PULILAN,
Bulacan—Libo-libong tilapia na aanihin na lamang ang unang naging mga biktima
ng patuloy na pag-init ng panahon sa Bulacan.
Kaugnay
nito, muling ipinaalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga namamalaisdaan na tutukan ang
pagpapatubig sa kanilang palaisdaan; samantalang nananatiling ligtas sa red
tide ang Bulacan.
Ayon
kay Dr. Remedios Ongtangco, direktor ng BFAR sa Gitnang Luzon, ang insidente ng
fish kill ay naganap sa Barangay Taal, Pulilan Bulacan.
Ito
ay ang swimming pool na ginawang palaisdaan ni Consuelo Cabrera, isang 34
anyos na balikabayan
“She
called me and said that here tilapia are dying, and I sent a team to inspect,”
ani Ongtanco patungkol sa BFAR-3 Fish Health team na binubuo nina Carmen
Agustin, Gonzi Coloma, Liezl Monido at Haider Ramos.
Batay
sa ulat ng Fish Health Team ng BFAR, ang pagkamatay ng mga alagang tilapia ni
Cabrera ay sanhi ng biglaang pagbabago sa temperatura at pagtaas ng unionized
ammonia na tinatawag ding toxic ammonia.
Ayon
pa sa ulat ng Fish Health Team, ang ideal na unionized ammonia sa tubig ay
dapat 0.300 miligram bawat litro.
Ngunit
sa kanilang pagsusuri umabot sa 2.66 hanggang 3.15 miligram bawat litro ng
tubig ang unionized ammonia sa palaisdaan ni Cabrera.
Sa
panayam, sinabi ni Cabrera na bago maganap ang fiskill ay mainit ang panahon
ngunit noong Linggo ng gabi ay biglang umambon.
Kinabukasan
ng umaga,ilang mga isda niya ang nagsimulang lumutang at tuluyang nalipol
angmga ito noong Martes.
“This
is the first time it happened to us,” sabi Cabrera na nagsimulang maghulog ng
8,000 binhi ng tilapi a noong 2012 at nasunda pa ng 5,000 nitong nakaraang
taon.
“Ihaharvest
na lang namin, nagkamatay pa,” aniya.
Batay
sa ulat ng Fish Health Team, ang paglaki ng mga tilapia sa palaisdaan ay isa
rin sa dahilan ng pagkamatay ng mga ito.
Ito
ay dahil sa ang mga isda ay halos isang kilo na ang bigat ng bawat isa.
Batay
sa naunang pahayag ng BFAR,ipinayo nilana bawasan ang mga isda sa palaisdaan
kapag malalaki na ito upang lumuwag ang palaisdaan.
Ito
ay sa pamamagitan ng selective harvesting.
Batay
sa rekomendasyon ng BFAR, ang selective harvesting ay isang hakbang upang
matiyak ang kaligtasan ng mga alagang isda.
Ito
ay upang hindi nag-aagawan ang mga isda sa nalalabing oksiheno sa tubig.
Samantala,ipinalala
ni Ongtango sa mga namamalaisdaan na maging mapagbantay sa kanilang palaisdaan
dahil sa biglaang pagbabago ng temperatura na nagdudulot ng fish kill.
Sa
karagatan naman,ipinagmalaki ni Ongtangco na nananatiling ligtas sa red tide ng
Bulacan.
Ngunit
ang mga isda at ibang lamang dagat na huli baybayinng Bataan ay mataas pa
rinang naitalang red tide toxins.Dino Balabo at Annejoelica Esguerra
No comments:
Post a Comment