MALOLOS—Limang koponan kabilang ang isa na binubuo ng mga
Koreano sa Subic Bay ang magsasagupa sa unang
season ng Central Luzon Football League na sisimulan sa Mayo 13.
Ang mga koponan ay binubuo ng FUTBulakenyos, Amihan Football
Club ng Subic Bay, Subic Football Club na binubuo ng mga manlalarong Koreano,
Tarlac Football School at ang Pampanga Football Club ni Larry Simon.
Ayon kay John Bayarong, ang mamamahayag na nag-organisa ng
palaro, inaasahang tatagal ng tatlong buwan ang kumnpetisyon.
Bukod dito, ang mga laro ay isasagawa sa mga lalawigang may
kinatawang koponan.
“We intend to promote football in Central
Luzon through this league and discover talents and future
sportsmen,” ani Bayarong sa isang email na ipinadala sa mamahayag na ito.
Ang unang sagupaan sa CLFL ay isasagawa sa lalawigan ng
Tarlac kung saan ay maraming football field.
Ang CLFL ay ang kauna-unahang liga ng football sa rehiyon.
Kaugnay nito, ang koponan ng Bulacan na tinaguriang
FUTBulakenyos ay ang itinautring na team to beat sa CLFL.
Ito ay dahil sa ang mga manlalaro ng FUTBulakenyos ay
nagmula sa Bulacan
State University
(BulSU) at apat na sunod na taong kampiyon sa State Colleges Universities
Athletic Association (SCUAA) Region III.
Ayon kay Emmanuel Robles, isang guro sa BulSU at coach ng
FUTBulakenyos, siyam na kasapi ng koponan na nagwagi sa huling SCUAA-III ang
nantili sa koponan.
“Graduate na iyong ibang players, but we still have the
core,” ani Robles.
Iginiit pa niya na maging sa palarong Xang-Li-7-A Football
Festival noong nakaraang taon ay nagkampion ang FUTBulakenyos.
Ang palarong
Xang-Li ay nilalaro lamang ng pitong manlalaro sa bawat koponan, sa halip na
11.
Ito ay muling
isasagawa ngayong Linggo, Abril 22 sa Pampanga Agricultural State College
(PASC) sa bayan ng Magalang sa Pampanga.
Ayon kay Robles,
hinati niya sa talawang koponan ang FUTBulakenyo sa kanilang paglahok sa
Xang-Li.
Bukod sa dalawang
koponan ng FUTBulakenyos, apat pang kponan sa Bulacan ang lalahok sa nasabing
palaro.
Kabilang dito ay
ang Agila Ladies FootBall Club na nagkampiyon din noong nakaraang taon ngunit
ngayon ay hinati rin sa dalawang koponan.
No comments:
Post a Comment