Wednesday, March 27, 2013

HANGING BRIDGE: P5-M gugugulin sa malawakang pagkukumpuning hinihintay


 

CALUMPIT, Bulacan—Limang milyong piso na ang inihanda ng administrasyong Aquino para sa pagpapakumpuni ng hanging bridge na nag-uugnay sa mga barangay ng bayang ito at ng bayan ng Hagonoy.

Ngunit sa kabila na matagal nang naihanda ang nasabing piondo ay hindi pa rin ito na nailalabas upang magugol sa pagpapakumpuni ng nasabing hanging bridge na muling nasira noong Marso 3.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang nasabing pondo ay mula sa pondo ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ito ay nakakatulad ng pondo na ipagkakaloob din sana ng Malakanyang sa isa pang gobernador para sa pagpapakumpuni rin ng tulay.

Ngunit hindi rin nailabas ang nasabiong pondo dahil sa nagkaroon ng kalaban sa halalan sa Mayo ang nasabing punong lalawigan.

“Maghintay na lang tayo ng ilang panahon, marerelease na yung pondo para sa Iba hanging bridge.”ani Alvarado.

Ngunit sa pananaw ng ibang Bulakenyo,hindi na kailangan ang pondo mula sa NDRRMC upang maisagawa ang malawakang pagpapakumpuni sa Iba hanging bridge.

Ito ay dahil sa ang pondo ng pamahalaang panglalawigan para sa kalamidad ay umaabot sa mahigit P100-M bawat taon.

Ang calamity fund ng bawat pamahalaang lokal ay limang porsyento ng kabuuang pondo sa isang taon.

Batay sa impormasyong naipon ng Mabuhay,umaabot sa halos P3-Bilyon ang pondo ng kapitolyo sa taong 2012.


Batay sa mas naunang pahayag, sinabi ni Kapitan Celerino Fajardo ng Iba, Hagonoy na ang nasabing hanging bridge ay sinimulang itayo noong 1997.

Sa pananalasa ng malalim napagbahang hatid ng Bagyong Pedring noong 2011,nasira at pumalipit ang hanging bridge matapos bumalandra sa ilalim nito ang maraming waterlily na tinangay ng agos.

Noong Enero ay sinimulan ng kapitolyoang inisyal na pagpapakumpuni sa hanging bridge, ngunit nito Marso 3 at nasira ang pamakuan o girder nito sa gitna.

Dahil dito, nagsagawa ng pansamantalang pagkukumpuniang pamahalaang barangay ng Iba, Hagonoy.

Ngunit binigyang diin ni Fajardo na kailangan pa rin ang malawakang pagpapakumpuni.

No comments:

Post a Comment