Engr. German habang nakamasid sa Angat Dam. DB |
MALOLOS—Tuloy
at anumang oras ay maaaring simulan ang cloud seeding operation sa Angat Dam
dahil sa patuloy ang pagkaubos ng tubig doon.
Ito
ang naging pahayag ni Gladys Cruz-Sta. Rita, pangulong National Power
Corporation (Napocor) ilang araaw matapos masawi ang apat katao na nagsasagawa
ng cloud seeding sa Magat Dam ng bumagsak sa isang maisan ang eroplanong
kanilang kinasasakyan.
“Tuloy
ang cloud seeding,” sabi ni Sta. Rita sa isang text message na ipinahatid sa
mamamahayag na ito noong Miyerkoles, Abril 30.
Ang
mensahe ay tugon ni Sta.Rita sa katanungan ng mamamahayag na ito hinggil sa balitang
kumalat na sinuspinde ang cloud seeding sa Angat Dam dahil sa pagbagsak ng
eroplano sa Nueva Vizcaya noong Sabado, Abril 26.
Sa
kasunod na mensahe ni Sta. Rita, mas nilinaw niya ang operasyon ng cloud seeding.
“Only
the Nueva Vizcaya (cloud seeding) was suspended,” aniya.
Mapapansin
din sa kasunod na mensahe ng pangulo ng Napocor na lubhang kailangan na ang
pagsasagawa ng cloud seeding sa Angat Dam.
Ayon
kay Sta. Rita, “anytime ang sa Angat Dam.”
Ito
ay dahilna din sa patuloy ang pagkaubos ng tubig sa Angat Damna pinagkukunan ng
97 porsyentong tubig inuming may 13 residente ng kalakhang Maynila, kasama ang
ilang bayan at lungsod ng sa mga lalawigan ng Rizal at Cavite.
Batay
sat ala, ang water elevation sa Angat Dam ay bumaba sa 183.62 meters above sea
level (Masl) noong Miyerkoles.
Ito
ay mahigit tatlong metro na lamang bago sumayad sa kritikal na 180masl.
Kapag
sumayad sa 180 maslang water elevation sa Angat Dam, ang alookasyong sa
irigasyon ng magsasaka ay puputulin upang bigyang prayoridad ang tubig inumin
ng kalakhang Maynila.
Una
rito, sinabi ni Inihineyro Rodolfo German noong Biyernes, Abril 25 na bago
pumasok ang unang linggong Mayo ay sisimulan na ang cloud seeding operations sa
Angat Dam.
Si
German ang general manager ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp)
na nasa ilalim ng Napocor at siyang namamahala sa 53,000 ektaryang Angat
Watershed.
Igiiit
pa ni German na nakikipag-ugnayan na ang Napocor sa Metropolitan Waterworks and
Sewerage System (MWSS), National Disaster Risk Reduction Management Council
(NDRRMC) at sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng Department of
Agriculture (DA).
Nilinaw
pa niya na ang cloud seeding operations ay tatagalng 60 flight houts at
nagkakakhalaga ng P2.6-Milyon.
Ayon
kay German, kailangan masimulan samadaling panahon ang operasyon dahil sa
naghahabol sila sa seedable clouds.
Sa
mga nagdaang taon, nagsagawa rin ng cloud seeding operation sa pagtatangka na
makalikha ng ulan at madagdagan ang tubig sa dam at matiyak na may tubig na
iinumin ang kalakhang Maynila.
Kaugnay
nito, muling ipinaalala ng Napocor sa mga residenteng kalakhang Maynila ang
[pagtitipid sa paggamit ng tubig.
Ayon
kay German, makabubuting magresiklo ng tubig upang hindi kapusin.
Ilan
sa mga payo niya ay isahod ang tubig ginamit sa paghuhugas ng pinggan o
paglalaba at gamitin sa pagdidilig ng mga halaman o kaya ay pangluinis sa ibang
gamit.
Samamtala,
hindi lamang ang Angat Dam ang natutuyuan ng tubig dahil sa kakulangan ng ulan.
Maging
ang ibang dam sa bansa tulad ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija at Magat Damsa
pagitan ng mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Ifugao.
Noong
Sabado, naiulat na isang eroplanong gamit sa pagsasagawa ng cloud seeding sa
Magat Dam ang bumagsak na ikinasawi ng apat na sakay nito.
Kabilang
sa mga nasawi ay ang pilotong si Philip Jubane, at mga kawani ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng
Department of Agriculture (DA) na sina Leilani Naga, Christopher Evan Borja at
Melvin Simangan
Sila
ay pawang nakasakay sa eroplanong nirentahan ng SN Aboitiz Power upang
magsagawa ng clud seeding sa Nueva Vizcaya at Ifugao sa hangaring makalikha ng
ulan sa Magat Dam.
Ang
SN Aboitiz ay isang Filipino-Norwegian Consortium na namamahala sa power plant
ng Magat Dam. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment