MALOLOS—Kinumpirma
ng Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes, Marso 22 na diniskwalipika
ng Comelec En Banc ang katunggali ni Kinatawan
Marivic Alvarado sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan.
Ito
ay nangangahulugan na katulad ng kanyang asawa na si Gob. Wilhelmino
Alvarado,opisyal na ring walang kalaban si Kint. Marivic.
Ayon
kay Abogado Elmo Duque, ang provincial
election supervisor sa Bulacan, naglabas
ng isang resolution an gang Comelec En Banc noong Pebrero 19 kung saan ay
diniskwalipika si Sahiron Dulah Salim, isang retiradong opisyal ng pulisya.
Si
Salim ay nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) noong Oktubre
bilang indipendienteng kandidato sa pagka-kongresista ng unang Distrito kung
saan ay ang kanyang katunggali ay si Kint Marivic.
Ngunit
matapos lamang ang ilang araw, nagsumite ng petisyon sa Comelec si Kint.
Marivic na humihiling na madiskwalipika ang retiradong pulis.
Salim |
Batay
sa pagsusuri ng Conelec En Banc, sinabi ni Duque na si Salim ay idineklara
bilang isang nuisance candidate.
Ito
ay dahil sa pagkandidato ni Salim sa ibat-ibang posisyon sa ibat-ibang lugar
mula noong 2009.
Batay
sa tala ng Comelec, si Salim ay nagsumite ng kanyang CoC bilang gobernador ng
lalawigan ng Jolo sa Sulu para sa halalan noong 2010.
Sa
nasabing halalan ay natalo si Salim matapos makaipon ng pinakamababang bilang
ng boto sa hanay ng mga kandidatong
gobernandor.
Ayon
pa kay Duque nagsumite rin si Salim ng CoC noong samantaloang pina-uusapan pa
pagsasagawa ng halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) noong
2010.
“Halos
taon-taon at nagpa-file siya ng candidacy sa ibat-ibang lugar,” ani Duque at
sinabing ang ang pinakahuli ay sa Bulacan nitong Oktubre.
Ayon
sa abogado, ang pagpag-file ni Salim ng kandidatura sa ibat-ibang lugar para sa
ibat-ibang posisyon ay nangangahulugan na hindi ito seryosong kandidato.
Kaugnay
nito, sinabi ni Duque na kahit nadiskwalipika naq si Salim ay mababasa pa rin
sa balota ang kanyang pangalan sa pagsasagawa ng halalan.
Ito
ay dahil sa ang pagpapalimbag ng mga balota ay nasimulan noong Pebrero 4 at ang
pagdidiskwalipika kay Salim ay naganap noon lamang Pebrero 19.
Ang
pagkadiskwalipika kay Salim ay nangangahulugan na ang mag-asawang Alvarado ay
opisyal ng kapwa walang katunggali sa halalan sa Mayo.
Matatandaan
na noong Enero ay diniskwalipika rin ng Comelec ang mga indipendienteng
kandidatong gobernador sa lalawigan na sina Jaime Almera at Ernesto Balite.
Ang
dalawa ay idineklara din ng Conelec bilang mga nuisance candidates.
Ang
pagkadiskwalipika sa mga katunggali ng magp-asawang Alvarado ay nangangahulugan
din na sila ang kauna-unahang mag-asawa na kandidato sa panglalawigang halal na
posisyon sa lalawiganna kapwa walang katunggali sa parehoing halalan.
Sa
mga nagdaang halalan, halos wala namang kalaban sa kanilang magkahiwalay na
pagkandidato sina dating Gob. Roberto Pagdanganan at dating Gob. Josie Dela Cruz.
Ito
ay dahil sa sinasabing mahina ang kanilang mga nakatunggali kaya’t ang kanilang
laban ay tinawag na “virtually unopposed.” Dino Balabo
No comments:
Post a Comment