Wednesday, March 6, 2013

Mar Roxas hinamon ng Norzagaray mayor




MALOLOS—Hinamon ng alkalde ng Norzagaray ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Kalihim Mar Roxas na ituwid ang problemang nalikha sa nasabing bayan.

Hinamon din ni Mayor Feliciano Legazpi ay si Florida Dijan, ang direktor ng DILG sa Gitnang Luzon.

Kabilang sa problemang nalikha sa nasabing bayan ay ang kawalan ng pondong pampaswueldo sa mga kawani ng munisipyo, pondo sa operasyon ng pamahalaang bayan at patuloy na tensyon.

Ito ay nag-ugat sa utos na inilabas ni Dijan noong Disyembre na nagsasabing suspendido si Legazpi ng anim na buwan at isang araw dahil sa reklamo ni Muncipal Budget Officer Yolando Ervas na inabuso ng alkalde ang kanyang posisyon.

“They should come here and fix the problems they caused,” ani Legazpi sa panayam sa telepono ng Radyo Bulacan noong Huwebes, Pebrero 28.

Hinamon din ni Legazpi sina Roxas at Dijan na patunayan na siya sa suspendido.

“Hindi ko pa nga natatanggap ng pormal yung kopya,” sabi ng alkalde.

Ang sipi ng pagsusupinde kay Legazpi ay inihain noong Disyembre sa munisipyo at isang sipi nito ay napasakamay ni Vice Mayor Rogelio Santos.

Dahil dito nagbigay ng sipi si Santos sa Land bank of the Philippines (LBP) kasama ang sipi ng kanyang panunumpa sa tungkulin bilang alkalde.

Bilang tugon, pinatigil ng LBP ang paglalabas ng pondo ng Norzagaray, kabilang na ang para sa suwldo ng mga kawani, na ayon naman kay Legazpi ay dalawang buwan ng hindi nakakasuweldo.

 “We cannot withdraw from our funds and our employees have not receive their salary in more than two months, not to mention that we don’t have fund for the delivery of social services,”  ani ng punong bayan.

Iginiit niya na ang suspensyong ipinalabas ng DILG ay “premature” na nakabatay sa resolusyon ng Ombudsman noong huling bahagi ng Nobyembre.

“Premature iyon dahil dapat magkaroon ako ng appeal o motion for reconsideration sa Ombudsman,” ani Legazpi.

Dagdag pa ng alkalde, “they must not turn a deaf ear on us, they cause this problem and the people of Norzagaray are suffering, they should be the to fix it.” Rommel Ramos at Dino Balabo

No comments:

Post a Comment