Saturday, March 9, 2013

HANGING BRIDGE: Muling nasira, malawakang pagkukumpuni dapat nang isagawa




HAGONOY, Bulacan—Dapat nang magsagawa ng malawakang pagkukumpuni sa hanging bridge na nag-uugnay sa mga barangay ng Hagonoy at Calumpit matapos na muli itong masira noong Marso 3.

Nagsagawa naman ng agarang pagkukumpuni sa nasabing tulay ang mga opisyal ng Barangay Iba sa bayang ito, ngunit ayon sa kanila, iyon ay pansamantala lamang.

Ayon kay Kapitan Celerino Fajardo ng Barangay Iba, hindi maaring pagtalinang kasalukuyang kalagayan ng nasabing tula.

“Kailangan ang major repair dahil baka may madisgrasya,” ani Fajardo patungkol sanasabing tulay na nag-uugnay sa barangay Iba sa bayang ito at Iba Este sa bayan ng Calumpit.
 
Ang nasabing tulay ay ginagamit na tawiran ng mga residente ng dalawang barangay, kabilang na ang mga batang mag-aaral.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga batang mag-aaral, sila ay ihinihahatid at sinusundo ng kanilang mga magulang sa eskwela.

Sa pagmamasid ng Mabuhay noong Miyerkoles, Marso 6, napansin na ilang magulang ang binubuhat ng kanilang magulang pagsapit sa bahagi ng tulay na nasira.

Ilang kabataan namang namasyal  sa nasabing tulay na nagmula sa barangay Calumpang sa bayan ng Calumpitang hindi na tumuloy sa pagtawid sa pangambang madisgrasya.

“Totoo ang sabi ni Kapitan, kailangan na na talaga ang major repair dahil paulit-ulit na nasisira yan,”sabi ni Kagawad Soledad Santos ng nasabing barangay.
 
Ayon kay Santos, marami na silang hiningan ng tulong upang tuluyang makumpuni ang tulay.

“Puro minor repairs lang,” sabi niya at iginiit na noong nakaraang taon ipinakumpuni ngh kapitolyo ang tapakan ng hanging bridge sa pamamagitan ng paglalatag ng mga bagong table.

Nagbigay naman ng ilang piraso ng kawahyan ang pamahaalang bayan ng Hagonoy bilang pamalit sa mga gabay ng tulay na nasira.

Ayon kay Kapitan Fajardo, ang nasabing tulay ay sinimulang itayo noong 1977, at may kabuuang habang 142 linera meters na tumawid sa magkabilang pampang Labangan channel.

Sa panayam ng Mabuhay kay Fajardo, ikinuwento niya mula noong 1977 ay minsan pa lamang nagsagawa ng major repair sa hanging bridge.

Kaugnay nito, sinabi ni Inhinyero Ruel Angeles ng Department of Public Worksand Highways (DPWH) First Engineering District na pinapuntahan na nila sa kanilang tauhan ang hanging bridge upang masuri.

Nangako naman kay Gob. Wilhelmino Alvarado na ipakukumpuni niya ang nasabing tulay.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay muling nasira ang nasabing tulay matapos na pumalipit ito g bumalandra ang mga water lily na natangay ng pagbahang hatid ng bagyong Pedring noong Oktubre 2011.

Noong Linggo ng hapon, nabali ang wooden girder o pamakuang tahilan sa gitna ng tulay kaya’t lumaylay ang may tatlong metrong bahagi nito.

Dahil sa paglaylay, naghatid ito ng pangamba sa mga dumadaan dahil sa posibilidad na tuluyang bumagsak iyon.

Ayon kay Ver Fajardo, isang residente na karaniwang nangangawit ng isda mula sa tulay, maging siya ay natatakot dumaan dahil baka mahulog siya.

“Mas delikado iyan samga bata, malalaimang bahaging ito ng ilog,” sabi ni Fajardo.

Batay sa pagtaya ni Fajardo, umaabot sa mahigit 20 talampakan ang lalim ng ilog sa ilalim ng tulay.  Dino Balabo

No comments:

Post a Comment