ni Dino Balabo
HAGONOY,
Bulacan— Posibleng manalasa ang malalakas at mapaminsalang bagyo sa panahon ng
El Niño na karaniwang tinatampukan ng kakulangan ng ulan at mainit na panahon.
Ito
ang babalang ipinabatid ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical
Services Administration (PAGASA) sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA)
sa Gitnang Luzon. Ang babalang ito ay nagpapaalala ng paghahanda hindi lamang
sa mga magsasakang maaapektuhan ang pananim, kungdi maging sa bawat mamayan,
partikular sa mga lugar na karaniwang binabaha tulad ng bayang ito.
“Kung
iniisip natin na ang El Niño ay puro init ng panahon at kulang sa ulan,
nagkakamali tayo,” sabi ni Felicito Espiritu, information officer ng DA sa
rehiyon. Sinabi niya na batay sa paliwanag ng mga dalubhasa sa PAGASA, ang El
Niño ay maaaring magdulot ng mapaminsalang bagyo sa panahon ng tag-ulan.
“Hindi
imposible na magkaroon tayo ng malakas na bagyo sa nalalapit na tag-ulan dahil
sabi ng PAGASA, nagiging erratic ang ating weather system pag may El Niño,” ani
Espiritu. Dahil dito, binigyang diin niya ang patuloy nilang pakikipag-ugnayan
sa mga municipal agriculture officer at mga magsasaka sa rehiyon para sa akmang
paghahanda.
Kabilang
dito ang pagpili ng pananim na magiging akma sa panahon. Kaugnay nito,
ipinahayag ng PAGASA na posibleng magsimula ang pananalasa ng El Niño sa
susunod na buwan. Binigyang diin pa ng ilang dalubhasa na ang nararanasang
mainit na panahon ngayon ay bahagi na ng epekto ng pagsisimula ng El Niño.
Ito
ay dahil sa nagsimulang uminit ang temperatura sa ibabaw ng karagatan ng dagat
Pasipiko mula pa sa unang bahagi ng taon. Ilan sa mga katangian ng El Niño ay
ang regular na pananalasa nito tuwing ikalawa hanggang ika-siyam na taon mula
sa dagat Pasipiko.
Ito
ay karaniwang nagsisimula sa sa pagitan ng Disyembre hangang Pebrero ng susunod
na taon. Ito ay kadalasang nasusundan ng La Nina phenomenon na tinatampukan
naman ng malalakas na pag-ulan. Batay sa tala ng Pagasa, ang pinakagrabeng El
Niño sa bansa ay naitala noong 1997 hanggang 1998.
Gayunpaman,
nilinaw ng ilang dalubhasa na sa panahon ng pananalasa ng bagyong Milenyo noong
2006, bagyong Ondoy noong 2009 at mga bagyong Pedring at Quiel noong 2011, ang
bansa ay sumasailalim sa mahinang El Niño.
No comments:
Post a Comment