Isa sa mga unang ipinatanggal ng Comelec ang tent na ito sa paradahan ng tricycle sa sa Hagonoy. |
HAGONOY,
Bulacan—Nagsimula ng magbaklas ng mga campaign posters na wala sa common poster
area sa bayang ito ang ilang tauhan ng kandidato noong Huwebes, Pebrero 21.
Ito
ay matapos iutos ni Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor sa
Bulacan ang pagsasagawang imbestigasyon hinggil sa mga illegal campaign
posters.
Ang
utos ni Duque ay kaugnay ng mga larawang kuha ng Mabuhay at iba pang Bulakenyo
na ngayon ay naka-post sa mga social networking sites tulad ng Facebook.com.
Ang
mga nasabing larawan ay inilathala sa Facebook.com 10 matapos magsimula ang
kampanya ng mga kandidatong senador at party-list group.
Isa
sa mga unang poster na tinanggap sa bayang ito ay ang poster ng Alay Buhay
partylist dating nakalagay sa bakod ng munisipyo.
Ngunit
ang iba pang poster ay hindi pa natatanggal ng katulad na poster ng nasabing
party-list group sa terminal ng tricycle sa kabayanan ng Hagonoy, at mga poster
ni Bro. Eddie Villanueva sa mga post eng kuryente at bakod ng kapitolyo sa
Malolos.
Maging ang mga poster ng mga kandidatong
bise-alkalde ng bayang ito na sina Tina Perez at Lamberto Villanueva ay hindi
pa natatanggal habang sinusulat ang balitang ito noong Huwebes ng gabi, Perbero
21.
Ayon
kay Duque, ang mga kandidato at partidong sangkot sa paglalagay ng mga poster
sa labas ng itinakdang common poster area ay padadalhan nila ng sulat upang
tanggalin ang mga mga nasabing poster sa loob ng tatlong araw.
Ito
ay matapos maimbestigahan at maidokumento ng Commission on Elections (Comelec)
ang mga nasabing poster sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan.
Batay
sa pahayag ng Comelec, ang mga campaign posters na wala sa common poster area
ay ilegal.
Ang
pagbabawal na ito ay itinatakda ng Comelec Resolution No 9615 kung saan ay
sinasabi ring bawal maglagay ng poster sa mga poste at kable ng kuryente,
pader, punong kahoy, at maging s amga pampublikong istraktura, partikular na sa
mga pag-aari ng gobyerno tulad ng mga tulay at bakod at gusali ng pamahalaan.
"The
Comelec Resolution is very clear. Candidates may be allowed to put up their
posters in designated Common Poster Areas (CPAs), but at their own expense.
Sila ang gagastos para sa istruktura para makabit nila ang kanilang mga
poster," ani James Jimenez, tagapagsalita ng Komisyon.
Idinagdag
pa niya na "We cannot just allow candidates to post their campaign
materials on electric posts, trees and other public structures. That is why we
are allowing them to set up temporary structures in designated Common Poster
Areas for the exclusive purpose of displaying their campaign materials."
Batay
sa Resolusyon Bilang 9615 ng Comelec, ang mga partido at kandidato ay maaaring
magtayo ng isang common poster area sa
bawat barangay na may 5,000 rehistradong botante.
Maaari
ding maglagay ang mga partido at kandidato ng common poster area sa mga plaza,
palengke, barangay centers, at lansangan na maraming dumadaan.
Nilinaw
pa ng Comelec na ang mga common poster area at dapat may sukat lamang na 12
talampakang haba at anim na talampakan
ang taas.
Para
sa mga indipendiente, ang commpion poster area ay dapat lamang may sukat na
anim na talampakan ang haba at apat na talampakan ang taas. Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment