MALOLOS—Nahaharap
ngayon sa kasong pandarambong o plunder si Gob. Wilhelmino Alvarado at anim pang
opisyal ng kapitolyo kaugnay ng P287-Milyong “unliquidated”na pondo noong 2012.
Kaugnay
nito, itinaggi ni Alvarado ang paratang na inilarawan niya bilang isang
“political harassment” ng kanyang mga katunggali sa pulitika.
Ang
nasabing kaso na nag-ugat sa ulat na inilabas ng Commission on Audit (COA)
noong nalaraang taon hinggil sa resulta ng kanilang pagsusuri sa paggamit ng
pondo ng kapitolyo sa taong 2012.
Kabilang
sa kinasuhan ay sina Belinda Bartolome, hepe ng provincial treasurer’s office; Marina
Flores, hepe ng Provincial Budget Office; Marites Friginal, hepe ng provincial
accountant’s office.
Arlene
Pascual, hepe ng Provincial Planning and Development Office (PPDO); dating Provincial
Administrator Jim Valerio na ngayon ay chief of staff ni Gob. Alvarado; at
Inhinyera Marina Sarmiento, ang dating hepe ng Provincial General Services
Office (PGSO) na nagbitiw sa tungkulin noong bakaraang taon.
Ang
nasabing kaso ay inihain ni Antonio Manganti sa tanggapan ng Ombudsman noong ika-14
ng Pebrero o Valentine’s Day.
Si
Manganti na nagpakilala bilang isang tax payer mula sa bayan ng Donya Remedios
Trinidad, ay isang dating rebel returnee na nagtrabaho sa kapitolyo sa panahon
ng panunungkulan ni dating Gob. Josefina Dela Cruz.
Siya
ay nagtrabaho din bilang isa sa mga staff ni Sienna Maureen Hilario na dating chief
of staff ni Dela Cruz.
Ang
mga akusasyon ni Manganti ay batay sa ulat ng COA para sa taong 2012 na kung
saan ay naulat na delayed o naantala ang preparation ng bank statements ng
kapitolyo, may iregularidad sa replenishment ng cash funds, at may unliquidated
na pondio na umaabot sa mahigit 200-M.
Batay
pa sa kasong isinampani Manganti, ang pinakamalaking bahagi ng unliquidate
funds ng kapitolyo na umaabot ng P287-M
ay nagmula sa confidential intelligence fund (CIF).
Inihalad
ni Manganti na umabot sa P197.56 –M ang unliquidated na CIF.
Bukod
dito, pinuntusan din niya ang pagdami ng pinasusuweldong kawani ng kapitolyo na
karamihan ay job order; at ang maraming bilang ng consultant ng kapitolyo.
Kabilang
samga consultant ng kapitolyo ayon sa ulat ng COA na pinagbasehan ni Manganti
ay hindi nakaabot ang kakayahan sa pamantayang itinakda.
Bukod
dito, may mga consultant ang kapitolyo na ang natapos lamang ay “high school”
ay mayroon ding consultant na nabibilang sa mga sekta ng relihiyon.
Ang
iba pang pinagabtayan ng kasong plunder na isinampani Manganti ay ang
ilegalnapaggamit ng Special Education Fund ng Kapitolyo at pamamahagi ng
sobra-sobrang donasyon sa mga samahang hindi nabigyan ng akreditasyon ng
Sangguniang Panglalawigan.
No comments:
Post a Comment