MALOLOS—Muling ipinaalala ng simbahan ang paggamit sa mga
tono ng awiting pangsimbahan sa pagbasa ng Pasyon ngayong Semana Santa,
samantalang ipinagbabawal ang paggamit ng tonong “rock and roll.”
Ito ay isa lamang sa 14 na puntong tagubiling ipinalabas ng
Diyosesis ng Malolos hinggil sa taunang pagbasa ng Pasyon.
Ang tagubilin ay inihanda ni Monsignor Andres Valera, ang vicar general
ng Diyosesis ng Malolos, at isa sa pangunahing awtoridad sa liturhiya ng
diyosesis.
Ayon kay Valera,
layunin ng tagubilin ay na mapanatili ang kaayusan.
“Ang pagbasa ng Pasyon ay isang debosyon at panalangin, kaya
ito ay dapat taimtim at magalang,” ani Valera
Bilang pangunahing orotidad sa liturhiyang pangsimbahan,
sinabi ni Valero na hindi dapat gumamai ng mga tonong hindi relihiyoso tulad ng
rock sa pagbasa ng Pasyon.
Ipinayo niya na mas makabubuting gamiting ay ang mga tono ng
mga awiting pagsimbahan katulad ng mga tono ng awiting ginamit sa kursilyo.
Patungkol sa mga gawain sa loob at labad ng mga kapilyang
pinagsasagawaan ng pabasa, ipinayo niya na “mas maganda ay maglagay ng kainan
sa gilid o labas ng bisita. Hindi rin
maganda ang kumakain ng butong pakwan habang bumabasa ng Pasyon.”
Pinalalahanan din niya ang mga katoliko na iwasan ang
pagkakalat sa loob at labas ng kapilya, maging ang paninigarilyo.
Hinggil sa pagkain, ipinaalala niya na ang pag-aayuno at
pagbabawas ng pagkain sa panahon ng semana santa partikular na Biyernes Santos.
Bawal din ang pagkain ng mga butong pakwan at katulad nito
habang bumabasa ng pasyon.
Para sa mga kabataan, ipinayo niya na dapat itong gabayan ng
mga mas nakakatatanda upang maiwasan ang harutan at paglalaro habang bumabasa
ng pasyon.
Maging sa sa mga sound system ay nagbigay ng tagubilin si Valera.
Sinabi niya na na mas makabubuting may reserba upang
maiwasana ng pagkasira ng mga ito sa sobrang init snahi ng matagal na patuloy
na paggamit.
Ang taunang pabasa ay karaniwang isinasagawa sa mga simbahan
at kapilya matapos ang Linggo ng Palaspas.
Ito ay karaniwang natatapos pagsating ng ika-12 ng tanghali
kung Biyernes Santo, upang mga mga mananampalataya ay makalahok sa ibang
gawaing pangsimbahan.
Ngunit ang pagbasa ng pasyon ay isinagawa rin ng mga
pribadong samahan at indibidwal katulad ng mga samahalang penitensya sa bayan
ng Hagonoy.
Ilan sa mga pribadong indibidwal sa nasabing bayan ang
nagsasagawa ng pabasa bago pa dumating ang Linggo ng Palaspas bilang pagtupad
sa kanilang taunang panata. (Dino ,Balabo)
No comments:
Post a Comment