Makikita si PNoy matapos pasinayaan ang Plaridel-Bustos by-pass road. |
BOCAUE,
Bulacan—Ikinagalak ni Pangulong Benigno Aquino III ang malaking pondong natipid
ng Department of Public Works and Highways sa pagpapatupad ng dalawang
proyektong pinasiyaan niya sa Bulacan noong Biyernes, Marso 1.
Ang
kagalakan ng Pangulo hindi niya naisatinig, ngunit nabakas ito sa kanyang ngiti
at pangunguna sa pagpalakpak habang nagsasagawa ng project briefing si Public
Works Undersecretary Alfredo Tolentino sa tulay ng bayang ito.
Ang
project briefing ay isinagawa matapos pangunahan ng Pangulo ang inaugural drive
sa 14 na kilometrong phase 1 ng Plaridel-Bustos by-pass arterial road project;
at bago isagawa ang pasinaya sa pinalapad na tulay sa bayang ito noong araw
ding iyon.
Kapansin-pansin
naman na walang kasamang kandidatong senador ng Liberal Party ang Pangulo sa
pagpapasinaya sa dalawang proyektong naglalayon na mapaluwag an gang daloy ng
trapiko sa lalawigan, na naghatid din ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa
kahabaan ng MacArthur Highway habang isinasagawa ang briefing at pasinaya sa
tulay.
Ayon
kay Tolentino, ang Plaridel Bypass ay may kabuuang habang 24-61 kilometro mula
sa North Luzon Expressway (NLEX) hanggang Barangay Maasim sa bayan ng San San
Rafael.
Ang
unang bahagi nito ay may habang 14.675 kilomentro mula NLEX hanggang sa bayan ng
Bustos.
Ang
nasabing bahagi ay pinondohan ng halagang P706.544-Milyon, ngunit ang nagstos
lamang ay P593-M, o halos P113-M na katipiran.
Project briefing sa Bocaue bridge. |
Ayon
kay Tolentino, umabot sa P163-Milyon ang natipid sa nasabing proyekto, ngunit
sa huling pagbisita ni Secretary Rogelio Singson ay may ipinadagdag na tambak
sa mga tulay na nagkahalaga ng P50-M.
Bukod
dito, ang proyekto ay natapos noong
Nobyembre 21, 2012 o tatlong buwan bago matapos ang itinakdang araw
upang iyon at tapusin.
Ang
mga kalagayang ito ay ikinagalak ni Pangulong Aquino kaya’t siya ay
napapalakpak sa pagsasagawa ng briefing ni Tolentino.
Hinggil
naman sa pinalapagd na tulay ng Bocaue, sinabi ni Tolentino na maaga rin iyong
natapos at nakatipid sila ng halos P4-M.
Ang
kabuuang pondong nagugol sa tulay ng Bocaue ay P57.416-M, ngunit ang kabuuang
pondong inihanda roon ay P61.593-M.
”Ito
po ang epekto ng inyong kampanyang tuwid na daan, kaya tuwid ang bidding pati
implementasyon,” Tolentino.
Iginiit
pa niya na ang ikalawang bahagi ng Plaridel By pass na may habang 10 kilomentro
ay sisimulang isubasta sa Marso 5.
Kasama
sa konstruksyon ng ikalawang bahagi ng Plaridel bypass ay ang tulay na may
habang mahigit sa isang kilometro na tatawid sa Ilog Angat sa pagitan ng mga
bayan ng Bustos at San Rafael.
Ito
ay tinatayang matatapos sa unang tatlong buwan ng 2016.
Ngunit
ayon kay Tolentino, kung ang nasabing proyekto ay isasagawa ng walang tigil sa
loob ng 24 oras sa bawat araw, matatapos iyon bago magtapos ang 2015.
“Mahigit
pos a 40 porsyento ng trapiko ang mababawas sa kahabaan ng Cagayan Valley Road
dahil sa Plaridel Bypass,” dagdag pa niya. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment