MALOLOS—Iniinda
mo na ang mataas na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at iba pang
panggatong sa pagluluto?
Huwag
mabahala sapagkat nandito ang imbensyon ng isang Bulakenyo na makatutulong dahil
ito ay matipid sa panggatong.
Ito
ay ang Activ Charcoal Stove (ACS) na imbensyon ni Oscar Caluag, 64 anyos na
nagmula sa lungsod na ito.
Ang
naimbentong kalan ni Caluag ay may kakayahang magluto hanggang dalawang kilong
bigas, kasunod ay isang kilong karne na may sabaw at makapagpainit ng higit sa
dalawang litrong tubig na ang gamit lamang ay 300 hanggang 400 gramo ng uling.
Ang
kakahayang ito ng ACS, ayon imbentor ay malaking katipiran para sa mga
nagsisipagluto, dahil ang 200 gramo ng uling ay nagakakahalaga lamang halos ng
limang piso.
“Mas
maa-appreciate mo ang Activ Charcoal Stove kung emergency, halimbawa nagluluto
ka sa gasul at naubusan ka ng gasul,” sabi ni Caluag at idinagdag na upang
makapagpatuloy ng pagluluto ay kakailanganin ng nagluluto ng P400 hanggang P900
para makabili ng bagong tangke ng gasul.
Ngunit
kung ACS ang gamit, kahit limang piso lang ang pera sa bulsa ay tiyak na
makakabili ng uling sa nasabing halaga upang ipagpatuloy ang pagluluto.
Ipinagmalaki
ni Caluag ang pagiging matipid sa uling ng kanyang naimbentong kalan dahil sa
ito ay mga control sa dinadaluyan ng hangin.
“Pag
malakas na ang baga o kaya ay kapag kumukulo na ang iyong niluluto, pwede mo ng
hinaan ang baga sa pamamagitan ng pagpapaliit sa daluyan ng hangin,” paliwanag
ng imbentor na Bulakenyo at idinagdag kapag mahina ang pasok ng hangin sa
kalan, babagal ang pagkaubos ng uling na may sindi at mas marami ang maluluto.
Ang
konseptong ay unang natutunan ni Caluag kanyang science class noong siya ay
nasa high school pa lamang.
“Simple
lang ang principle ng combustion, mas mabilis masunog ang isang bagay kapag
malakas ang hangin, kaya sa ACS, nilagyan ko ng control sa daluyan ng hangin
upang makatipi sa gamit na paggatong na uling.
Nagsimulang
pag-aralan ni Caluag ang pagbuo sa kanyang imbensyon ng makakita siya ng kalan
na ginagatungan ng uling na may fan o maliit na bentilador.
Ang
maliit na bentilador o fan sa nasabing kalang de uling ay ginagamit upang
mapabilis ang pagkasunog ng uling at upang mapataas ang init ng baga nito.
Ngunit
ayon kay Caluag, mapapabilis din ang pagkaubos ng uling sa nasabing kalan,
samantalang halos pareho din ang init nito.
Ipinaliwanag
pa niya na ang kapag kumulo na an gang niluluto, pwede itong panatilihing
kumukulo, pero mahina lamang ang apoy o baga.
“Nung
makita ko yung kalan na may bentilador, naisip ko na kaya ko ring gumawa noon,
pero nakita ko na dapat ay walang external aid tulad ng bentilador, saka dapat
madaling linisin,” ani Caluag at binanggit na ang abo mula sa kalan na may
bentilador ay naitutulak pataas kaya’t lumalabas ito sakalan at kumakalat sa
paligid nito.
“Medyo
marumi ang dating, kaya naisip ko dapat malinis at madaling linisin,” ani
Caluag na nagtrabaho ng mahigit 10 taon sa ibayong dagat bilang isang
biomedical engineer kung saan nakita niya ang pagiging malinis nito.
Ayon
kay Caluag, matagal nang nabuo sa kanyang isipan ang konsepto ng kanyang
imbensyon, ngunit natagalan siya na makakita ng mga akmang materyales.
Minsan
ay dumalo siya sa isang trade fair kung saan ay ipinakita ang ibat-ibang
kagamitang pangkusina.
Isa
sa nakatawag pansin niya ay ang ibat-ibang sukat ng mixing bowl o malulukong na
palangganita.
Pinagmasdan
niya ang mga ito ay doon niya naisip na magagamit niya ito sa kanyang nabuong
konsepto para sa imbesyon.
Kumuha
siya ang dalawang magkasing laking mixing bowl at binutasan ang isa na
ipinatong sa ibabaw nito.
Pagkatapos
ay nilagyan niya ng stainless na chimney sa ibabaw upang duon ilagay ang uling
na sisindihan.
Ang
nasabing chimney ay nagkontrol din ng direksyon ng init ng baga.
Dahil
ang chimney ay direktang nasa ilalim ng kalderong isasalang, makakamit ang ACS
kahit sa labas ng bahay kung saan ay malakas ang hangin.
Pagkatapos
ay bumuo siya ng frame upang magkaroon ng kontrol sa daluyan ng hangin at ng sa
gayon ay makontrol ang pagkasunog ng baga at init nito.
Ang
nasabi ding frame ang nagsisilbing paa ng ACS.
Ikinabit
niya sa frame ang dalawang mixing bowl at ang nasa ibabaw nito ay kinabitan
niya ng lever upang mapihit pataas at pababa.
Kapag
ang level ay ibinaba, magdidikit ang dalawang mixing bowl at magsasara ang
daluyan ng hanging sa ilalim ng nakapatong na bowl.
Kapag
naman itinaas ang lever, mas maraming hangin ang papasok pagitan ng dalawang mixing
bowl na mahihigop ng init ng baga na nakapatong sa nasa ibabaw na mixing bowl.
Ayon kay Caluag, kahit sarado ang daluyan ng
hangin sa ilalim ng nasa ibabaw na mixing bowl,
magpapatuloy ang may sindi ang baga dahil ang hangin ay magmumula sa
ibabaw ng kalan.
Ito
ang isa sa mga dahilan upang higit na makatipid sa uling.
Sa
kasalukyan, higit na napagaganda ni Caluag ang disenyo ng kanyang imbensyon.
Ito
ang paglalagay ng cast iron na salalayan ng uling o baga.
Ipinaliwanag
niya na ang cast iron ay kayang matagalan ang init na umaabot sa 900 degrees
celsius.
Dahil
dito tiniyak ni Caluag na mas magtatagal ang paggamit sa kanyang imbensyon.
Ang
bawat isang ACS nagkakahalaga ng P2,000 at ito ay mabibili sa Dynabilt Hardware
na pag-aari ng pamilya ni Caluag.
Ang
Dynabilt Hardware ay matatagpuan sa Barangay
Bagna sa lungsod na ito. Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment