”
sabi ni Gob. Wilhelmino Alvarado sa kanyang talumpating pang-endorso kay
Villanueva na kilala bilang isang televangelist.
Bilang
tagapangulo ng National Unity Party (NUP) sa lalawigan, sinabi ng punong
lalawigan na ang Bulacan ay nahaharap sa mas mabilis na kaunlaran at kailangan
nito ang lahat ng tulong.
Ayon
sa gobernador, kakailanganin ng Bulacanng isang kaalyado sa Senado at si
Villanueva ang isa sa mga mangungunang tutulong kung mananalo.
Gayundin
ang mga naging pahayag nina dating Gobernador Roberto Padanganan at Joselito Mendozana siyang tagapangulo ng
Liberal Party sa lalawigan at kasalukuyang kinatawan sa ikatlong distrito.
Maging
si dating Gob. Josefina Dela Cruz ay nagpahayag ng suporta sa pamamagitan ng
maikling video message na ipinapanood sa mga dumalo sa paglulunsad ng kampanya
ni Villanueva.
Si
Dela Cruz ay kasalukuyang naglilingkod bilang Post Master General ng Philippine
Postal Corporation (Philpost).
Ang
mga nabanggit na lider, kasama ang mahigit sa 90-taong gulang na si dating Gob.
Tomas Martin ng Nacionalista Party at dating Gob. Ignacio Santiago ay naunang
nagpahayaga ng kanilang suporta sa pamamagitan ng paglagda sa isang manipesto.
Ang
nasabing manipesto ay nilagdaan din ng mahigit 100 pang lider pampulitika sa
lalawigan na nabibilang rin sa ibat-ibang partido.
Nagpasalamat
si Villanueva sa pagbibigay ng suporta ng mga Bulakenyong lider.
Sinabi
niya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaisa ang mga lider sa
lalawigan upang isulong ang kandidatura ng isang kalalawigan.
“I
am so grateful for their support despite the fact that they came from different
political persuasions. They stand ten feet tall in solidarity to support
my attempt to capture a Senate seat. The future of Bulacan is beyond
politics,” ani Villanueva.
Ito
ay ang ekonomiyang agresibot’ walang napag-iiwanan; Edukasyon na napapanahon;
Entrepinoy na masang Pilipino ang nangunguna at nakikinabang.”
Ayon
kay Villanueva ang nabanggit na plataporma ay kailangan upang higit na mabigyan
ng kahulugan ang pagunlad ng ekonomiya ng bansa na ayon sa kanyan ay dahil sa
programang tuwid na landas ni Pangulong Aquino.
“Mabilis
ang pagunlad ngayon ng bansa, pero hindi tumatagos sa mga masa. Kailangang
maramdaman ng masa ang kaunlarang pang-ekonomiya,” sabi ni Villanueva.
Bilang
tagapagtatag ng Jesus Is Lord Movement
(JILM), binigyang diin ni Villaneuva ang kahalagahan ng moral leadership.
“We need moral
leadership. The bedrock of good economics is good politics,” aniya.
Si Villanueva nagtapos ng Bachelors of Science in Commerce major
in Economics sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Bilang isang lider ng mga mag-aaral, siya ay ng pinakamatagal
na nagsilbing kasapi ng PUP Board of Regents. Nagsilbi rin siyang propesor ng Economics
sa PUP.
Bilang isang negosyante noong dekada 70, siya ay nagsilbing
export manager ng maran Export Industries, at nagtatag ng Agape Trading company
kung saan siya ay nanungkulan bilang general manager.
Sa larangan ng pananampalataya, nasubok ang katatagan ni
Villanueva ng laban niya ang isang sindikato ng sa kaso ng land grabbing na
kinabibilangan ng isang hukom, isang piskal, at apat na abogado na pawang
nakulong.
Kasunod nito ang pagtatayo ni Villanueva ng Jesus is Lord
Movement (JILM) na may 4,000 simbahan sa buong bansa, at Jesus Is Lord Colleges
Foundation.
Noong 2004 at 2010, kumandidato si Villanueva bilang Pangulo,
ngunit natalo.
Ang paglulunsad ng kanyang kampanya para sa halalan noong 2004
ay isinagawa sa Bulacan State university; at noong 2009 ay sa bakuran ng
makasaysayang simbahan ng Barasoain bilang paghahanda sa halalan noong 2010.
Si Villanueva ay anak ng Olympian na si Joaquin Villanueva na
kasal kay Maria Cruz, isang beautician na kapwa nagmula sa Bocaue.
Siya ay kasal kay Adoracion Villanueva at sila ay biniyayaan ng apat na supling.
Ito ay sina Eduardo
Jr., Joel, Eleanor, at Edelisha.
Si Eduardo Jr., ay kasalukuyang alkalde ng bayan ng Bocaue
samantalang si Joel ay nanunuparan bilang Director General ng Technical
Education Skills Development Authority (Tesda). Dino Balabo
No comments:
Post a Comment