MALOLOS—Naisumite
na sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Bulacan ang petisyong
recall election laban kay Gob. Wilhelmino Alvarado.
Ito
ay matapos ang ilang buwan ng bulung-bulungan sa lalawigan na may mga taong
nagsusulong ng recall election laban sa punong lalawigan na sa halalan noong
Mayo 2013 ay kumandidato na walang katunggali o unopposed.
Batay
sa sipi ng petisyon, ang nanguna sa pagsasampang recall election laban kay
Alvarado ay si Perlita Mendoza ng 714 Mendoza Street, Barangay Lolomboy,Bocaue
Bulacan.
Si
Mendoza ay sinasabing dating Provincial Administrator ng kapitolyo sa panahon
ng panunungkulan ni dating Gob. Joselito Mendoza na ngayon ay kongresista ng
ikatlong distrito ng Bulacan.
Bilang
pangunahing petitioner, si Mendoza ay kumakatawan sa 319,707 na Bulakenyong
lumagda sa nasabing petisyon.
Sa
kabuuan, sinabi ni Abogado Elmo Duque na umabot sa 80 kahon ang isumiteng
dokumento sa kanilang tanggapan.
Ito
ay dahil sa ang mga nagpetisyon ay nahati sa 12 grupo at ang bawat kopya ng
petisyon ay may pitong sipi.
“I
confirm na may petition para sa recall election laban kay Governor na isinumite
sa aming tanggapan kahapon ng alas-11:30 ng umaga,” ani Duque sa panayam ng
Mabuhay noong Martes, Abril 29.
Si
Duque ang Provincial Election Supervisor ng Comelec sa Bulacan.
Sa
panayam,nilinaw ni Duque na sa proseso ng paghahain ng recall
election,nangangailangan ito ng lagda ng 10 porsyento ng voting population ng isang local government unit
(LGU).
Dahil
ang punoing lalawigan ang pinetisyon, ito ay ngangailangan ng 10 porsyento ng
voting population ng buong lalawigan.
Batay
sa sertipikasyon na ipinagkaloob ng National Statistics Office (NSO) kay
Abogado Jolette Fajardo na inilakip sa kopya ng petisyon,ang kabuuang voting
population ng Bulacan ay umaabot sa 1,830,698 ayon sa isinagawang census noong
2010.
Ipinaliwanag
pa ni Duque na ang voting population ay ang bilang ng mga mamamayan ng
lalawigan na may edad 18 taong gulang pataas, rehistrado man o hindi.
Gayunpaman,
iginiit niya na kahit nakabatay ang 10 porsyento sa voting population, ang mga
lumagda sa petisyon ay dapat nakarehistro bilang botante at bumoto sa halalan
noong Mayo 2013.
Hinggil
naman sa bilang na 319,707 na lumagda, sinabini Duque na, “based on initial
assessment, umaabot sa halos 20 percent ng voting population ng Bulacan ang
pumirma sa recall petition.”
Sa
panayam, nilinaw pang Abogado an ang kanilang ginawa sa isinumiteng dokumento
ay “ministerial lamang.”
Kabilang
sa kanilang sinusuri ay kung ang bawat pahina ng nilagdaan ng mga nagpetisyon
ay nakasulat ang pangalan at posisyon ng pinetisyon, maging ang dahilan kung
bakit pinetisyon.
“Importante
na nakasulat ang mga impormasyon ito sa bawat signature sheet para walang fraud
o panloloko sa pagpapapirma,” ani Duque.
Batay
sa isinumiteng dokumento nakita ng
Mabuhay,ang dahilan ng pagpetisyon kay
Alvarado ay ang “loss of confidence due to graft and corrupt practices and
abuse of authority” o “kawalan ng tiwala dahil sa korupsyon at pag-abuso sa
kapangyarihan.”
Kaugnay
nito,nilina ni Duque na may tatlong araw lamang sila upang iproseso ang mga
dokumentong isinumite sa kanilang tanggapan.
“Limitado
muna kami sa form and substance ng petition dahil three days lang ang allow sa
amin batay sa ruling ng Commission,” aniya.
Pagkatapos
nito,ay isusumite nila sa Office of the Deputy Executive Director for
Operations (ODEDO) angmga dokumento.
Ang
ODEDO ay may tatlong araw di lamang upang suriin ang “form and substance” ng
petisyon bago ito ilipat sa Comelec En Banc.
Ang
En Banc naman ay 15 araw bago maglabas ng desisyon.
Ayon
kay Duque, may dalawang posibilidad ang desisyon ng En Banc—tuloy o hindi.
“Pag
may pondo, tuloy yan at saka namin sisimulan yung verification kung yungmga
pumirma ay registered voters at bumoto sa magdaang halalan,” ani Duque.
Kung
wala namang pondo, maaaring makatulad itong desisyon ng En Banc sa katulad na
petisyon na isinumite ni dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn
laban kay incumbent Mayor Lucio Bayron.
Ang
naging desisyon ng Comelec En Banc sa nasabing kaso ay “suspended” ang
proceedings dahil saw ala pang pondo.
Ayon
kay Duque, maaaring sa 2015 masimulan ang aktuwal na proseso sa recall petition
kung ito ay mapondohan sa General Appropriation Act bago matapos ang taon. Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment