Bro. Eddie Villanueva |
MALOLOS
CITY—Ilulunsad ni Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas ang kanyang kandidatura
bilang senador sa kapitolyo ng Bulacan ngayon umaga (Martes)
Ang
paglulunsad ay inihayag ni Villanueva sa palatuntunang Diyos at Bayan na
isinahimpapawid ng GMA TelevisionNetwork noong Lunes ng madaling araw.
Ito
ang ikatlong kampanyang pampulitika ng televangelist matapos ang dalawang sunod
na pagkatalo bilang Presidente sa halalan noong 2004 at 2010.
Sa
huling kandidatura ni Villanueva, inihayag pa niya niya na hindi na siya muling
kakandidato sa halal na posisyon.
(Narito ang videlo clip ng pahayag ni Bro. Eddie matapos bumoto noong 2010 sa Bunlo, Bocaue.) http://youtu.be/21FJ6oMHRTo?t=13s
Ngunit
noong Lunes ng madaling araw, sinabi ni Villanueva na “On February 12, I will
kick-off my campaign at the steps of the Bulacan capitol building with the political
leaders of the province.”
Ito
ay matapos na palitan ni Villanueva sa kandidatura bilang Senador si Israel
Virgines ng Bangon Pilipinas noong Disyembre.
Sa
kanyangpahayag, sinabi ng televangelist na mas mkalaki ang tsansa niyang manalo
dahil sa hindi lang isa sa halip ay 12 senador ang ihahal.
Iginiit
pa niya na mas malawaka siyang suporta ngayon, partikular na sa lalawigan ng
Bulacan na may mahigit sa 1.4 milyong rehistradong botante.
Bukod
dito, sabi niya na nagkaisa ang mga lider pulitiko sa lalawigan at nagpahayag
ng pagkakaisa upang suportahan siya.
“Nagkaroon
ng solidarity ang mga political icons sa Bulacan dahil sa desisyon kong
ireperesent ang mga sagigilid na mamamayan sa Pilipinas,” ani Villanueva.
Kinumpirma
naman nina Mayor Christian Natividad ng Lungsod na ito at Mayor Feliciano
Legazpi ang suporta kay Villanueva, maging si Bokal Michael Fermin.
Maging
ang iba pang kandidatong bokal tulad nina Jose Cundangan at Dax Uy at provincial coordinator ng Bayan Muna sa
Bulacan na si Joey Munsayc ay nagpahayag ng suporta kay Villaneuva.
Ayon
sa mga nagapahayag ng suporta, napapanahon na muling magkaroon ng kinatawan sa
Senado ang Bulacan dahil ang huling Bulakenyong senador na nanungkulan ay ang
yumaong si Senate President Blas F. Ople.
No comments:
Post a Comment