MALOLOS—Isang malawakang prayer rally para sa mabilisang rehabilitasyon ng Angat Dam ang ikinakasa ng kapitolyo.
Ito
ay nakatakdang isagawa sa Biyernes, Pebrero 7 sa mini-forest park sa harap ng kapitolyo.
Ang
nasabing prayer rally at pangungunahan ng mga halal na opisyal ng lalawigan,
mga pastor at pari, kasama ang Bulakenyong televangelist na si Bro. Eddie
Villanueva.
Ito
ang ikalawang prayer rally na isasagawa sa lalawigan sa loob ng isang buwan,
matapos ang pagsasagawa ng day of prayer sa kapitolyo noong Enero 20 bilang pakikiisa
sa national day of prayer and solidarity na pinangunahjan ng Malakanyang.
Ayon
kay Gob. Wilhelmino Alvarado ang malawakang prayer rally ay uang pinlano
matapos ang pagsasagawa ng Angat Dam break drill sa lungsod na ito noong
Disyembre 13 na nilahukan ng may 12,500 katao.
Sa
panayam ng Mabuhay, sinabi ng governador na nais nilang higitan ang bilang ng
mga taong lumahok sa dam break drill noong Disyembre.
Binigyang
diin niya na layunin ng isasagawang prayer rally na matawag ang pansin ng mga
opisyal sa pambansang pamahalaan upang madaliin ang pagpapakumpuni sa Angat
Dam.
Bukod
dito,layunin din ng prayer rally na higit na mapalawak ang pagkakaunawa ng
Bulakenyo sa panganib na ihahatid ng posibleng pagkasira ng Angat Dam kung
sakaling lilindol ng malakas.
Ito
ay batay na rin sa resulta ng mga pag-aaral na tumukoy sa Marikina Valley Fault
line na matatagapuan may 200 metro sa silangan ng dike ng Angat dam.
Batay
sa pag-aaral ng PhilippineInstitute of Volcanology and Seismology (Philvolcs),
anumang oras ay maaaring gumalaw ang Marikina Valley Faultline.
Kapag
gumalaw ito ay maaring lumikha ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude na
maaaring maging dahilan ng pagkasira ng Angat Dam.
Batay
naman sa pag-aaral ng Tonkin and Taylor at Engineering and Development
Corporation of the Philippines (EDCOP), aabot sa 21 bayan at lungsod sa Bulacan
ang maapektuhan ng pagkasira ng Angat Dam.
Ito
ay kinumpirma pa ni Noel Ortigas ng EDCOP na nagsabing 50 hanggang 60 poryento
ng populasyon ng Bulacan ang maapektuhan.
Batay
sat ala ng National Statitics Office noong 2010, ang Bulacan ay may populasyong
2.8-Milyon, at sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 3-M hanggang 3.2-M.
Dahil
dito, nilinaw ng Mabuhay ang pahayag ni Ortigas kung ilan ang posibleng mamatay
sa Bulacan kung masisira ang Angat Dam.
“Hindi
naman lahat nay an ay fatal,” ani Ortigas sa panayam ng banggitin ng Mabuhay na
ang 50 hanggang 60 ng populasyong na kanyang binanggit ay katumbas ng mahigit
sa 1.5-M Bulakenyo.
Sa
pagtatanong Mabuhay, sinasabi ni Ortigas na tinatayang aabot sa 100,000
Bulakenyo ang masaswi kung masisira ang Angat Dam.
Ang
nasabing bilang ay halos kasing laki ng bilang ng populasyon ng bayan ng
Hagonoy na umaabot sa 130,000. Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment