CALUMPIT,
Bulacan—Dalawang obrero ang iniulat na nasaktan sa pagbagsak ng
kinukumpuning tulay sa Calumpit, Bulacan
noong Biyernes ng umaga, Mayo 23.
Ang
mga biktima ay nakilalang sina Robert Vidal, isang crane operator at Jerry
David, isang mason.
Sila
ay agad na isinugod sa di kalayuang Sta. Cruz Hospital ng mga kasapi ng
Calumpit 1024 volunteer rescue group na nakatalaga sa tulay upang tumugon
sa katulad na insidente.
Ayon
kay Inhinyero Ruel Angeles, hepe ng Department of Public Works and Highway
(DPWH) First Engineering District, ang pagbagsak ng tulay ay isang aksidente.
Ikinuwento
niya na bago maganap ang aksidente ay inilipat ng kontrator na Wing-An
Construction Development Corporation ang kanilang mga kagamitan sa gitna ng
tulay upang bigyang daan ang demolisyon ng south span ng tulay.
Ang
south span ng tulay ay nasa bahagi ng Poblacion, Calumpit at ng north span nito
ay nasa bahagi ng Barangay Gatbuka.
“Ang
ide-demolish ay yung span sa side ng Poblacion kaya yung mga equipment ay
inilipat sa mid-span pero bumigay din yung mid-span,” ani Angeles.
Iginiit
pa ni Angeles na ang pagbagsak ng middle span ng tulay ay nagpapakita lamang na
mahina na iyon at dapat na talagang palitan.
Sa
pagbagsak ng middle span ng tulay ay bumagsak din ang mga steel truss sa ibabaw
nito na tumama samga kagamitan tulad ng crane at lifter.
Una
rito, inirereklamo na ng mga residente ang mabagal na rehabilitasyon ng tulay
na nagsimula noong Hunyo 2013 at dapat sana ay natapos nitong Abril.
Ngunit
humiling ng dagdag na panahon ang kontraktor dahil sa mga tatanggaling steel,
concrete at wooden piles sa ilalim ng tulay.
Ayon
kay Angeles, tinatayang matatapos ang tulay sa darating na Setyembre.
No comments:
Post a Comment