LUNGSOD
NG VALENZUELA—Pinabulaanan ni Kalihim Rogelio Singson ng Department of Public
Works and Highways (DPWH) ang mga paratang na ang proyekto ng kanyang ahensya
ay ginagamit para sa pagpapalakas ng kandidatura ng mga kasapi Liberal Party sa
halalan sa Mayo.
Ito
ang kanyang iginiit matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony ng North
Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link project sa Valenzuela City kahapon.
Ayon
sa Kalihim, noong pang nakaraang taon nakaplano ang mga proyektong pang-imprastraktura
ng admininstrasyong Aquino.
“Hindi
po pangkampanya ang mga infrastructure project na aming ipinatutupad ngayon. As
a matter of fact, noong pang last year nakalista yon,” ani Singson.
Iginiit
pa niya na mahigit 50 porsyento ng mga proyektong isasagawa sa taong ito ay
nai-subasta na at nailabas na ang advertisement sa mga pahayaga.
“Transparent
pong lahat iyan at nakalagay lahat sa aming website,” aniya.
Sa
pagsusuri ng Mabuhay sa website ng DPWH, napag-alaman na kabilang sa mga
malalaking proyektong isinasagawa at isasagawa ng ahensiya sa Bulacan ay ang
mga flood control project sa Calumpit at konstruksyon ng North Food Exchange
(NFEx) sa bayan ng Balagtas.
Ayon
pa kay Singson, walang pinilipining proyekto ang administrasyong Aquino.
“We
will implement projects regardless of party affiliation,” at hinamon pa ang mga
nagbigay malisya sa mga proyekto na bisitahin ang mga proyekto o kaya ay
magtano sa mga distrito.
Pinaalalahanan
din niya ang publiko na kung marami ang naabala sa mga ginagawang proyekto
noong nakaraang taon, asahan na mas marami ang mga proyektong gagawin ngayon.
Ito
ay makaraang tumaas ng 55 porsyento ang pondo ng ahensya na umakyat sa P129-Bilyon
mula sa dating P82.8-bilyong pondo.
Paliwanag
ni Singson, ang dagdag na pondo ay resulta mula sa isang consensus ng
Philippine Developmemnt Forum sa Davao City noong nakaraang linggo na
nagsasabing mababa ang infrastructure investment sa bansa kumpara sa mga
kasamang bansa sa South East Asian Nation (ASEAN).
“We
failed in our commitment last year. That’s why we agreed to increase
investments on infrastructure from 2.6 percent of our gross domestic product
last year to five percent by 2016.”
Dagdag
pa niya, sinisimulan na ang paghahanap ng kontraktor para sa mahigit dalawang
libong proyekto ng ahensya sa 2013 bago pa magsimula ang election ban sa
pagtatapos ng buwan ng Marso.
“Because
of the election ban, which starts tail end of March, we have already advertised
and started conducting the public bidding for 2,395 projects nationwide. That’s
already 89 percent of the projects we are supposed to undertake in 2013,” ani
Singson.
Ayon
sa kanya, 25 porsyento ng pondo ng ahensya ay mapupunta sa Mindanao; 22
porsyento sa Northern Luzon habang 20 porsyento naman nito ay sa Southern
Luzon. Ron-ron Lopez at Dino Balabo
No comments:
Post a Comment